Chapter 1

17 0 0
                                    

Isa lang naman ako sa tahimik na tao, tahimik sa school, pero minsan madaldal ako kapag nakasama ko lang ang pinsan ko.


Ako nga pala si Choi Yena 16 yrs old, 1st grading period palang ng inilipat ako ng school ng parents ko. Simula kasi ng namatay si lola ipinamana na kay Mommy ang lupain at pinagtayuan ng bagong bahay, tanging   tricycle naman ang sinasakyan ko papuntang school at pauwi.
Sabi ni Daddy pwede naman nya akong ihatid sundo gamit ang motorcycle nya, hindi ako pumayag mas gugustuhin kong mag commute na lang, may maliit kaming pastry shop. Mahilig kasi si Mommy sa pag be-bake.

Pakilala ko ang parents ko. Meet my Daddy/Dada Choi Siwon, isa daw sya sa mga habulin ng babae nung High School matipuno ito at syempre gwapo mana mana lang haha, ay maganda pala ako. Choi Kang Monica My Mom ayun gaya ng sinabi ko kanina mahilig sya mag bake kaya hindi nakakapagtaka na lagi akong may baon na cupcakes pag nasa school, hindi kasi ako palapunta sa mga canteens. Katamad kaya para bumili ng kakainin, biruin mo nasa 3rd floor yung room namin tapos bababa ako para lang bumili. Aba nakakapagod kaya umakyat.

Kagaya lang kanina muntik pa kong maligaw kakahanap sa "Mapagmahal section" kung hindi ko pa malalaman by coloring pala ang year level dito.

-------------

Hinihingal akong umakyat papuntang 3rd floor, 8 section kasi ang mayroon dito sa every year level. Dala dala ko pa yung bagong books, dumaan pa ako sa office para makuha toh.

Naabutan ko silang nagdarasal pagkatapos kumatok ako.

"Ma'am... I'm sorry... I'm late."

Sinenyasan nya akong lumapit sa harapan.

"It's ok Ms. Choi, 1st day mo naman ngayon, pero next time agahan mo pa ng kaunti hmm"

"Yes Ma'am" yumuko ako sa kanya.

"Class may new classmate kayo, please quite. Go a head Ms. Choi"

"Hello, goodmorning madlang pipz I'm Choi Yena 16 yrs old, ingatan nyo sana ako mga friends, mahilig po ako sa cupcakes" ngiti ko sa kanila. Medyo natatawa naman sila ng bahagya.

"Ang cute nya" reaksyon ng iba.

"Ms. Choi may take your seat, there !" turo nya bandang kanan malapit sa may binatana, nakita ko naman ang isang pares ng mga matang nakatingin sakin mukha syang masungit na para bang ayaw nya akong katabi, hindi ko ito pinansin bagkus tuloy akong naupo sa tabi nya.

"Ok class get your MAPEH book"

Music pala ang topic namin ngayon.

Nakita kong balisa ang katabi ko.

"Something wrong ?" tanong ko.

"Uhm.. Yung book ko kasi naiwan ko, Can I share with you ?" nagaalangan pa syang sumagot sakin. she's cute.

Nagfocus lang ako sa klase dahil hinahabol ko ang lessons. Nag ring naman ang bell hudyat na reccess na pala ang bilis ng oras.

"What's your name again ?" tanong ko sa katabi ko.

"Chaewon, Kim Chaewon"

"Nice to meet you" nakipagshake hands sya sakin.

"Tara let's eat, dahil sa pag share mo sakin ng books." ngiti nya, ang cute nya talaga maumbok ang pisngi nya.

"Uh, may baon kasi ako..." pinakita ko ang cupcakes na baon ko.

"Eh di dalhin mo yung baon mo, tara na libre ko." umoo ako ng sagot kahit alam nyong ayaw kong bumaba dahil nasa 3rd floor ang classroom sino ba ang ayaw sa libre, di ako kuripot ah, talagang tinatamad lang akong bumaba, dapat pinaglagyan ito ng elevator eh kkkk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She really love me do ? (YULYEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon