"G-galit ka sa 'kin kasi iniwan ko kayo? B-Bela parang hindi mo naman nakita kung paano ako pinakaladkad ni Lola palabas ng subdivision. Nand'yan ka noong mga panahong pinagtatabuyan n'ya 'ko. Rinig na rinig mo kung paano n'ya ako itinakwil bilang apo. Ang akala ko ba magkakampi tayo? Sa iyo ko pa nga hinabilin ang mga kapatid natin bago ako umalis, 'di ba?"
"Nakita kita, kasama si Justine Ace. Ang saya-saya mo nga, eh! 'Yon bang sa dinami-rami ng lalake na puwede mong paikutin ay bakit ang ex-boyfriend ko pa?!" napaismid siya pagkasabi no'n. "Pero, hindi kasi 'yon ang point ko, eh! Mabuti ka pa may oras sa pag-e-entertain ng manliligaw samantalang ako at ang mga kapatid ko, nagtitiis sa mga pasa, kurot at sermong natatamo mula sa bahay na 'to!
Ang totoo, hindi ko naman talaga gusto maging CEO, eh! Napilitan lang ako i-take ang Information Technology dahil iyon ang sabi ni Lola. They want me to be the best. Kailangan perfect ako sa paningin ng mga Hoshizora. Bawal ako magkamali! Pero bakit kapag ikaw puwede?"
"K-kaya ba nagpanggap kang mabait para palihim na sirain ang buhay ko?"
"Ngayon alam mo na, kailangan ko pa ba isa-isahin?"
"Now I know. I'm sorry kung naging gan'yan ka dahil sa 'kin. Sorry, talaga."
Wala ako ibang masabi maliban sa salitang sorry habang hinayaan ang patuloy na pag-agos nang sunod-sunod na luha.
"Sorry."
"Alizanabelle, walang magagawa 'yang sorry mo! Patay na si Ariel!" sabat naman ni Ysa.
Napatingin ako rito.
Nakaupo ito sa hagdan at pinapaikot-ikot ang jeje-cup sa daliri. Malaki ang naging pagbabago sa paraan nang pananalita, pagkilos at pananamit nito mula noong huli ko itong nakita.
Bahagya kong pinunasan ang mga luha saka garalgal na nagsalita, "Ysabelle, kung galit ka sa 'kin ay mas galit ako sa inyo! Galit na galit ako sa inyo kasi nilihim n'yo sa 'kin ang pagkamatay ng kapatid ko!"
"Bakit mabubuhay ba si Ariel kapag binalita namin sa 'yong patay na s'ya? Diyos ka ba?" tumayo ito't lumapit para duruin ako na naging dahilan para maubos ang pasensya ko at masampal ito.
Lumapit naman sa 'kin si Bela na siyang gumanti nang sampal para kay Ysabelle. "Hindi ikaw ang nagpakahirap magpalaki sa kapatid ko para lang sampalin siya! Umalis ka na, Alizanabelle! Umalis ka na!"
"Bahay ko rin 'to, Bela! Sa akin 'to nakapangalan kaya kung may dapat umalis ik—"
"WALANG AALIS!" buong tapang na pumagitna sa amin si Daddy. "Magmula ngayong gabi, dito na rin titira si Zanabelle at walang makapipigil sa desisyon kong ito!"
"Then, fine!" saad ni Bela. "Magsama-sama tayo sa impyerno!"
Sinampal ito ni Dad.
Bela's POV
"ISA PA, DAD! SAMPALIN MO ULI AKO! Kung iyan ang makapagpapasaya sa 'yo, sige gawin mo pa!" paghahamon ko habang ipinagduduldulan ang mukha kay Daddy.
"Simula't sapul, si Alizanabelle lang ang palaging tama para sa 'yo! Ganiyan ka naman talaga, eh! Wala ka ibang alam gawin kung 'di ang saktan ako without knowing na isa ka sa pinakadahilan kung bakit ako nagkakaganito. Napakairesponsable mong ama, Dad! Sarili mo lang ang iniisip mo! Duwag ka! Wala kayong ipinagkaiba ni Alizanabelle!"
Isa ngang sampal ang natamo ko. Mula naman kay Alizanabelle.
"Wala ka talagang modo, Bela!" giit niya.
Hinablot ko ang braso niya para mailapit ang mukha sa 'kin. "Kung ako walang modo, ikaw naman, WALA KANG KUWENTA!"
Hindi kasi nila alam ang pakiramdam na maiwan. Iyong pakiramdam na maagang panindigan ang napakabigat na responsibilidad. Hindi naman siguro kalabisan kung isusumbat ko lahat iyon.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...