Movie Clip 36

251 19 0
                                    

Shin Pov

Kanina ko pa nakikita si mark na palakad-lakad dito sa sala, at hindi ko alam kong ano ang aking mararamdaman, nagseselos na ewan na hindi ko alam, pero binaliwala ko na lang iyon.

Sarah Pov

Naramdaman ko na parang umaalog ang aking paligid kaya pinilit ko ang aking sarili na idilat ang aking mata susubukan ko na sanang igalaw ang aking kamay para kunin ang posporo at tawagin si mark pero naramdaman ko na ito ay nakatali, kaya nawalan na ako ng pag-asa, tinignan ko ang mga dumukot sa akin pero hindi ko sila kilala

“ano ang kailangan ninyo sa akin?”
Nanghihina kong tanong sa kanila

“may utang ang nanay mo sa amin na hindi pa nya binabayaran, namatay sya kaya dapat ikaw na anak nya ang mag babayad nun, ang tanga kasi ng nanay mo eh.... ang galing nyang mangutang pero wala naman pambayad”
Sabi ng lalake at hindi ko mapigilang magalit kasabay ng luhang pumapatak sa aking mata

“tulungan mo ako, mark”
Mahina kong sabi kasabay ng aking paghikbi

Mark Pov
Habang ako ay nag-iisip ay biglang may narinig akong salita, at ito ay ang tinig ni sarah

“tulungan mo ako mark”

Goblin Boyfriend (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon