-BIENTE TRES-

0 0 0
                                    

Sinundan ko si Red. Nakita kong umupo siya sa bangka na naka-daong sa gilid ng dagat. Umupo din ako dun saka ginaya ang pwesto niya na nakaharap sa magandang tanawin. Papalubog na ang araw kaya naman sobrang gandang tignan ng sunset.

Umihip ang mabining hangin at nililipad ang mahaba kong buhok kaya naman panaka-naka ko itong hinahawakan at itinatago sa likod ng mga tenga ko. Walang sinuman ang nagtangkang magsalita. Nandoon lang kaming dalawa na ninanamnam ang tahimik at magandang tanawin.

"Kamusta ka na?"

Napabaling ako sa kaniya at nakitang nakatitig siya sa akin.  "O-okay lang naman,"   sagot ko saka yumuko.

"Sorry,"  napa-angat ako ng tingin kay Red.

"H-ha? Bakit ka nagso-sorry?" 

Umiwas siya saka muling tumingin sa tanawin na nasa harapan namin.   "Sorry dahil hindi kita pinapansin lately. Sorry kasi hindi na kita sinasamahan sa pagpasok papunta at pag-uwi galing ng university. Sorry kung...iniiwasan kita,"  sunod-sunod niyang sabi.

"A-ano ka ba? A-ayos lang."

Muli niya akong tinitigan.  "Alam kong hindi maayos iyon, Riri. Sorry, masyado akong tarantado. Hindi ko dapat ginawa ang bagay na iyon. Ako lang ang nasasabihan mo ng mga problema saka alalahanin mo sa buhay bukod kay Hana pero iniwan kita. Ang laki kong gago! Sorry, Riri. Sorry,"  saka ko nakitang lumandas ang nga luha sa kaniyang mga mata. Alam kong sinsero siya sa paghingi ng tawad. Mabait si Red kaya alam kong hindi niya rin maatim ang ginawa.

Malungkot ko siyang nginiti-an.  "Magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naapektuhan sa biglaan mong pag-iwas sakin, Red. Pero, kung saan ka komportable, alam mo namang susuportahan kita diba? Sorry din kasi...kasi...hanggang pagkakaibigan lang talaga ang maibibigay ko sayo. Ang totoo niyan, hindi ka naman mahirap mahalin eh. Mabait ka naman, kahit tarantado lang minsan. Tsaka totoo ka, hindi mapagkunwari kaya hindi ka mahirap magustuhan,"  at tuluyan na rin akong naiyak. Masakit. Masakit na ang haba ng panahon na nasayang para sa mga oras na sana ay inilalaan namin sa pagsasaya at pagbuo ng mga ala-ala.

Hinila niya ako at niyaka.  "Huwag mo ng isipin iyon, Riri. Tanggap ko na. Tanggap ko ng hanggang magkaibigan nalang tayo."

Niyakap ko siya pabalik.  "Sorry talaga, Red."

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin.  "Ano ka ba? Okay lang. Huwag mong pilitin kung hanggang dun lang. Ilaan mo ang puso mo sa lalaking mahal mo. Susuporta ako,"  nakangiti at sinsero niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko.

Ngumiti ako.  "S-salamat, Red. The best ka talaga na boybesfriend!"

Natawa naman siya.  "Haha. Oh, tama ng iyak. Mas lalo kang pumapanget,"  pang-aasar niya sakin sabay pahid nga mga luha sa mukha ko gamit ang panyo niya.

Hinampas ko siya sa braso.  "Ikaw talaga! Pinapaiyak mo ako,"  sabay kuha ng panyo sa kamay niya at ako na ang nagpunas sa pisngi ko.

Ngumiti siya.  "Sorry, asahan mo. Ito ang una at huli. Kailanman ay hindi ko na hahayaang tumulo iyang mga luha mo. Sana lang, kung sino man ang lalaki na hahayaan mong magmahal sayo ay ganu din. Na hindi ka paiiyakin dahil kapag umiyak ka? Nako! Baka bugbog ang sasapitin niya!"

Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]Where stories live. Discover now