Until we found love

5 1 0
                                    

ONE SHOT STORY

Good morning monday! Nakakatamad talaga pag lunes. Buti nalang talaga katabi lang ng building namin yung building ng crush ko. Parehas kaming senior high pero mas nauna lang siya sakin.

Sayang nga e. Naghanda na ko para maaga akong makapasok sa school. Naligo na ko naglagay ng konting cheek & liptint para maganda ako diba. Bumaba na ko at binati sila mama at papa.

"Good morning ma, pa!" bati ko.

"Good morning Kit" bati ni mama. Si papa naman nginitian lang ako.

Kumain lang ako ng konti atsaka nagpaalam ng papasok. Walking distance lang naman yung school so keri na. Tipid tipid. Nakarating ako ng school saka tinapat sa monitor yung id ko. Nakita ko na agad yung bestfriend ko na nag iintay sa bench.

"Hoy tanga!" ganyan talaga kami magbatian.

"Ang aga mo ha? kanina nag text ka paalis ka pa lang?"

"duh? ako pa. So ano na nga? Nandito na ba siya?" tanong ko.

"Oo dumaan kanina. Para ngang may hinahanap e. Tumingin kase sa pwesto ko."

Nag kwentuhan lang kami habang papunta sa building namin. If y'all are wondering. I am Kit Collin , Grade 11. Course ko is humss. Maganda rin ako at sexy. Charot! Kayo ng bahala basta maganda ako! Naunang pumunta si Sai sa room kase sabi ko may titignan lang ako.

Palingon lingon ako dahil hindi ko maaninag yung hinahanap ko. Nagulat ako ng may bumangga sakin. Sorry i mean binangga ako! Kinuha ko ang iilan sa mga gamit na nahulog. Saka tinignan ng masama yung nakabangga sakin. Parehas kaming nagulat.

Siya yung crush ko!

Nakatulala lang ako habang nakatingin sakanya.

"Miss? Tutulo na yung laway mo. Saka tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Ani niya. Agad naman akong natauhan at doon lang din nag sink in yung sinabi niya sakin.

Ako? Ako pa may kasalanaaan?!

"Excuse me? Ikaw yung nakabangga sakin. U should apologize to me." Asar kong sagot. Padabog kong kinuha yung mga natira kong gamit atsaka siya tinignan sabay inirapan.

Ang akala ko pa naman mabait siya! Sayang crush ko pa man din siya. And! Babaero din dahil nga crush ko siya hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi na papalit palit siya ng babae! But now natauhan na ko.

Di ko na siya crush.. slight. hmpk!

Iniwan ko siya don at saka padabog na naglakad papuntang room. Anong ginagawa niya sa building namin? Tch. Baka andito yung bago niyang babae. Well he is Kenji ichinova! Ang ganda ng pangalan babaero naman! Dali dali akonh umupo sa tabi ni Sai habang nakasimangot pa rin.

Letche siya!

"Oh, baket ganyan mukha mo? Nakita kong dumaan dito si Ken. Sumisilip silip pa nga e." Paliwanag niya.

Kung dati natutuwa ako sa pangalan na yan ngayon hindi na. "Di ko na siya crush Sai, stop mentioning his name." Inirapan ko siya.

"Baket? Kenji Kenji Kenji Kenji!"

"Epal ka! Eh kasi akala ko mabait siya akala ko pa naman maayos yon! Binangga niya ko kanina tapos sasabihin niya tumingin ako sa dinadaanan ko?!"

"Tama naman siya tea! Di ka rin naman babangga sakanya kung nakatingin ka sa dinadaanan mo."

"Wao? So siya na bestfriend mo? Hindi na ko? Osige magsulian na tayo ng napkin!" Sigaw ko pa.

Until we found Love (COMPLETED) Where stories live. Discover now