Lahat nang mga pangalan, lugar at pangyayari ay kathang isip lamang at ano man ang nagkasing tulad dito ay nagkataon lang.
Location: University of Terasita
Airys? Bakit hindi pa natin siya nakikita?! Dapat sa mga ganitong oras nandito na siya!" Gigil na gigil na tanong ni Ace. Sino yong inaabangan nila??
"Ewan ko sayo... baka mamaya pa dadating si Hanry MY LOVE mo!"inemphasis talaga ni Airys ang 'my love'
Nasa harap kasi sila sa canteen, nakaupo sa bench. At sa canteen kasi ito nakatambay na si Hanry.
Since first year high school ay crush niya na ito. Ginagawa na man ni Ace para lang ma pansin siya nito. Pero bakit walang epekto. At kasi naman may girlfriend kasi si Hanry. So? Hanggang day dreaming lang ang kaya niya na maging sila ni Hanry.
"Bakit kaya wala pa siya.? Eh vacant niya naman ngayon?"
Alam ni Ace ang schedule nito dahil sinearch niya talaga ang bawat oras para lang makita ito. At alam din nito na parating tumatambay si Hanry sa canteen.
"Doon kaya tayo sa loob baka kasi naroon siya eh?" Hindi mapakaling si Ace. Pabalik-balik siyang lumalakad sa harap ni Airys.
"Kanina pa tayo dyan sumisilip eh? Wala naman siya dyan. At isa pa umupo ka nga" tigil sa kanya ni Airys pero dedma lang ito.
"Ano ba yan?! Ilang oras na lang papasok nako sa next class ko..."makikita mo sa mukha ni Ace na kapag hindi niya makita si Hanry parang guguho ang mundo nito.
At sa 'di kalayuan.. nakita ni Ace na may kasamang babae si Hanry. Lumalakad ito papuntang Canteen.
Bigla na lang nalungkot si Ace sa nakita... tumabi ito kay Airys.
"Oh? Anung nangyari sayo?!... nakita mo siyang may kasamang iba no?"
Kilalang-kilala na talaga ni Airys ang babaeng ito kahit ano pa ang ginagawa nito...
Napatango na lang siya..
"Bakit kasi 'di ka na lang maghanap ng iba? Marami pa naman sila dyan oh.." sabay turo nito sa mga lalaking nakatambay sa kabilang bench katabi nila.
"Hindi naman ako GRO na kahit na lang sino ay pwede no? At madali mo lang yang sabihin kasi may boyfriend kang nagmamahal sayo!"
Si Airys lang kasi ang nabibiyayaan sa kanilang dalawa.
"Maghanap ka kasi ng nagmamahal sayo.."
"Mahirap kaya yon!"
"Maghintay ka na lang kasi may darating din para sayo. Wag mo kasing madaliin no.. at move on na sa kay Hanry"
"Eh paano ako makaka-move on.... siya naman yong lapit ng lapit sa'kin" paiyak na sabi niya
Wow! Ang baliw talaga nito... eh hindi nga lumalapit sa kanya si Hanry at siya talaga ang humahabol rito. Maka-assume talaga si girl wagas!
"Ayan ka na naman... iiyakan yong lalaking hindi alam na iniyakan mo siya.!!" Nakataas na kilay nito. Naiinis na kasi siya dahil kung hindi umiiyak si Ace tulala ito. Malapit na nga itong mabaliw....
Pinunasan niya na lang ang luhang patulo pa lang.
"Oo na! Hindi na ako iiyak..."
"Tama yan! At kalimutan mo na siya!" Masayang masaya si Airys dahil natauhan rin itong kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL GIRLS
Novela Juvenil9 young ladies 9 different personalities and searching for true love ano kaya ang mangingibabaw? beauty inside? or beauty outside?