Prologue

7 0 0
                                    

Madilim.

Ilang beses na nga ba akong nanaginip na ang tangi lamang na makikita ay kadiliman? It was lonely and scary to think that I'm in a dark strange place. There's no one to ask for help. I was alone.

I tried to run faster but I couldn't. Mabibigat ang mga paa ko na tila hindi ako hahayaang makaalis sa lugar ko. I was scared that I'll get stuck there forever. I'm being chased yet I couldn't move. Pati ang pagsasalita ko ay mabigat. I can't even utter a word. It feels like I am locked in a place where I'm alone.

Mabigat ang aking paghinga nang magising ako sa bangungot na iyon. I wiped my tears. Akala ko ay hindi na ako magigising. Mahina akong humagulgol dahil hindi ito ang unang pagkakataon na binangungot ako. No one will comfort me so I tried my very best to comfort myself.

Nang naging mabuti na ang pakiramdam ay tumayo na ako at inayos ang sarili. I made sure na walang bakas ng luha sa aking mukha bago ako lumabas ng kwarto. My sister would freak out kapag nakita niya skong umiiyak. She thought that my nightmares are gone.

"Good morning, Sleeping beauty!" bati niya sa akin.

I rolled my eyes ngunit napangiti rin.

"Where's Col?"

"Nandyan sa tabi-tabi lang," aniya bago humigop ng kape. "Nakapagpack ka na ba? Mamayang hapon na ang alis natin."

"Yup, done packing last night."

I took my time eating my food. Maraming kwento ang lumabas sa bibig ni Tanya kaya nakinig na lamang ako. She claimed that she's an introvert but I see the opposite in her.

Nang matapos kumain ay nagprisinta ako na ako na ang maghugas ng pinggan. She then went outside to look for Col since hindi pa pala ayos ang mga gamit niya. Just when I'm about to put the glass on its place ay may tumamang bola sa bintana. Nagulat ako kaya nabitawan ko ang basa at nahulog ito dahilan ng pagkakabasag nito.

A small head popped out. Pinipilit ng bata na sumilip mula sa bintana, masyadong mataas siguro para maabot niya o kaya ay masyado lang siyang maliit.

"Ate, sorry po. Natamaan po yung bintana niyo ng bola ko." Paumanhin ng bata habang pinipilit pa ring sumilip.

"Okay lang. Hindi naman nabasag." I smiled at him while and he smiled back. He let go of his hold from the window and waved his hand at me. I was puzzled on just what happened. Habang naglilinis ng nabasag na baso ay narinig ko na ang singhap ni Tanya.

"Oh my God! Your clumsy ass never fails to break things, huh?" Inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa paglilinis. Tinatamad akong magpaliwanag kaya tumahimik na lang ako. You know, sometimes, being quiet is a great escape from horrific conversations. "Col! Pack your things na! Baka mapaaga ang alis natin."

Pagkatapos kong maglinis ay nagtungo na ako sa aking kwarto para maligo. Sabi ni Tanya ay alas-onse na raw ang alis namin kaya kaming tatlo ay nagmamadali na ngayon. Dad would pick us up here. Manggagaling pa kasi siya sa kompanya. He took a one month leave dahil nga sa bakasyon namin sa Gabaldon. Sabi niya ay kailangan namin iyon para naman makapagpahinga dahil sa mga nangyari. My mom died five months ago because of colon cancer. Maybe this break is what we really need.

"Wala na ba kayong nakalimutan? Our stop over will be after Arayat."

"Wala na po, Dad." Col politely said.

Tanya happily put her things in the compartment, humming her favorite song. Sumakay na kaming dalawa sa back seat habang si Col naman ang sa front seat. This will be a very long ride so I downloaded a lot of offline games to entertain myself.

Col slept the whole ride. Dad was talking about something while Tanya was silently laughing on her phone.

"Just like what I've said, there are minimal changes sa lugar natin. You might get lost kapag mag-isa lang kayong lumakad." Dad reminded us on what our province looks like.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In The UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon