Chapter 1: Meet HER :D

695 34 33
                                    

CHAPTER 1:

Stomp. Stomp. Stomp.

Kanina pa ko lakad ng lakad dito, hindi ko pa rin siya nakikita. Nasaan na kaya ang lalaking yun? Kaloka hah, 9 lang daw nandito na siya. 10:00 na wala pa rin siyang paramdam. Ang dami-dami pa naming tao dito.

“STEFF!”

“Ay malnourished na elephant!” napasinghap naman ako dun. Muntik na kasi akong mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. Tumayo naman agad ako kaso imbis na sa lalaking nasa harap ko mabaling ang atensyon ko mas nagpokus pa ko dun sa lalakeng nakatingin sakin at tawa ng tawa.

Aba’y ang kapal ng mukha ah, nakaturo pa sa akin. Napataas naman ako ng kilay dun. Aba hindi porket foreigner siya. Kung foreigner nga talaga siya ay tatawanan niya ako ng ganun ganun lang. Maya-maya kumalma na siya at nagpatuloy sa paglalakad kaso nakatingin pa rin siya sa akin at tawa ng tawa.

“Ikaw kasi eh!” tapos pinalo ko siya kaso nasapo lang niya at inakbayan ko. Geez.

“Ayos lang yan, lab naman kita eh.” tapos pinisil niya pa yung pisngi ko. One word, kadiri. Bigla tuloy akong kinilabutan dun sa sinabi niya. Eeew talaga.

“Kuya, kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo.” Tapos tinanggal ko na yung pagkakaakbay niya at sinikmuraan ko siya. Siya naman ginulo yung buhok ko. Natawa nalang kami sa kalokohan naming magkapatid.

Pagkatapos lumabas na kami ng airport at pumara ako ng taxi. Nung pagkapasok na pagkapsok naming sa taxi bigla ko siyang nginitian ng sobra sobrang lapad. Nagpuppy eyes pa ko tapos nilagay yung kamay sa baba ko. Siya naman tuloy yung kinilabutan.

"Pasalubong ko?” tapos yumakap ako sa braso niya. Natatawa tuloy yung driver samin. Tinanggal ni kuya yung kamay ko sa kanya atsaka siya nagsalita. “Wala.” Bigla akong nainis dun kaya naman pinalo ko siya.

Aray - - joke lang - - aray. Wala ka ngang pasalubong, wala kang pasalubong na hindi ko nakalimutan.” Napangiti naman ako dun at pumalakpak na parang bata. Narinig ko naman na bumulong yung kuya ko ng childish pero di ko na pinansin. Inaantok na ko. Makatulog na nga lang.

***

“Akala ko ba bespwends tayo forever?” iyak ng isang batang babae.

“Magkaibigan pa rin naman tayo kahit umalis ako ah.” Sabi naman ng batang lalaki tapos pinunasan niya yung luha nuung babae. Hinawakan niya ang kamay nito at inakay papaakyat sa isang tree house.

“K-kahit na, wala na akong pwend. Wala na ko soulmate pag niiwan mo ko.” Muli na naman umiyak yung batang babae. Ngayon, tuloy-tuloy na talaga yung luha niya at basing-basa na rin yung damit niya.

“Soulmate tayo anu mang mangyari.” Kumuha ng isang lollipop yung isang lalaki at ibinigay dun sa babae.

“T-talaga? Soulmate pa rin tayo poweber?” biglang ngumiti ng malapad yung babae at yinakap yung batang lalaki.

“Oo, kaya wag ka na sad. Babalik rin ako. Pwamis.”

“Pwamis yan ah. Bespwend?” inilahad ng batang babae yung kamay niya na tila nag-aalok ng pinky promise.

Iaabot na sana nung lalaki yung kamay niya ng biglang mag-appear ang mukha ng isang lalaki. Tawa siya ng tawa at nakaturo pa dun sa babae.

***

“WAAAH.” Napabangon naman ako bigla dun. Shemay, napanaginipan ko yung lalaking yun? Oh no, di pwede to.

“Oh, para kang nakakita diyan ng multo ah.”

Finally Found Him (Under Renovation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon