CHAPTER 1

3 0 0
                                    

Mara

'Paano na to', naiiyak na saad ko. Iniwan na ko ng magulang ko mag-isa na lang ako sa buhay. Kung ano anong trabaho na ang pinasok ko para lang makapag-aral. Kahit mahirap kinakaya ko, buti na lang naawa sa akin ang dean sa paaralan at naging scholar sa MONTFORD COLLEGE. 'Deserve ko ba ang gantong buhay?', umiiyak na saad ko.

Kinabukasan alas singko pa lang ng madaling araw nagising na ko para maghanda. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ko at gumayak na papunta sa paaralan. Papasok pa lang ako rinig ko na ang bulungan ng mga kapwa ko studyante.

'Yuck manang, bakit yan nakapasok dito?'

'Basurera ba yan, bakit ganiyan itsura HAHAHAHAHAHA'

'Nakakaawa naman siya'

Ilan lang yan sa mga narinig ko ngunit hindi ko na pinansin. Andito na ko sa tapat ng classroom, pagkabukas ko ng pinto

'BLAAAAAAG'

ayon natapunan ako ng harina, hindi ko na napigilan at napaiyak na lang sa nangyari.

'Wow amputi mo manang mara HAHAHAHAHA'

'Tatanga tanga, bakit ba natin yan kaklase?'

Bago mandilim ang paningin ko, narinig ko pa ang isang sigaw

'MARAAAAAAAA!'

'Chimon', sabi ko na lang sa isipan ko bago ako nawalan ng malay.

Nagising na lang ako dahil sa ingay ng mga oa kong kaibigan

'Magigising pa kaya siya?', naluluhang saad ni baklang Jeffry.

'Bakit nabaril ba? tangang to', sabi naman ni Chimon.

Minulat ko na ang mata ko at biglang napatakip sa tenga

'MARAAAA SERYOSO GISING KA NA? BAKIT NAGISING KA PA?', sigaw ni baklang Jeffry.

Gagong bakla to ah at binatukan ko na nga

'GAGA KA BA? EDI NAWALAN KA NA NG MAGANDANG KAIBIGAN', sigaw ko sa kaniya at inirapan siya ngunit ang bwisit na bakla halos mamatay na kakaubo. Buti nga sayo bleeee.

Nakita ko naman na tumayo si Chimon papalapit sa akin.

'Okay ka na ba? Ano ba kasing nangyari at puro harina ka?', sabi ni Chimon at binigyan ako ng pagkain at pinaupo ako.

'Okay na ko salamat', sabi ko at kinuwento ang buong pangyayari.

Hindi na ko pinapasok dahil sa nangyari at excuse naman ako. Pagsapit ng hapon umuwi na ko para makapagpahinga.

Alas siyete na ng gabi at tapos na rin akong kumain kaya umakyat na ko sa kwarto at nahiga. Napatitig na lang ako sa kisame.
Iniisip ko kung ano bang mali sa pagiging manang, wala naman akong pimples para mandiri sila sa mukha ko. Napaiyak na lang ako dahil wala man lang akong pambili ng uniporme, dahil ang ginagamit kong uniporme ay binigay lang ng kapitbahay ko.

Buti na lang may nagpapasaya sa akin tuwing nahihirapan na ako, at ang laki ng pasasalamat ko dahil sa kanila. Dalawa lang ang kaibigan ko isa na dito si JEFFRY aka GINA sa gabi, yes he's gay and i treasure him at ang pacool kong boybestfriend na si CHIMON.

Marahil maraming nagtataka kung bakit may tinitirahan ako, bahay ng magulang ko to. Legal ang mga papeles ng bahay na 'to kaya hindi na ko namomroblema sa titirahan ko. At habang nakatitig pa rin sa kisame hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

••••••••••

This is work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Actual events are purely coincidental. (c)

Plagiarism is a crime punishable by law.

The Neglected Professor (Ongoing)Where stories live. Discover now