Chapter 40

1 1 0
                                    

Andrew's POV

Dalawang araw na din ang nakalipas nung nakalabas na si lj sa hospital at ni minsan ay hindi kami nagkausap ni henish. Hindi din siya nagpaparamdam sa akin. Totoo nga siguro yung mga sinabi ni lj.

Papunta na ako ngayon sa paaralan dahil sa may kukunin lang ako. Sabado ngayon kaya walang pasok. Sumakay na ako ng tricycle papuntang paaralan. Nang makarating na ako ay naglakad na ako papuntang principal's office para kunin yung mga worksheets na ibinigay sa akin nung adviser ko. Nanghingi kasi ako nang worksheets para naman makabawi ako sa grades ko, ilang araw na din nung hindi ako nakapasok.

Pagkakuha ko nun ay nagpaalam na ako sa mga guro at umalis na. Tinatahak ko ngayon yung kanto na kadalasang pinagdedate an ng mga merong jowa. May mga iilan akong nakikita na nagseselfie at nagmamatamisan. Habang pinagmamasdan ko yung mga tao dun ay biglang may sumagi sa mata ko. Hindi ko lang tanaw kong sino yun pero nagkakakutob ako. Nilapitan ko yun ng palihim para malaman ko kong totoo ba yung kutob ko. Hindi nga ako nagkakamali, si henish nga yun at may kasamang babae. Teka lang, parang kilala ko din yung babae ah. Kinurap-kurap ko yung mata ko at...tama, si pamela nga. Ibig sabihin, ang girlfriend pala ni henish ay si pamela. G*g* to ah. Ginawa nila akong tanga. Wait lang, tignan nga natin ano sasabihin niya.

Eni-open ko yung messenger ko at chinat siya.

San ka ngayon?

Nandito ako sa bahay nagpapahinga. -Henish

Talaga ba, puntahan kita diyan.

Wag na, baka mahawa pa kita ng sakit ko. -Henish

Ganun ba, kawawa ka naman pala.

Teka, nasaan kaba ngayon? -Henish

Nandito, nanonood ng palabas.

Anong pamagat? -Henish

Ang sinungaling na palaka at ang maharot na kulisap.

Meron ba nun? -Henish

Oo meron, gusto mo tingnan yung picture?

Sige. -Henish

Pinicturan ko sila pagkatapos ay esenend ko na sa kanya. Lumingon naman siya kaagad sa likuran niya at nakita niya ako. Nagulat siya nang nasa likuran lang pala niya ako.

"Drew, anong ginagawa mo dito?" -tanong pa niya habang hawak pa niya ang kamay ni pamela.

" Wow ha, ikaw pa talaga tong nagtanong. Akala ko ba nasa bahay ka kasi may sakit ka, ano ginagawa mo dito? "-pataas kong sambit sa kanya at binitawan naman niya yung kamay ni pamela.

"Drew, let me explain? Please?" -pagmamakaawa pa niya sa akin.

"Explain? Para ano, para paikutin mo ako? No, hindi ako roleta henish. At ikaw naman pamela, akala ko pa naman kaibigan kita yun pala ahas ka. At tsaka... "-pagpuputol pa niya pamela.

" Pero drew..." -Pamela

"Wait... Wait lang, hindi pa ako tapos. Bakit nga ba ako iiyak no, sabagay may mga iilan ka namang inagaw noon sa akin pamela. Tanda mo yung trophy na sana ay akin na, inagaw mo yun sa akin diba. Nandaya ka. Pinaghirapan kong manalo doon ng patas pero nandaya ka. Madaya ka talaga noon pa. Ito pa, aaminin ko, plastik akong kaibigan sayo dahil kong hindi kita pakikisamahan ay kawawa naman yung Isa pa nating kaibigan. Kaya alang-alang sa kanya ginawa ko yun. At ikaw naman henish, kong diyan ka sasaya sa kanya ay sige, magsama kayo. Hindi ko naman hangad na magmahal ng isang tao na hindi ako kayang mahalin... -pinutol na naman ni pamela ang pagsasalita ko.

