Desclaimer :this is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, and incidents in this story are just from author's imagination or dream. Any resemblances to actual person, dead or living or actual events are purely coincidental.
Plagiarism is a crime punishable by law.
––—––—––—––
Simula
"Doc, Nandito na po ang susunod na pasyente"
Tinanguan ko si Reagan, at sinenyasan na papasukin na ang susunod na pasyente, naka tingin lang ako sa table ko at may pinipirmahan do'n, napatingin ako sa babae ng mag salita ito.
"Good Morning, Dra."
"Good Morning din, Mommy–"
Tinignan ko ang lalaking kasama nya, pinigilan kong mag-labas ng emosyon ng makita ko sya. Ang lalaking nag-patibok at nag-wasak ng puso ko, inalog ko ang ulo ko para bumalik ako sa katinuan, tinignan ko si Reagan na kagat ang labi.
"Hmm, sit down, Mrs." saad ko at pina-upo sya sa upuan, kaharap ko. Inalalayan sya ng asawa nya bago sila tuluyang maka-upo.
"Dra. Gusto sana namin malaman ang kasarian ng baby ko," ngumiti ako.
"Sure, Last name, Mrs?" tanong ko.
"Klevero," nanlamig ang buong katawan ko, ngunit hindi 'to ipinahalata sa kanila.
"Klevero, Roxan" dagdag nya.
Matapos malamang lalaki ang anak nila ay todo ngiti si Roxan, napaka gandang babae nya. Kahit buntis sya ay nakikita ko kung ga'no talaga sya kaganda, hindi na ako nag-tataka kung bakit sya ang naging asawa't minahal ni Elias.
"Thank you, Dra!" masayang sabi ni Roxan.
"Yes, Mrs. Anytime." sagot ko.
"Roxan na lang Dra, hehe," nag-aalinlangan man ay tumango na lang ako.
"Sige, Roxan." sagot kong muli.
Sila na ang huling pasyente ko, nang maka-upo ako ay nakahinga ako ng maluwag, narinig ko ang tawa ni Reagan kaya binato ko sya ng calendar. Natawa sya lalo at umupo sa harapan ko.
"Mukha ka paring apektado, Dra.Calista" pang-aasar nya pa, sinamaan ko naman sya ng mukha.
"Baka gusto mong mapunta sa public hospital, Reagan? Ayaw mo na ba dito?" mas lalo naman syang natawa.
"Parang kaya, a! Anyway, ganda ng asawa–Araay!" hinampas ko na kaagad sa kanya ang unan bago nya pa matapos ang sasabihin nya.
Napakasakit isipin na may asawa na't mag kakaro'n na ng anak ang kaisa-isang lalaking minahal ko, nasasaktan ako pero natutuwa, ewan ko ba!
Ganto siguro talaga ang mararamdaman mo kung sakaling makita mo ang mahal mong may kasamang iba, asawa't anak pa.
Masaya ako't, masaya ka, Elias Jaiden Klevero.
BINABASA MO ANG
When We Meet Again ( Girls Series #1)
RomanceAbbie Kryianne Calista, fell in love with her bestfriend Elias Jaiden Klevero, but suddenly Elias have to leave Philippines and went to U. S. to work there, when he came back everything change.