18
"Ma'am, nahuli ko po ang ilan sa mga kaibigan ni Master, Stefan." sambit ng butler ni Stefan at itinulak kami malapit sa paanan ni Madam Synthia. "That damn batler, sabi ko na eh. May iba sa ikinikilos nito kanina!" mahinang napamura si Stefan dahil sa galit. Kasalukuyang nasa warehouse kami ngayon, pero wala sila Kier, pero ang katawan ni Denver ay naandito! "Sana pala hindi ko na sinabi ang plano kung ganito lang din naman kalalabasan! Bwisit!"
"Alam mo kase, Stefan. Ang mga tao ay napaiikutan lamang ng pera...Gaya ng butler mo" sambit ni Madam Synthia at inabutan ito ng pera. "Wala na bang natitirang kahit kaunting hiya sa inyo mama? Hindi niyo ba nakikita ang sarili mo?—"
"Hoy, Stefan! H'wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang ina naten! Tandaan mo, ako pa rin ang pinaka matanda sa 'tin!" bahagyang napangiti si Stefan. "Hindi niyo naman ako tinuring na anak at kapatid noon pa man."
Nagsimulang magwala ang mga aso ni Jade. Tila ba takam na takam sila sa kanilang nakikita, tumutulo ang kanilang mga laway at hindi makontrol ang kanilang mga lakas. Bahagyang lumapit ang isang hardinero at nakayuko ito.
"S-sir, p-pwede na po kami m-makauwi? N-nakuha na po namin a-ang mga kaibigan ni S-sir Stefan po." pahiwatig nito habang nanginginig sa takot.
"Yes of course! You really did a great job today!" sambit ni Madam Synthia at itinuro ang malaking gate. "All of you! Pwede na kayong umuwi..." sandaling tumigil si Madam Synthia at ngumisi ng nakakaloko. "But, bilisan niyong tumakbo kung ayaw niyong malapa ni Doggo at Phlea." mabilis na nagsitakbuhan ang ilan sa mga katulong at hardinero nila Jade, ang iba rito ay nahagad na ng mga aso ni Jade at ang mga natira ay pinagbabaril ng mga natitirang armadong lalaking nakapalibot rin sa amin ngayon.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak at magmakaawang itigil na bagkus ay may uuwian ring mga pamilya ang mga tauhan nila. "Kasalanan mo 'to!" singhal ni Stefan at kinuwelyuhan ang dating butler nito. "Isa kang traydor!" dugtong niya at sinuntok ng malakas ang kawawang matanda.
Napapalakpak si Madam Synthia sa kanyang nakikita at lumapit kay Stefan. "Yan...yan ang gusto ko, ang maghirap ka." sambit nito, lumakad papalayos si Madam Synthia kasunod ang ibang mga armadong kalalakihan. May kinuha ito sa kanyang bulsa at nang makita iyon ay isang pulupot ng pera. Itinapon niya 'yon sa bangkay ng mga tao nasawi habang nakaukit sa kanyang labi ang isang nakakatakot na ngisi. Agad lumapit si Jade upang pigilan ang ina pero hindi nagpaawat si Madam Synthia.
"Ma, ano pa't binibigyan niyo pa sila ng pera? Mga wala nang buhay yan oh." saad ni Jade, itinayo kami ng mga kasamahan ni Madam Synthia at tinutukan ng baril. "Alam mo kase anak, ang buhay ang napalilibutan lamang ng pera...Kesyo mayaman o mahirap ka, kailangan mo ng pera. Nagtatrabaho ka para sa pera. Nagsusumikap ka, para sa pera. Nakakagawa ka ng masama, kase may involve na pera. Ang tao ang nagsisilbing pocket ng pera, anak. Kung walang tao, walang pera." naglakad papalayo si Madam Synthia palabas ng kanilang mansion.
"Ang sa 'kin lang ma, bakit pati yung mga kinain ni Doggo at Phlea ay binibigyan mo pa? Mga wala nang silbi yan oh!—"
"Wala kang karapatang sabihan sila ng walang kwenta!" singit ko, agad natigil ang mag ina sa kanilang pag uusap at lumapit sa aking gawi si Jade. "Hawakan niyo siya." utos nito. Kita ko sa aking gilid kung paano magwala si Stefan para lamang hindi ako mahawakan ng kapatid nito. Ikumpas ni Jade ang kanyang kamay at tinuro si Stefan. "Patahimikin niyo nga 'yan. Masyadong bida bida." sinimulan nang bugbugin si Stefan ng mga kalalakihan habang si Jade ay busy sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
Back to me (AIWTG book 2)
Novela JuvenilHanda ka bang sumugal malaman lang ang totoo? Handa ka bang ibigay ang lahat para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin ang lahat kung ang kapalit ay masayang katapusan? Book 1: Accidentally inlove with the gangster. Make sure to read the book 1 fi...