"Drew." -Pamela

"Wait lang, hindi pa ako tapos. Sige ganito nalang. Tapos na tayo henish at pamela, siguro...tapusin na din natin tong pagkakaibigan natin. Wala namang patutunguhan to eh. Sige na, alam kong kanina niyo pa gusto ipagpatuloy ginagawa niyo. Huwag na kayong magsalita o mag-explain pa. Gets ko na yong sa inyo. Sige na, aalis na ako. Bye. "-kumaway pa ako sa kanila .

Lj's POV

" Anong nangyare drew? "-naaawa kong tanong sa kanya. Pagkadating niya kasi dito sa condo ko ay umiiyak na siya. Naawa tuloy ako sa kanya.

"Sila kasi eh.." -maiyak iyak nitong sambit sa akin.

"Gi...na...go...ni...la...ak...ko" -paiyak nitong sabi sa akin.

Tinutukoy siguro niya ay si henish at sino naman kaya yung isa?

"Ok lang yan drew. Andito naman ako sayo. Tama na, wag kanang umiyak. Kukunot noo mo niyan at papangit ka, hindi na siguro kita magugustuhan dahil dun. "-pagbibiro kopa at tumahimik naman siya at tumingala sa akin.

"Eh d wag. Diyan kana nga." -masungit niyang sabi sa akin at umalis siya sa tabi ko at humiga sa kama ko at doon umiyak.

Nilapitan ko naman siya at niyakap ko siya patalikod.

"Halikanga, wag kana kasing umiyak. Andito naman ako eh. Sagutin mona kasi ako. Promise ko sayo , pasasayahin kita at tutulungan kitang maka-move on."-malambing kong sabi sa kanya at humarap siya sa akin at humiga na siya sa braso ko.

"Hindi kaba nagsisinungaling? Baka saktan mo lang din ako. Katulad ng ginawa nila sa akin." -malungkot niyang sabi sa akin at lumungkot din mukha niya.

"Bakit naman ako magsisinungaling sa mahal ko. Hindi kita sasaktan katulad ng ginawa nila sayo, promise yun. Kaya tama na yang iyak-iyak mo , be happy kasi mamahalin kita hanggang kaya ko. Kaya sagutin muna ako. "-nakangiti kong sambit sa kanya.

" Grabe ha, nagmamadali lang. Hindi kapa nga nanliligaw tapos gusto mo sagutin na agad kita. "-Andrew

" Noon pa naman kita nililigawan eh. Binasted mo lang ako. Pero kapag sinagot mo ako ngayon ay hindi ako magloloko, promise. "-sabay taas ko ng kanang kamay ko.

" So ano, sasagutin mo naba ako? "-pagtatanong ko ulit sa kanya.

Nag-isip pa siya nang bigla niya akong hinalikan sa pisnge at tumango siya.

"Sinasagot muna ako?" -tanong ko na naman sa kanya.

Tumango lang siya bilang pagsagot ng oo. Sa sobrang saya ko ay hinalikan ko din pisnge niya.

"Drew, grabe ang saya ko. Basta promise ko sayo ay lahat ng mga promises ko ay hindi ko ebebreak. Totoo lahat ng promises ko sayo. Hindi ka magsisisi na sinagot mo ako ngayon. I love you luvs."-tapos ay hinalikan ko naman noo niya.

" I love you too luvs." -sagot naman niya.

"Dito kana matulog at tutulungan na din kita sa mga worksheets mo. Gusto kasi kitang makasama ngayong buong araw. Pwede ba? "

" Kong yan gusto mo. Pero kain na tayo. Nagugutom na kasi ako. "-Andrew

" Ok sige, diyan kalang. Ikukuha nalang kita ng pagkain. Busog pa kasi ako eh. At tsaka 9 am palang oh, ang aga pa para mag lunch. "

" Ok sabi mo eh. "-Andrew

Kinuhaan ko naman siya ng pagkain. Kinuha ko yung inorder kong pizza sa refrigerator at kumuha na din ako ng juice at ibinigay ko na kaagad sa kanya. Kinain naman din niya. Hindi pa siguro siya nag-uumagahan.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon