Kaagad na dumiretso si Yvette sa glass paneled window ng makapasok na siya ng pad at doon tinanaw mula sa 20th floor ang kaabalahan ng paligid sa ibaba na sing-liit ng lang ng langgam sa paningin niya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa pagkakatutok doon kung kaya’t hindi niya namalayan ang paglapit ni Nicholas sa kanya at ginulat siya nito ng masuyo nitong pagyakap at paghalik sa kanyang balikat.
“Is something bothering you?” ang tanong nito na ang hininga ay dumampi sa kanyang leeg na nagpatayo ng kanyang mga balahibo.
Kagaya ng dati ay madali siyang naaapektuhan sa mga paglalambing nito sa kanya.
“W-wala.” Tila may niyerbiyos siyang nahihimigan sa sarili ng basain niya ng kanyang dila ang kanyang labi.
“You’re nervous.” Tukoy nito na hindi nakaligtas dito ang mannerism niya kapag ninenerbiyos. “I wonder why.”
Napapikit siya. Si Nicholas ay kagaya ng isang permanenteng pandikit na kapag nakadikit sa kanya ay nagbibigay sa kanya ng kakaiba at sari-saring emosyon at tila siya isang batang parating kabado kapag nilalapitan nito.
Para itong ipinagbabawal na gamot na sa bawat pag-inom niya ay nalululong siya.
“W-wala lang.” aniya.
“Then why suddenly so quiet?”
“I jusrt don’t feeel well.” Pagkakaila niya.
Iniharap siya nito at hinawi ang buhok niyang naligaw sa kanyang sintido at kasunod niyon ang paisa-isang paghalik mula sa kanyang noo, pisngi, sa gilid ng kanyang labi at nagtapos sa kanyang leeg na nagdulot sa kanya ng magkahalong kilig at panlalamig.
At hindi niya nagawang tumutol ng gawaran siya nito ng banayad na halik sa labi.
Hindi niya napigilan ang sarili na tugunin din ito at awtowmatikong yumakap ang mga kamay sa balikat nito. Tuluyan nang nakalimutan kung bakit naghihinampo siya.
“Do I make you feel better now?” ang tanong nito ng tapusin ang halik.
“Y-yes.” Namumula ang pisnging sagot niya.
Napangiti ng seksi si Nicholas bago siya nito muling kinintalan ng mabilis na halik.
“Then why do you blush like it was the first time we’re doing it?”
Lalo niyang ikinamula ang sekswal na konotasyon nito. Pakiramdam niya ay umakyat ang init mula sa kanyang talampakan at kumalat sa buong katawan niya.
Napatawa ito ng mahina ng makita nito kung paanong tila isa siyang matimtimang birhen na namumula pagkakita sa itinatanging binata.
“Baby, you really do not cease to amaze me. You’re like a new wonder I discover everyday. You’re virginal at one moment and then aggressive and playful the next day, I can’t seem to predict your mood. But one thing I’m sure of, once I hold you like this,” anito ng hilahin siya sa dibdib nito. “When I kiss you like this,” ginawaran siya nito ng banayad na halik sa labi. “You melt like jelly… so fragile inside… you’re like a rare ivory that only belongs to me…”
“Don’t you like it?”
“No. Actually, I like it very much.”
Napaluha siya tila nabasag ang depensang itinatabing sa dibdib. Ito ang kauna-unahang deklarasyon ni Nicholas na may kaunting bahid ng feelings nito.
Pakiramdam niya ay inihandog nito ang kapirasong bahagi ng puso nito para sa kanya. At nasaling ng husto ang kanyang damdamin kung kaya’t hindi niya napigilan ang mapaluha.
BINABASA MO ANG
THE PIRATE'S EYES Lord of the Hearts Series Book 3
عاطفية~~~ "Nasisiraan ka na bang talaga?... We have just met and now you're declaring love? I've never met such a woman who does and it scares the hell out of me." ~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Pinabalik siya ng Pinas ng...