"s-sorry hindi ko s-sinasadya, i-ikaw kasi eh !!" paninisi ko sakanya. Siya naman talaga may kasalanan, bigla-bigla nalang siya susulpot, ayan tuloy. "ano hindi ka na ba gagalaw d'yan ?" tanong ko sakanya. "u-uh for y-you" he gave me a bouquet of flowers, then he smiled at me.
"nagdi-dress ka pala ? Akala ko T-shirts lang meron ka." pang-aasar niya. "si ate nagpilit na suotin ko 'to, ayaw ko nga e, hindi ba bagay sa'kin ?" kabadong tanong ko. "bagay na bagay sa'yo no ! Ganda mo nga e" saka niya mahinang tinapik ang baba ko. Inirapan ko nalang siya.
"love may ketchup" -Jameson. Kinapa ko ang magkabilang pisngi ko, wala naman, ibinalik ko ang tingin ko sakanya, siya yung may ketchup sa pisngi e. Kumuha ako ng tissue saka ko pinunasan ang pisngi niya "dungiiiis !!" maya-maya ay tinawag na naman niya ako. "love may ket-" kumuha ulit ako ng tissue saka ko pinunasan yung pisngi niya.
Pero hindi parin natinag talaga, ano bang trip nito ? Kanina ko pa siya nakikitang pasimple na nilalagyan ng ketchup yung pisngi niya. "love may-" "nakita kita, ambaboy mo." pero wala ng tissue sa table namin, tumingin ako sakanya, nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.
"Jameson, andami mong alam, parantimang" "gusto ko daliri mo magpupunas eh." nu daw ? Meganon ? "ang kalat mo kaya" "sige na love, please ?" parang bata. Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang hinlalaki ko, "dapat ikaw gumagawa sa'kin nito e, ikaw yung lalaki satin." pagrereklamo ko.
"sige lagyan din kita ng ket-" "ayaw ko, okay na pala sige, ako na magpupunas sa'yo, magkalat ka lang" 'di naman sa maarte ako, ee dudungisan niya pa ako.
Nasa tapat kami ngayon ng isang claw machine, pumunta kami sa arcades ng mall na 'to. Puro We Bare Bears stuffed toy ang laman ng machine na 'to kaya dito ko siya inaya, ang cute kayaaaa !!!
Nakailang hulog na ako ng token pero hindi ko makuha si Grizzly, nakakaasar na ah ?! "ako nga pa-try" kumuha si Jameson ng isang token sa kamay ko, saka siya nagconcentrate sa stuffed toy na kinukuha ko.
At nakuha niya !!! Ang unfair naman, sakanya isang beses lang nakuha agad.
"oh, ingatan mo 'yan ah ?" "thank you !!!" "you're always welcome, hatid na kita sa crossing." seryoso ba siya ? Crossing, doon ako sumakay ng jeep papunta dito, tapos ihahatid niya ako hanggang sa sakayan ng tricycle pauwi sa'min ?
"seryoso ? Baka ikaw yung gabihin." "ikaw yung babae sa atin, Drea. Padilim na, magko-commute ka pa, tara na." inakbayan niya ako sa braso ko saka kami naglakad palabas ng mall.
"crossing po, dalawa." abot ko kay manong driver, binayaran ko na si Jameson, nakakahiya kasi, hinatid pa ako. Galing siya ng Manila !!! Bakit ba kasi sa Malolos ko pa naisipang mag meet up ? Traffic ngayon, inantok ako sa biyahe, kaya nakatulog ako.
"love, malapit na tayo" paggising sa'kin ni Jameson, pagmulat ko ng mga mata ko, nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya, hawak niya ang buhok ko at hinahaplos iyon ng marahan. "good evening" then he smiled at me. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka may tulo laway ako, nakakahiya.
"umaambon..." -Jameson. Wala kami parehong dalang payong. Hinubad niya ang denim jacket niya, saka niya iyon itinalukbong sa ulunan ko, "love, tawid na tayo, kumapit ka sa'kin" humawak ako sa kanang braso niya, nasa kaliwa ko siya.
Pumara na din siya ng tricycle para sa'kin, balak niya pang ibigay sa'kin yung jacket niya, pero 'di ko na tinanggap, baka matuloy yung ulan, wala na siyang ipangtatalukbong.
Mag 6:30 na nang makarating ako sa bahay. Nagluluto na si lola ng uulamin para sa hapunan namin, lumapit ako sakan'ya saka nagmano. Dumiretso na din ako ng kwarto para magbihihis ng pambahay. Bumaba rin ako kaagad dahil kakain na daw. Kaunti lang lang kinain ko dahil busog pa ako, ang dami kong nakain kanina.
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...