-BIENTE DOS-

0 0 0
                                    

-Riri's POV-

Alas sais ako nagising. Ang sakit pa ng ulo ko pero pinilit ko talagang bumangon. Kulang pa talaga ang tulog ko. Epekto na 'ata ito ng madalas kong pagpupuyat. Wag niyong sisihin ang wattpad please lang. Hindi iyon ang dahilan. Kundi ang mga requirements sa school na kinakailangan naming matapos para maipasa.

Agad akong naligo at nagbihis saka bumaba ng kuwarto para makapag-almusal na. Kailangang may laman kahit papaano ang tiyan ko bago ako sumabak sa pamumulot ng basura mahirap na baka matumba ako dun ng walang sugat.

"Good Morning Ma! Good Morning Pa!"   binati ko sila mama at papa ng maabutan ko sila sa mesa na naghahanda na rin ng almusal.

"Oh...good morning Riri. Bakit ang aga mo yata ngayon?"  tanong ni papa.

"Oo nga...tsaka nakabihis ka pa. San lakwatsa mo?"  tanong din ni mama.

"Ah...may project po kasi ang university na 'Clean and Green' dun po sa may Tomontong Eco-Trail,"  sagot ko.

"Ganun ba? Oh sige...mag-almusal ka na muna bago ka tumuloy para may lakas ka sa paglilinis mamaya,"  aya ni papa.

Agad naman akong umupo tsaka nagsimula ng kumain matapos kaming manalangin. Si Ate tulog pa hindi ko na muna siya ginising kasi alam kong antok pa yun. Madaling-araw na rin kasi kaming naka-tulog kanina.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nagpaalam saka pumara ng jeep at sumakay papuntang university. Pagdating ko naabutan ko si Hana na kausap sina Bam.

"Muraaat! Hello!"  agad niya naman akong sinalubong ng yakap.

"Hi murat!"  agad ko naman siyang niyakap pabalik.

"Alis na ba tayo?"  tanong ko.

"Hinihintay pa yung iba eh,"  sagot ni Hana.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Halos karamihan ay nandito na rin naman. Hinanap ko si Red...wala pa siya.

"Ay oo nga pala murat...dating gawi daw. Kung kanino ka sumakay nong outing...dun ka na rin sumakay ngayon,"  pangi-inform sakin ni Hana.

"Ah okay,"  tugon ko.

Kumunot naman ang noo niya.
"Hindi ka na galit?"  tanong niya.

"Hindi na. Okay na rin naman kami eh."  paliwanag ko.

"Hmm. Pansin ko nga. Madalas nga kayong magkasama eh." 

"Hindi naman.Nagkataon lang."

"Wee? Nagkataon lang yung sa 'Balay Negrense'?"

"Huh?Paano mo nalaman iyon?"

"Nakita ko sa ig post ni Kyo."

"Psh.Hindi ko naman chini-check yun."

"Ano ka ba? Ikaw nga yung nasa picture eh! Tapos may caption na... 'Paga Balik-Balikan' ."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Hana. Hindi ko alam yun dahil hindi ko nai-open ang mga social media accounts ko. Masyadong busy these last days, kaya wala akong time dun.

Nakita kong may kinalkal siya sa shoulder bag niya. Inilabas niya ang phone saka nagscroll-scroll dun.

Itinapat niya sakin ang phone niya.  "Ayan oh! Tingnan mo."

Kinuha ko ito sa kamay niya dahil hindi ko masyadong maaninag ang picture.  "Kailan niya 'to kinuha? Hindi ko napansin."

Totoo nga. Ako iyong nasa larawan. Tumitingin ako sa larawan ng isang babae. Nakatalikod ako sa kuha. Tapos yung caption, "Babalik-balikan". Hindi ko naman namalayan sa buong panahon na magkasama kami na nakuhanan niya pala ako ng larawan. Marami rin itong nakuhang likes. Hindi na ako magtataka dahil sa famous naman talaga si Kyo. Pero mas kumunot ang noo ko ng mabasa ang mga comments!

Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]Where stories live. Discover now