Lj's POV
Nandito pa din ako ngayon sa silid namin at wala ako ngayon sa sarili kasi palagi kong iniisip si andrew. Nagalit siya sa akin dahil sa nag confess ako ng feelings ko sa kanya.
"Mr. Easton?"
"Mr. Easton?"
Nabalik nalang ako sa katinuan nang may gumalaw sa giliran ko.
"Ahy ma'am!" -pataas kong sambit.
"Mr. Easton, kong wala kang balak na magseryoso sa klase ay pwede kanang lumabas. Get out!" -professor
Lumabas nalang ako dahil sa matamlay na talaga ako.
" Hello?" -pagsagot ko sa tawag .
"Bhe, nasan ka ngayon?" -palambing nitong boses.
"Bhe, wala ako sa mood ngayon. Pwede bang bukas nalang?" -matamlay kong sabi.
" Bakit, ano na naman ba problema mo bhe? "-Rebecca
" Wala rebecca. Sige na, may pupuntahan pa ako. Bye. "-ibinaba ko na kaagad ang tawag at pinaandar ko na yung motor sabay paharurot nito.
Huminto nalang ako sa tapat ng building ng condo ni andrew. Pinuntahan ko kwarto niya pero sirado at halatang walang tao. Saan naman kaya siya nagpunta? Binaba ko yung taga alaga dito o yung nagpapatira sa condo nato.
"Pwede ko po bang malaman kong saan nakatira si Andrew Dixon?" -paki-usap ko.
" Saang room? "-tanong naman nito sa akin.
" Room 012 po. "
Tiningnan naman nito yung record book pero parang nag-iba yung tingin niya pagkabukas nito.
" Naku, hindi nakalagay yung tamang address niya dito. Ang nakalagay lang kasi ay number lang niya. "-panghihinayang pa nito.
" Ok lang po yun."
Umalis naman kaagad ako. Ano bang klaseng paupahan yun. Hindi man lang inalam yung tamang address ng mga pinapaupa niya. Umuwi nalang ako sa condo ko para makapag-isip. Nagtaka nalang ako pagkapunta ko kasi nakabukas yung pintuan kasi hindi nakalock. Pagkabukas ko nito ay nakita ko si rebecca na nakaupo sa kama at tila nainip ito sa paghihintay.
"Saan ka na naman ba galing ha?" -Rebecca
"Wala, umalis kana nga muna. Gusto kong mapag-isa. "-paki-usap ko pa,habang nakayuko dahil sa pagod.
"Sabihin mo nga sa akin problema mo lj ha? Hindi yung nag-aalala ako sa minu-minuto. Kong ok ka lang ba? Kumain kana ba? Nasaan ka na? Anong ginagawa mo? Sabihin mo nga sa akin? "-pagalit nitong sambit sa akin na ikatayo niya.
" Ikaw!,pasigaw ko. Ikaw problema ko. Sinabi ko na nga sayo na umalis ka muna ayaw mo pa din. Alis! "-sinumbatan ko din siya dahil na din sa wala ako sa mood.
Sinampal niya ako na naging dahilan naman para mabalik ako sa katinuan. Girlfriend ko pala tong kausap ko, bakit ko siya sinigawan? Umalis siya na humahagolgol sa iyak. Hindi ko na siya sinundan bagkos ay umupo nalang ako sa tabi at umiyak. Pati gf ko nadamay pa sa kagaguhan ko. Bakit ba kasi nangyare pa ito sa akin? Masaya naman ako sa gf ko pero bakit parang may hinahanap-hanap ako. Bakit parang may kulang.
Hapon na't nandito pa din ako sa kwarto ko, wala pa din sa sarili. Balak kong puntahan nalang yung kaibigan kong si drake. Maliligo na muna ako't magbibihis.
Henish's POV
Halos dalawang buwan nang hindi kami nagkikita at nag-uusap ng brad ko dahil pa din doon sa sinabi ko sa kanya o yung pag-amin ko na gusto ko siya. Akala ko talaga maiintindihan niya ako pero hindi pala. Miss ko na yung dating pagsasama namin na nasira lang dahil sa bwesit na pag-amin ko sa nararamdaman ko sa kanya.
Kasama ko pala ngayon si erik at nandito ako sa bahay nila. Umabsent na din ako sa mga klase namin dahil baka ayaw pa akong makita ni andrew. Dito din sa bahay nina erik ako pumupunta palagi. Nasabihan ko na din siya tungkol sa nangyare sa amin ni andrew. Pero tanging sabi lang niya ay pabayaan ko na daw muna na makapag-isip siya kasi baka daw nalilito lang yun sa nangyayare. Kung mahal ko daw talaga siya ay matuto akong maghintay. Kaya sinunod ko nalang payo ni erik. Pero pinadalhan ko naman siya ng pagkain na isinabit ko sa doorknob ng kanyang pintuan at sinamahan ko na din ng sulat kamay ko. Sana lang ay binasa niya yun. Miss kona talaga brad ko.
"Erik, kelan ka ba babalik sa paaralan?"-tanong ko sa kanya habang umiinom ng kape sa sala nila.
" Hindi ko pa alam tol. Kailangan ko pa talagang tumulong sa mga magulang ko. "-malungkot nitong saad sa akin.
" Ahh sige tol. Sesend ko nalang sayo bawat aral na tatalakayin namin araw-araw para naman makatulong din ako sayo."
" Sige tol. Salamat ah, paano nalang pag wala ka. Walang tutulong sa akin. Salamat din pala sa pagtulong kanina sa akin sa gawaing bahay. "-masayang sabi nito.
" Wala yun tol. Magkaibigan tayo kaya ok lang yun. "
Nang matapos na akong uminom ng kape ay tumayo na ako kasi magpapaalam nah.
" Pano ba yan tol, uwi nako."
"Ok sige tol. Mag-ingat ka sa daan." -Erik
"Ok tol. Sige ah, salamat din. "
Nagkawayan kami at nagpatuloy na ako sa pag-alis. Masaya akong umuwi sa condo ko dahil kay erik. Mabuti siyang kaibigan at masasandalan mo talaga siya. Pagkarating ko naman sa kwarto ko ay medyo makalat kaya naglinis na muna ako at pagkatapos nun ay nagpahinga nah. Humiga na muna ako sa kama at nag open ng account ko. Tinitignan ko pa din kong may messages na galing kay andrew. Nagbabakasali na ok na kami. Pero kahit araw-araw ko pang tingnan ang account ko ay wala talaga. Titigil na kaya ako? Sa tingin ko hindi, ano pang maging silbi nung sinabi ko sa sulat na ibinigay ko kay andrew. Sinulat ko dun na hindi ako susuko kaya dapat panindigan ko yun. Nag send ulit ako ng message sa account niya.
Brad, alam kong hindi pa din tayo ok pero naiintindihan kita. Brad, miss na kita. Miss ko na yung ngiti mo't tawa. Kahit ano pang mangyare brad, gusto pa din kita at hinding-hindi yun magbabago.
Sent 6:36pm
Eni-off ko na kaagad phone ko. Natulog nalang ako nga nakangiti. Sabi ko pa sa sarili ko bago ako natulog na kaya ko to. Magiging ok din kami, not now but soon. Nakatulog naman kaagad ako.

BINABASA MO ANG
Ikaw lang,wala nang iba.
Teen FictionSi Andrew Dixon, labing-pitong taong gulang at isang grade 11 students na may itsura o sabihin na nating gwapo. Maraming nagkakandarapa sa kanya na mga babae pero kahit isa ay wala siyang naging girlfriend o natipuhan man lang. Minabuti niyang magfo...