Pagkatapos ng insidenteng iyon sa school, naisipan akong ihatid ni Wess. Nasabi ko kasing pupuntahan ko si nanay sa bayan.
"Ihahatid na kita. Baka mamaya inaabangan ka pala ng g*gong yun, mapahamak ka pa."
"Ayos lang naman ako. Siguro naman walang mangyayaring masama sa akin. Tinakot mo paano."
"Mabuti nga at may kinakatakutan."
Napangiti ako. Ito naman ang unang pagkakataon na nang-harass si Rain. Siguro naman mqgbabago na iyon. Tinakot ni Wess eh.
Nagulat ako pa biglang pagkabig ni Wess sa manibela. Muntik na ba kaming mabangga? O muntik na kaming makabangga?
"Ianne, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Nauntog?"
"Ayos lang ako. Ano bang nangyari?"
Hindi niya ako sinagot. Pagkasabi kong ayos lang ako, mabilis syang bumaba. Ano ba ang nangyari?
Bumaba na rin ako ng sasakyan. Tiningnan ko kung anong nangyari. Doon talaga ako nagulat. Nakita ko si Wess na buhat buhat si Mikaella. Aba at bridal style pa.
"Wess, anong nangyari? Ianne, mauna ka na sa pupuntahan mo. Sorry hindi kita maihahatid. Kailangan ko syang dalhin sa ospital, muntik ko na siyang mabangga."
Nakita kong dumudugo ang ulo ni Mikaella. Nabangga ba talaga namin sya?
"Wess, sasama na ako. Tatawagan ko na lang si nanay na hindi ko sya masusundo kasi nagkaroon ng problema."
Alangan namang pabayaan ko si Wess na mamroblema, baka mamaya idemanda sya.
"Hindi na Ianne, kaya ko na to. Nakakahiya naman kay nanay Vangie kapag pinaghintay mo sya. Please, mauuna na ako."
Hindi pa ako nakakasagot nang biglang isinakay ni Wess si Mikaella sa sasakyan at sumakay naman sya sa driver's seat. Nagmamadaling pinaharurot niya ang sasakyan.
Naiwan ako doon na nag-iisa. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko. Ewan ko, alam ko namang aksidente iyon kaya niya ako iniwan pero parang ang sikip ng dibdib ko.
Tumigil ako sa pag-iyak at dumiretso na sa bayan. Naghihintay na kasi sigurado si nanay.
"Hello"
"Nay' asan na ho kayo? Papunta na ho ako sa bayan. Maaga ho kasi kaming natapos."
Well 5:45 pa lang naman.
"Nak, Vanity, ikaw ba yan? Bakit parang umiiyak ka? Ayos ka lang ba?"
"Nay naman, bakit naman ho ako iiyak? Kasi mamimiss ko ang mga classmate ko? Ganun? Haha. Napagod lang ho siguro ako. Kasi nagpractice ho ako ng speech."
"Ay ganun ba? Sigi sigi. Puntahan mo na lang ako dito sa store ni Maring."
"Sigi ho nay'"
Sunod kong tinawagan si Wess. Nag-aalala kasi ako, baka ano nang nangyari kay Mikaella. At oo nagpalitan na kami ng number ni Wess.
"The subscriber can not be reached
Ano ba yan nakakainis. Alam niyang mag-aalala ako tapos di ko sya ma-reach. Nag-text na lang ako.
"Wess ano nang nangyri? 2matwag ako. Bat d ka sumasagot. Ng-aalala na ako."
Send. Pagkatapos noon, tumawag ulit ako. This time nag-ring na. I've waited.. and waited.. and waited.. Pero walang sumasagot. I hate him right now for making me worried.
Nakarating na ako sa bayan. Dumiretso ako sa tindahan nila aling Maring kasi doon ko daw titingnan si nanay.
"Nay', aling Maring magandang hapon po"
BINABASA MO ANG
Next to you
General Fiction"Damn you Ianne. You b*itch. You f*cking, gold-digging whore!" Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sigaw ni Wess "Tama sila, I should've never trusted you. Hindi dapat kita kinaibigan. Ikaw pa Ianne, ikaw pa na...