"Be my girlfriend."
Napatitig ako sa mga mata nya nang bigla syang nagsalita. Hindi ko inakala na kaya nya pala talagang sakyan ang plano ng mga kabarkada nya. Na kakayanin nyang gumamit ng ibang tao para sa sariling kaligayahan. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili nya. He can have any girl he wants and dump her later. Yes, anyone but me.
"Ayoko."
Napaangat ang gilid ng kanyang labi dahil sa sinabi ko. Ito yata ang unang pagkakataon na tinanggihan ko sya. Ilang minuto ang nakalipas at ako na ang unang bumitaw sa aming titigan. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa mga titig nya. Sa uang pagkikita pa lang namin ay kinilabutan na ko sa tuwing titignan nya ang mga mata ko na para bang alam nya ang tumatakbo sa utak ko. Humugot ako ng malalim na hininga.
"I know I'm not your type Lance. I know you're only going to use me."
Mabait at tahimik si Lance. Gwapo at mayaman. He's a good catch kaya naman confident sya na kahit sinong babaeng alukin nyang maging girlfriend ay papayag ito. Kung hindi ko lang siguro alam ang balak nya, malamang pumayag na ako. Gusto ko syang tulungan pero hindi ko kayang ipain ang sarili kong dignidad kapag oras na para iwan nya ako.
"Okay, you got me."
Huminga sya ng malalim at hinilamos ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.
"I'm sorry. I don't know what to do anymore. I love her too much. Ginawa ko na lahat and this might be the only way para bumalik sya sa akin."
"Ligawan mo ko."
Tumingala sya at kumunot ang kanyang noo na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumawa sya ng mahina at nagsalita.
"You know me Mystery. I don't do courting."
Tama sya. Hindi nga sya nanliligaw at kailanman hindi pa nakaranas manligaw. Ngunit ito lang talaga ang naisip kong paraan para matulungan sya. It's either he court me or he let her drift away.
"Exactly! Alam ng lahat na hindi ka nanliligaw kaya naman iisipin nilang seryoso ka sa akin at gusto mo talaga ako. Kapag nakita ni Liza na nagbago ka na, manghihinayang sya na hiniwalayan ka nya at sya na mismo ang magmamakaawang balikan mo sya."
Muli ko syang tinitigan at nginitian.
"Gusto kitang tulungan pero di ko kayang maapakan ang pride ko. Sige, kung pumayag akong maging girlfriend mo tapos nagselos sya at binalikan ka nya. Malamang iiwan mo ko sa ere. Oo, hindi kita mahal kaya hindi ako masasaktan pero ako pa rin yung magmumukhang kawawa sa mata ng ibang tao Lance! Kung liligawan mo ko, hindi tayo mahihirapang bitawan ang isa't isa. Sa huli, pwede nating sabihin na mas okay tayo as friends.."
Ngumiti sya at saka ako niyakap.
"Thank you Mystery! Ang talino mo talaga. Sorry for being selfish. Di ko man lang naisip yung iisipin ng ibang tao sa iyo."
Sinuklian ko ang yakap nya at hindi ko namalayang nakatulog na pala sya sa balikat ko. As I watched him sleep that night, I remembered the first time we met. That pair of cold eyes. The loud sound of an upbeat music. The laughter from our friends. Sana tama 'tong desisyon ko. Sana hindi ko pagsisihan ang magiging kahihinatnan ng usapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
ChickLitMystery is used to living her simple life. She has a nice job, good friends and a loving younger brother. She needed nothing more. She's satisfied of what she has. But her life turned upside down when she met Lance. He is everything she's not. A fil...