Give up
Tanghali ako gumising dahil tinatamad akong bumangon kaninang umaga at kahit maraming gagawin ay isinawalang bahala ko dahil inaantok pa ako bakit ba.
Kumunot ang noo ko nang makita si Crisha na pusturang-pustura ngayon habang mag-isang kumakain sa hapag.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya at umupo na sa aking pwesto.
"Sa Mall, may appointment sa derma, sama ka?" Aniya at nagpatuloy sa pagkain.
"May meeting ako with my stylist mamayang hapon" Ani ko at kumuha ng kanin at nilagay sa aking plato.
"Stylist? You have new concerts or photoshoots?" Tanong ni Crisha at umiling ako.
"Nope, balak ko na kasing ibenta ang iba sa mga damit ko na naka-imbak lang sa closet, sayang naman kasi, mga branded 'yon" Ani ko.
"Ahh, bakit hindi mo nalang i-donate? Sa mga charities or whatsoever?" She shrugged.
My stylist can help me sell the clothes and other stuffs that I didn't need anymore. Pwede ko namang i-donate nalang din like what Crisha said pero pwede ko ring i-benta ang kalahati.
"Pwede, marami naman 'yon at tyaka hindi lang mga damit pati bags, shoes and accessories na hindi ko pa nagagamit or once ko lang nagamit" Ani ko at tumango lang si Crisha.
"So ayon lang ang schedule mo ngayon? Meeting with your stylist?" Tanong niya at tumango ako.
"Bakit?" Tanong ko naman.
"Samahan mo nalang ako sa derma ngayon, hindi pa tayo ulit nakakapagbonding ng ganito, sige na" Niyugyog niya ako kaya napangiti ako.
"Sige na, MC! Kahit ngayon lang cancel your meeting, please?" Pilit niya sa akin pero tumawa lang ako.
"Alam kong nalulungkot ka kasi wala si Joaquin kaya tara na! Let's go shopping!" Pamimilit niya.
"Okay sige fine, I'll cancel my schedule," Natatawa akong umiling.
"Yes! Ang lakas ko talaga sa'yo, nice!" Galak niyang ngiti at nagpatuloy sa pagkain.
Natapos kaming kumain at kinansela ko ang aking schedule sa aking stylist at nag-ayos na ng sarili para samahan si Crisha sa kanyang appointment sa derma.
Tinignan ko ang aking sarili sa aking body mirror, naka-suot lang ako ng simpleng puting t-shirt, jeans, sneakers, cap at shades para kung sakaling may mga paparazzi.
"Ano tara na?" Tanong ko kay Crisha habang pababa ng hagdanan.
"Tara na" Aniya at na unang lumabas sa akin at dumiretso sa SUV.
Pumasok na rin ako at nakitang tatlong bodyguards lang ang dala namin, okay na rin 'yon, siguro naman ay hindi ako masyadong dudumugin kung hindi ako makikilala ng ibang tao.
"Iba talaga kapag may boyfriend, laging blooming" Kantyaw sa akin ni Crisha at natawa ako.
"Hindi kaya! Ikaw nga walang boyfriend pero blooming parin" Ani ko sa kanya at nagseryoso ang kanyang itsura.
"Pasmado rin ang bibig mo ano, hija?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Compliment na nga 'yon pero bakit parang galit ka pa? Tyaka hindi ba kayo ni Alonzo-" Tinakpan niya agad ang bibig ko.
"Shh! Ang ingay mo! Wala talagang preno 'yang bibig mo ano? Hindi alam nila Mom" Bulong niya sa akin bago inalis ang kamay sa aking bibig.
"Ay ganon? Hindi kayo legal? Sayang naman, hina mo" I chuckled.
BINABASA MO ANG
Dreams Beyond Love (Albay Trilogy)
RomansaMay mga taong kailangan bitawan dahil may mga pangarap na hindi puwedeng iwan. Love is a powerful word and it conquers all. Be that as it may, loving is not a choice but leaving is. Hindi man hinayaan ni Chantelle na maging handlang ang kaniyang pro...