Awat na, tama na!
Alam ko, alam ko naman na panget ako
Di ako maganda katulad mo
Di ako kasing sexy ni Ivana
O kasing kinis ng mga Koreana
Wala akong talento at hindi matalino
Sabi pa nga ng isa bobo raw akoOo. Oo na, nasa akin na lahat ng negatibo
Oo na, kalait lait na ako
Pero sana. Sana sa bawat lait mo,
Sa bawat husga at puna mo
Sana alam mong may damdamin din ako
Na nasasaktan din akoSobrang baba na ng kumpyansa ko sa sarili ko
Hirap na akong humarap sa ibang tao
Dahil hindi na nawala sa isip ko ang salitang "pangit ako di ako tanggap nito"
Nahihiya ako, nahihiya ako kasi pangit ako
Salamat sa mga panlalait niyo!
Sana di niyo maranasan to!Minsan ng sumagi sa isip ko ang sumuko
Gabi gabi akong di makatulog dahil sa anxiety ko
Kaya awat na, awat na naman oh!
Pagod na ako,
Pagod na ako umiyak,
Pagod na ako mag isip.
Mag isip kung kailan ba ako matatanggap ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Tula Ng Damdamin
PoetryMga tula mula sa aking emosyon at damdamin. Ginawa ko ito pagkat nais kong ilabas ang mga salitang di ko kayang ipahayag at sabihin sa madla ng personal at harapan. Nais ko lamang ibahagi ang aking saloobin sa pamamagitan ng isang tula.