Nasaan ka Ama?

9 2 0
                                    

Nasaan ka sa unang pagdilat ng mata?
Yung panahong una kong nasilayan ang mundong kayganda.

Nasaan ka?
Sa unang pagpatak ng luha,
Sa una kong hikbi,
At sa aking unang ngiti.

Nasaan ka sa  gabi-gabing nagigising.
Sa t'wing ako'y nagugutom at nauuhaw?

Nasaan ka sa aking una, pangalawa, at ikatlong bakuna?
Mga panahong labis- labis ang kaba ni ina.
Dahil sa aking walang katapusang pagluha,
Sa sakit ng manipis at matulis na bagay na itinurok nila.

Nasaan ka sa aking unang paggapang?
Sa aking unang hakbang?

Nasaan ka sa aking unang pagkadapa?
Noong mga panahong nag-eensayo pa lamang.
Nag eensayong maglakad sa sarili kong mga paa.
Upang matuwa si Ina.
At maging ikaw rin sana

Nasaan ka sa unang pagtakbo?
Sa unang pagkagasgas ng munting tuhod ko.

Nasaan ka sa aking unang pagbigkas ng salita?
Mga salita na nauna ang 'Ma',
Sinundan ng 'Pa',
Na hindi ko man lang alam kung dapat ba,
Dahil hindi ka naman namin nakasama.

Nasaan ka sa unang pagpasok sa eskwela?
Sa unang pagkatoto sa mga leksyon ni Maestra?
Sa unang pagkatoto kung paano magbasa?
At paano bigkasin ang alpabetong 'ABaKaDa'.

Nasaan ka sa unang araw ng elementarya?
Sa unang beses na nasabitan ng medalya?
Nasaan ka sa aking unang pagmartsa,
Noong huling baitang ng elementarya?

Nasaan ka noong unang araw ng sekondarya?
At sa aking unang araw sa tersiyarya?
Hanggang sa ako'y makagradwet na,
Ay hindi ka nagpakita.

Nasaan ka sa aking unang tagumpay?
Noong ako ay pinarangalan.

Nasaan ka sa aking unang kabiguan?
Na gatimba ang aking iniluha.

Ayos lang namang damayan ako ni Ina.
Ngunit hinahangad ko rin ang iyong pagkalinga.
Hinihintay marinig ang iyong salita.
Iniisip ko kung ano ang pagkakaiba ng payo mo sa payo ni Ina.

At mapa-hanggang ngayon sa aking sarili itinatanong.
Ama, iniisip mo rin kaya ako?
Ama, kilala mo ba ako?
Ama, mahal mo bang talaga ako?

Kung 'Hindi' ang sagot mo,
Ang tanong ko naman ay 'bakit?'
At kung ito nama'y 'Oo',
Nasaan ka Ama ko?

Akdang-TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon