Chapter 3...french hens, 2 turtle doves and a partridge in a pear treeee. :D

22 0 0
                                    

Brylle Yu’s POV

“NASAAN AKO??”, sigaw niya habang inikot niya ang tingin sa buong kwarto.

At bigla niyang binaling ulit ang tingin sa akin.

“SINO...KA? PARANG KILALA KITA! PARANG..PARANG..”

“Blockmate mo ko. Seatmate pa. Hindi mo kasi ako gaanong napapansin dahil si Kosa lagi ang kinakausap mo kanina. Brylle nga pala”, akmang iaabot ko ang kamay ko sa kanya para makipagshake-hands, pero imbis na abutin niya, bigla nalang...

*SLAP!*

“Halaaa. Bakit mo ko sinampal??”

“E BAKIT NANDITO BA KO SA.. SAAN BA ‘TO? ANONG GINAWA MO SA AKIN HA??”

“ABA, AT AKO PA!”.. huminahon muna ako saglit at sinabing, “E kasi naman PO miss, nahimatay ka 

PO kanina, buti nalang PO at nasapo PO kita kung hindi e, todas ka na PO. Okay na PO ba?”, sarcastic kong pagpapaliwanag.

Mukhang napaisip siya at parang naalala niya na ang mga nangyari. Napaduko nalang siya at nahiyang sinabi, “Ah, p-pasensya na talaga Brylle. H-hindi ko s-sinasadya ung sampal. Nadala lang ako ng gulat. S-sorry. Ako nga pala si Jemm---”.

“Jemmica Yahonkha Martin, tama?”, pagsabat ko.

“Bakit mo alam?”

“Nakikinig kasi ako kaninang nagpapakilala kayo”, pero ang totoo, siya lang talaga ang pinakinggan ko sa lahat.

“Ah ganon ba. Nakakahiya naman. Nong kayo kasi, hindi ako gaanong nakapakinig dahil nagsusulat ako”, nakaduko pa rin siya.

“Ang mahiyain mo no? Pero parang depende sa kasama”, napatigil ako sa sinabi ko at humingi ng tawad.

“Ayos lang. Tama ka naman e. Hindi ko nailalabas kung sino ako sa harap ng mga taong minsan ko palang nakausap

...maliban nalang kay Kuya Nikx”, pabulong niyang sinabi pero narinig ko naman.

“Ha? Ano yong huli mong sinabi?”, kunwari hindi ko narinig.

“Alin? w-wala, wala na kong sinabing iba ah. Baka imagination mo lang yon o kaya nagdedeliryo ka”, nabubulol niyang sinabi.

Nauutal siya, ibig sabihin, nagsisinungaling siya. Pero bakit... may lihim ba siyang pagtingin (agad? :P) kay Nikko? Nakakaramdam yata ako ng heartache...este headache.

Nang bumalik na ulit ako sa katinuan (parang bigla kasing may nagsnap sa isip ko) non ko lang naalala, nilalagnat nga pala itong kausap ko kaya yata nahimatay at kunwari nalang ay maldito ako.

“Ahhh, oo nga pala! Napaka mo. May nalabas na dyan sa balat mo na kung ano, hindi mo man lang kinonsulta sa clinic!!”

Napatingin naman siya sa sarili niya at nakita niyang may nakaumbok na balat at mukhang may tubig sa loob at sa hindi inaasahang pangyayari, yon ay nag..*POP*.

“ARAAAAAY! Ano ba to? Akala ko naman e kagat lang ng lamok kaya kinakamot ko ng kinakamot. Oh my goodness. Ano to??”, natataranta siya habang hinihipan ang mahapding sugat sa braso niya.

“Nako, kung ano man yan, goodluck nalang. Umuwi ka na sa unit niyo at 7pm na”, may pagkamaldito ko pa ring sinabi.

Nagulat naman siya ng makita nga niyang mag-aalas sietena ng gabi, kaya biglang hablot niya sa bag niyang nasa tabi lang ng pinto ko. “Salamat!”, may pag-aalangan niyang sinabi at ngumiti ng pilit.

Nagwave nalang ako. </3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

F.R.I.E.N.D.S.H.I.P. (Isang &quot;makitid&quot; na kwento XD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon