CHAPTER 2
Tumakbo si Shaira dahil muntikan na siyang mahuli sa kanyang pagpasok. Nakasalubong niya ang kanyang supervisor at binati siya.
"Balita ko ikaw ang kakanta sa anak ng kasal nila boss at hindi na si Sam?"
"Ah opo madam, nagka-emergency po kasi si Sam, kaya ako na lang po."
"Ah hindi naman nagkamali ng pagpili sa’yo, kayong dalawa ni Sam ang pambato ng department natin. See you there, Shaira! Ipakita mo kay boss ang talento mo, osige at mauna na ako."
Very supportive ang supervisor ni Shaira, ito rin ang rason kung bakit palagi siyang may malakihang raket dahil sa mga kakilala nitong kapwa mayaman.
"Ms. Lancaster hinahanap ka sa training room."
Muntik na niyang makaligtaan ang kanyang mga tinawag na empleyado dahil hindi siya maka-move on sa nangyaring kahihiyan kagabi.
"Good morning, sino po rito 'yung walk-in app--," hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin nang makita ang lalaking kasabay kagabi.
"Walk-in po, ma'am Shaira," giit ng binata.
Hindi na muling nagsalita o nag tanong sa mga aplikante at kinuha na lang niya ang mga resume nito pagkatapos ay diretsong lumabas.
"Shit, Shaira! Si Manuel!" bigla niyang tiningnan ang pangalan nito at natawa rin siya sa resume ng binata.
"Manuel Roxas? Kailan pa nabuhay ang dating presidente ng Pilipinas? Kapangalan mo pa," natatawa siya habang binabasa ang resume nito. Pagbalik niya, sinigurado na muna niyang naka ayos ang kanyang itsura at doon ibinigay ang written exam. Mabuti at hindi siya ang nag-initial interview, siguradong mahihiya siyang humarap at makausap muli ang binata.
Dumating ang lunch break at huli na naman bumaba si Shaira.
"Ma'am Shaira.”
Nilingon ng dalaga ang lalaking tumawag sa kanya, walang iba kung hindi si Manuel.
"Saan 'yung canteen dito?"
"Sumama ka na sa akin, doon din naman ang punta ko," saad ni Shaira.
"Hired na ba ako ma'am? Niligtas kita kagabi," pagbibiro nito at natawa siya sa sinabi ni Manuel.
"Hindi ako ang humahawak sa papers mo. Galingan sagot ni Shaira. Saan ka nga kasing department naga-apply?"
"Training, under Human Resource Department po."
"What? E’di kasama kita?" gulat na gulat si Shaira at natuwa naman si Manuel.
"Para may kasama ka na at hindi ka basta ma hold-up."
Hindi alam ni Shaira kung kikiligin ba sa sinabi ng binata. Kasabay niya itong kumain kahit na aplikante pa lamang ito. Wala sa wisyo nang binigay ni Shaira ang personal number at hindi ang company phone number. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit napaka easy to get niya.
"Sana at ma-hired ako. Kahit na anong ipagawa mo gagawin ko," bungad ni Manuel.
"Sigurado ka? Sana hindi ka ma-bored sa dinamirami ng papel na makikita mo araw-araw."
"Nope, kung may kasama naman ako, hindi naman siguro boring."
Nagpaalam si Shaira sa lalaki dahil marami pa siyang kailangan atupagin, at kung nakipag kwentuhan pa siya ay wala na siyang matapos. atuloy lamang si Shaira sa pag-encode ng mga aplikanteng pumasa noong nakaraang araw nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...