Chapter 9

102 5 1
                                    

Tumawag si Lucille kay Edward kinabukasan para ipaalam dito ang kanyang pasya, sa paraang uutang siya para kanyang pagpapagamot at pag aaral ni Lucia.

Iniisip niya kung dapat bang sabihin ito kay Lucia at Greg pero nasa sa kanya na kung ipagtatapat ba kay Lucia ang kanyang sakit.

Inayos ni Edward ang pera para agad maipadala sa kanya. Di siya nag alinlangan tinanggap ito at agad lumuwas sa Manila para magpagamot. Sa laki ng kelangan niya bawat araw ay halos di kiya akalain na hihingi siya ulit dito. Walang pagdadalawang isip na nang bigay ulit ito sa kanya.

Si Greg at Lucia naman ay sa pag aaral at sa kanilang relasyon ang focus. Halos ilang beses na silang naghalikan at nakaklimot saka ilang beses niyang hiniling kay Greg na magniig na sila pero si Greg ang mataas ang kontrol, gusto nitong sa unang gabi ng kasal nila saka sila magniniig.

Dumating ang finals saka nila nararamdaman na gragraduate na pala si Greg, magtratrabaho na ito at siya ang mag aaral. Nakakalungkot mang isipin pero alam niyang di siya papabayaan ni Greg.

Minsang paguwi niya sa bahay ay nadatnan niya ang ina na nakahiga sa kama nito na para bang walang buhay. Hinawakan niya ito pero wala itong reaksyon. Sumigaw siya para magpatulong sa kanyang yaya Maria at agad nilang itinakbo sa hospital.

Nagimbal siya sa natuklasan, matagal ng may sakit ang kanyang mommy, halos wala siyang kaalam alam sa nangyayari dito. Sa lahat ng pinagtapat sa kanya ni Yaya Maria ay halos gusto niyang mahimatay sa mga pangyayari.

Ni hindi niya pinilit inalam ang pagbabago ng kanyang mama, akala niya ay malungkot ito at naghahanap lamang ng karamay sa kaibigan pero yun pala ay puro sa hospital ang tuloy nito bawat luwas nito sa Manila.

" napakasama kong anak yaya, ni hindi naatulungan ang mommy." iyak siya ng iyak sa nangyari.

" wala kang kasalanan iha, desisyon ung ng iyong mommy, alagaan mo ang iyong sarili para mas maalagaan mo siya." payo nito.

Nagyakapan sila ng matagal at hinintay na magising ang kanyang mama. Bagama't dahil sa pagod kaya nawalan ng malay ang kanyang mama ay payo pa rin ng doktor na kelangan nitong magpachek up sa sakit nito.

Gusto niyang alagaan ang kanyang mama at samahan ito sa mga pagpapagamot sa Manila. Ayaw niyang mawala ang kanyang mama.

Umungol ang kanyang mama kaya agad siyang lumapit dito.

" mommy, mommy".. umiiyak siyang yumakap dito.

" Lucia, huwag kang umiyak." garagal ang boses na sabi nito.

" mommy alam ko na po ang lahat." sabi niya dito.

Umiyak ang kanyang mama at mas niyakap siya, matagal silang nagyakapang mag ina.

" I'm sorry, I hide it from you kasi ayokong masaktan ka. Napakaselfish kong hindi man lng ito nasabi sayo."

" mommy, it's ok ang importante alam ko na at tutulungan kita, sasamahan kita sa pagpapagamot mo."

" nag aaral ka Lucia, just focus on you studies, tinutulungan ako ng tita Melinda mo pag nasa Manila ako. I'm fine iha, maganda ang tulong sakin ng gamot paminsan minsan lamang ay mahina ako."

Yumakap pa rin siya dito, gustuhin man niyang hindi sumang ayon sa sinasabi nito ay ayaw na niyang dumagdag pa sa mga iniisip nito.

Nagpalit ng doktor si Lucille sa Manila, at mas maganda ang tulong ng mga gamot na binigay sa kaya, bukod sa doble ang presyo ng nga gamot at mga gastusin sa ospital at masaya na siyang mas gumagaling siya sa tulong ng mga ito.

Pinilit ni Edward na gamitin niya ang connection ng mga eto sa Manila pero umayaw siya, kalabisan ng umutang siya ng malaking halaga sa mga ito para kanyang sarili.

Bawat pagluwas ni Lucille sa Manila ay  nalulungkot si Lucia na hindi siya nakakasama, pero binabalitaan naman siya ng kanyang mama o kaya ang kanyang tita Melinda, mula ng malaman ng kanyang tita ang sakit ng kanyang mama ay agad itong tumulong sa kanila, pagbantay sa ospital pag nasa hospital ang kanyang mama at dun sa bahay ng mga ito tumutuloy ang kanyang mama pag kelangan pa nitong mag stay sa Manila.

Natapos ang Finals at tumutulong siya sa pag asikaso sa graduation ni Greg, ayaw ipaalam ng kanyang mama kay Greg ang kalagayan nito. Niresrespeto niya iyon, sa loob ng ilang buwan na kanilang relasyon ay wala na siyang mahihilig pa, higit sa napakaswerte niyang boyfriend niya si Greg pero ang pagmamamhalan nila ang mas nagpapaligaya sa kanya.

Masaya siyang nakisaya sa graduation ni Greg, pamilyang pamilya ang turing na papa ni Greg at lolo nito sa kanya. Mamiss niyang kasama si Greg sa campus at sa break ng classes. Hindi nagsayang ng oras si Greg at nagsimulang aralin agad ang kanilang negosyo, twenty years old pa lamang siya pero marami na siyang alam sa negosyo nila.

Sa bakasyon iyon ay halos magkasama sila ni Greg araw araw at sinasamahan niya ang kanyang mama pagluwas sa Manila, hinang hina siya sa kalagayan ng kanyang mama, alam niyang hirap ang katawan nito dahil sa gamot. Ilang beses gustong sumama ni Greg pero parati niyang tinatanggihan alang ala  sa kanyang mama.

Si Lucia naman ay nagsimula nghahanda na ulit para sa next sa semaster, bagama't paiba iba ang lagay ng kanyang mama ay maayos naman ito hindi gaya ng dati.

Minsan habang wala ang kanyang mama ay naisip niyang manghiram ng alahas ng kanyang mama. Pumunta siya sa master's bedroom para kumuha, alam niya kung saan kukunin ang mga ito dahil ilang beses ng humihiram siya dito pero pagdating sa tokador ng kanyang mama ay wala ang mga alahas.

Binuksan niya ang mga ibang aparador sa kwarto ng kanyang mama, sa pinakagilid ng closet ay may mga papel at envelope. Isinara niya ito pero dahil malakas ang kanyang pagsara ng pinto ay nagbukas ito at nahulog ang mga papeles.

Yumuko siya para kunin ang mga eto, hindi niya maiwasang mabasa nag mga ilan pero ng makita niya ang isang recibo na nakapangalan sa papa ni Greg ay nagtaka siya, mas lalo siyang nacurious ng mas marami pa siyang makitang mga transakyon sa bangko at lahat ay nakapangalan sa papa ni Greg.

Ayaw niyang maghinala sa kanyang mommy, bagama't hindi siya mapakali sa nangyari ay hihintyin niya ang kanyang ina para ipaliwanag sa kanya.

Unbroken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon