Part 11

814 65 2
                                    


Kabadong tumingin si Camille sa kaliwa at sa kanan niya. Nang hindi niya makita si Apollo sa paligid ay payapang lumabas siya ng silid. Ayaw niyang makita ang binata. Bakit? Pakiramdam niya kasi ay isang bagay na lang na taliwas sa pagkakaalam nito kay Faye ang makita nito ay mabubuko na siya. 

Nang nakaraang gabi akala niya talaga ay bibigay na siya. Plano niya nga sanang umarte na hirap huminga kaya feeling niya ay OA na 'yon. 

Two more days and this thing would be over!

Subalit gusto niya nga bang matapos doon ang lahat? She already knew what she felt for him but that would only complicate things. Nagpapanggap siya bilang kinakapatid nito. Wala siyang karapatang ipaalam sa binata ang nararamdaman. She's doomed yet why was still she wanted to stay on his side? 

Iyon ba ang napapala niya dahil sa pagsisinungaling niya dito? Ang gusto niya lang naman ay makatulong kay Faye sa pagpapaliwanag sa mga magulang nito. Hindi niya sinasadyang mahulog ang loob niya kay Apollo. At lalong ayaw niyang anihin ang galit ng lalaki sa huli. Ngunit lahat ng kasinungalingan ay may katapusan. Lahat ng palabas may ending. 

Kailangan niyang lumayo sa binata bago pa nito malaman na hindi siya ang kinakapatid nito. Ang makatulong sa kaibigan niya, iyon lang dapat ang priority niya. Kaya bakit nasasaktan ng ganoong katindi ang puso niya sa isiping hindi na siya puwedeng magpakita kay Apollo?

"Gotcha! Sinong pinagtataguan mo Faye?"

Napasigaw siya nang biglang may dumakma sa likuran niya. "Peste ka Apollo! Pambihira!"

"Are you hiding from me?"

Iningusan niya ito. "Oo. Nagsasawa na kasi ako sa pagmumukha mo." Tuptop niya ang dibdib. "Last day na natin ito pero di mo pa rin nakikita ang girlfriend mo. Hangga't hindi kayo nagtatagpo, ako ang pag-iinitan mong bantayan."

Nawala ang pagkakangiti nito. "Kung ganoon hindi mo ako gustong kasama?"

"Wala akong sinabing ganoon. Ang sa akin lang baka kaya hindi mo nakikita 'yung nobya mo dahil lagi akong nakadikit sa'yo. Malay mo una ka pala niyang nakita. Tapos na-misinterpret niya ang relasyon natin."

Hinimas nito ang baba. "You have a point there. Sige, huwag na tayong mag-lunch ng sabay. Niyaya akong mag-snorkeling ng mga bago kong kakilala."

"Kakilala?"

"Apollo!" Kumaway dito ang tatlong babaeng nasa lanai.

"Wait for me girls!" Kumaway din ito pabalik. Kumikinang ang mga mata ng hinayupak.

Pinigilan niya ito sa braso nang tangkain nitong lumayo.

"O bakit?"

"Isa-isa ko silang kakalbuhin kapag dumikit ka sa mga flirt na 'yan," banta niya.

He repressed a grin. "Then get a pair of scissors. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong ayaw naman pala akong kasama."

Dalawang kamay na niya ang pumigil dito. "I do want to be with you Apollo!" sigaw niya. "Two days! We only had two days left! Pagkatapos no'n, hindi na tayo magkikita. And I will miss you badly. Terribly..." May lungkot sa kanyang mga mata habang nakatingin dito. She bit her lips then looked down. "As much as possible I want to get close to you. Pero ayokong maging panggulo sa proposal mo. Ang gusto ko, makatulong ako sa'yo."

Kumurap ito. "You don't have to..." Lumagpas ang tingin nito sa balikat niya. Kitang-kita niya ang pagrehistro ng gulat sa ekspresyon nito. Ang anyo ng di pagkapaniwala. 

My One Week Fairy Godsister [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon