Chapter 29

47 2 0
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

My lips parted. "To... Totoo?" Hindi makapaniwalang usal ko.

Kumunot ang noo ni Owhen, dahil siguro sa tono ng pananalita ko.

"Yup, why? Is their any problem?"

Kumurap ako. "Wala."

Bahagya akong tumawa para ipakita na ayos naman sa akin at para na rin pagaanin ang atmospera.

"You look surprised."

Nag-isip ako ng pwedeng i-dahilan sa kaniya.

"Uh, kasi 'di ba s'ya ang anak ng kilala at isa sa mga magagaling na doktor sa bansa? Uh... Dra. Phia and Dr. Cole Capitle, r-right?"

Mabuti na lang nakumbinsi ko s'ya.

"Ah... Oo nga naman!"

I sighed, relieved.

"Wait. Sagutin ko lang ang tawag," aniya at ipinakita sa akin ang pangalan ng ama n'ya.

I nodded. "Sure."

Bumuntong hininga ako pagkalabas n'ya. Tumalikod at pinagdikit ang mga kamay.

I bit my lower lip. He's back! Ang huling balita ko sa kaniya ay last year pa, umalis s'ya ng bansa dahil aasikasuhin n'ya ang ospital nila sa Europe.

Then... bakit dito s'ya magta-trabaho kung may ospital naman sila?!

Pumikit ako ng mariin. Kinakabahan ako dahil hindi maiiwasan na magkita kami lalo na at nasa iisang building kami!

Hindi ko pa s'ya nakikita sa personal pagkatapos ng walong taon. Hindi ko alam kung nakapag-asawa na ba s'ya o may girlfriend na. Masyadong private na tao si Parker at kahit na kilala s'ya at ang pamilya n'ya, hindi s'ya pinapaalam sa lahat ang buhay n'ya.

E ano naman kung may asawa na s'ya, Shaneen? Break na kayo 8 years ago, remember? Wala ka nang pake sa kaniya at gano'n din s'ya sa 'yo!

"Uh, Monixa..."

Muli akong humarap nang marinig ang tawag ni Owhen.

"Gusto mo bang sumama sa baba? Uh, sabi ni Dad ay batiin daw natin ang bagong doktor..."

Mas lalong lumaki ang kaba ko.

Magkikita na kami after 8 years!

"Uh..."

Ngumiwi ako, hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi dahil unang-una, hindi pa ako handa na makita s'ya.

Pero pwede namang tumanggi 'di ba? Pero baka mapansin ako ni Owhen at isipin n'yang may past kami ni Parker... well, meron naman pero hindi ko 'yon sinasabi sa iba!

Sa huli ay pumayag na lamang ako. Naisip kong bago pa man kami magkita ay pwede namang akong magdahilan na may tumatawag sa akin or may gagawin pa ako. For sure ay papayag naman si Owhen na s'ya na lang ang sumalubong.

Bumaba kami ng building at pansin ko na kaagad ang mga taong nag-u-umpukan malapit sa gate.

Habang lumalapit kami ay hindi na matanggal ang kaba ko.

Kunwari'y tinignan ko ang phone ko na animo'y may tumatawag.

"Owl..." I called. "May tumatawag sa akin... Mauna ka na muna, sasagutin ko muna 'to."

Tumingin s'ya sa phone ko na kaagad ko namang inilayo dahil baka makita n'ya pang hindi naman totoo ang dahilan ko!

Nakahinga ako ng maluwag nang ngumiti s'ya at tumango. "Sige. Sumunod ka na lang, ah?"

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon