Chapter Ten
Justine Ace's POV
Sa paghupa ng sex scandal ni Charles ay doon naging malinaw sa media at sa pamilya ko na social experiment lamang ang lahat. Inamin ko rin ang nangyaring sabwatan sa pagitan namin ni Bela.
Pumunta ako sa bahay nina ate Elsa para sana komprontahin si Aliz ngunit isang kulay dilaw na device lamang ang inabot sa 'kin ni Ate. Sa pagkakaalala ko ay ito ang laruan na natapakan ko noon sa kuwarto nila.
"Ikaw na ang bahalang magbalik sa kaniya nito sa mansion," utos ni ate Elsa. "Ikaw na rin sana ang bahalang pumigil sa gagawin niyang desisyon. Ace, mahal na mahal ka ng pinsan ko."
Ano pa'ng silbi ng katotohanang iyan, kung isang linggo na lang ay ikakasal na siya?
Alizanabelle's POV
Nag-under go kami magkakapatid nang psychological test at dumaan sa napakaraming seminar para maliwanagan ang pag-iisip. Sobra kami naging busy sa pagpapa-counseling para maayos ang pamilya kaya hindi na ako nagkaroon ng oras para balikan ang mga naiwang gamit sa bahay ni ate Elsa.
Kung kukumustahin ang situwasyon ko sa mansion ay medyo nagiging okey na rin. Matapos kasi namin magkasagutan magkakapatid ay nakatulong iyon para mawala ang tinik sa aming mga dibdib. Kahit paano ay nagkaroon na kami ng mga bagay na napagkakasunduan. Nakakapag-usap na kami nang hindi nag-iiringan. Kamakailan lang ay nagpa-tea party si Dad bilang blessing ceremony sa pagbabalik namin sa mansion.
Hindi nagtagal ay nahanap din ng mga pulis ang lugar na pinagtataguan ni tita Miranda. Humingi ng tawad si Tita sa nagawang kasalanan at pinagsisihan sa kulungan ang krimen. Mababa lamang ang naging sintensya dahil aksidente ang nangyari. Samantalang si Lola naman ay nagkaroon ng Alzheimer's Disease dulot ng katandaan kaya napilitan kami at ang iba pa namin kamag-anak na pansamantala itong dalhin sa home for the agent.
Mabuti na lang kahit rush hour ay nagawa ko pa rin isingit sa schedule ang pag-aasikaso sa Mehndi Party. This party is a very important ritual in a Muslim wedding. Ito 'yong eksena na lalagyan ng Henna Tattoo ang kamay at paa ng bride. At this party, I and all of my guests are wearing embroidered dresses called Bindalli. In addition to this, I'm also wearing a red veil that covers my face.
Nice outfit, right?
Exclusive for Muslims lamang ang pre-wedding ceremony na ito. But because my religion is Roman Catholic and most of the people related to me ay ako na itong nakiusap sa pamilya ni Badr-al-Din na papuntahin ang lahat ng taong malalapit sa 'kin, including Castillo's. In-invite ko na rin si Jackson since he is the father of my child. My best friend Hye-jin is also present.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...