Pumunta ako sa sementeryo para ibuhos sa harapan ng puntod ni Mommy ang lahat ng sakit na muling nanunumbalik.
Iniluha ko na ang lahat at pinakawalan ang napakaraming hinanakit. Pauwi na sana ako noon ngunit ikinagulat ko nang makita ang lapida ni Ariel sa tabi ni Mommy. Bagong-bago pa ang pagkakasemento.
"Noong nakaraang linggo?" kaagad ako napaisip sa pagitan ng petsa na nakaukit sa lapida. "P-paano nangyari 'to? Bakit s'ya pa?"
Nanlambot ang mga kalamnan ko sa hindi inaasahang makita kaya naman muling tumulo ang mga patuyo ko na sanang luha. Paulit-ulit kong sinasambit ang pangalan nina Ariel at Mommy. Lumong-lumo ako sa mga oras na ito.
"Gaano ba ako kasama para parusahan ng Diyos nang ganito? Ilang pasakit pa ba ang ibibigay niya sa 'kin? Wala ba ako karapatan maging masaya? Sinong Diyos pa ba ang kailangan ko sambahin para lang matapos na ang lahat nang paghihirap na ito? Pagod na pagod na pagod na pagod na ako maging matapang."
Akala ko huling iyak ko na noong nalaman kong sina Ace at Bela na. Pero mas masakit pa rin pala ang mamatayan. Katumbas ito nang sakit noong namatay si Mommy.
Matapos ang pag-iyak ay nagdesisyon akong pumunta sa mansion para komprontahin ang mga naroon tungkol sa ginawa nilang paglilihim sa 'kin. Bahala na kung ipatabuyan nila ako. Basta galit na galit ako sa mga oras na ito. At walang makapipigil sa 'kin.
***
Sa sala ng mansion ay naabutan kong namumugto ang mga mata nina Bela at Ysa, ngunit wala roon si Lola o ang kahit sino sa mga kamag-anak namin.
Ang mas ikinagulat ko ay nang makitang naroon si Daddy kausap ang mga pulis at malinaw kong narinig ang kabuuan ng kanilang usapan.
"Sige sir, babalitaan ko na lamang po kayo kapag nahanap na namin si Miranda Hoshizora," pagpapaalam pa ng isang pulis.
"Welcome home, Alizanabelle!" anunsyo ko sa sarili pagkalapit sa kanila. "Ngayong kumpleto na tayo rito, s-sino pa ba ang hindi nakakaalam maliban sa 'kin? I-invite ko," sinusubukan kong pakalmahin ang sarili dahil anomang oras ay puwede na naman ako sumabog.
"Zanabelle, ang totoo ay sasabihin ko na dapat sa 'yo kanina, kaso umiiyak ka habang kausap si Elsa kaya nag-alangan ako sa timing."
"Fuck shit na timing 'yan! Dad, araw-araw tayong nagkakasama sa bahay pero kahit isang 'sign' wala kang ipinahiwatig sa 'kin. All this time, pinagmukha mo akong tanga!"
"Zanabelle I'm so—"
"Tapos na ba kayo sa kadramahan ninyo?" mayamaya'y tanong ni Bela.
Tumayo siya sa kinauupuang sofa at naka-ekis ang mga kamay na bumaling sa 'kin.
"Ngayong alam mo na, puwedeng-puwede ka na umalis sa pamamahay ko. With all your respect Alizanabelle, umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas!"
"B-Bela? Ang akala ko ba—"
"Ang totoo, ayoko talaga sa 'yo. Suklam na suklam ako sa pagkakaroon ng kapatid na kagaya mo at ikinahihiya ko ang makasama ka! Hindi mo ito alam kasi wala ka naman talagang pakialam sa 'min! Ikaw itong nagrebelde at nag-abandona sa 'min! Ipinasa mo sa 'kin ang obligasyong ikaw dapat ang responsable!"
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...