Storya ng Tasa (Part II)
Dalawang taon na din ang nakaraan mula nang huli kaming magkita ni N.P. yung imaginary boyfriend ko? At least ngayon kahit pano may naitatawag na ko sa kanya. Halos isang taon narin akong graduate. Hindi ko nga maisip kung pano ko pa natapos yung natirang isang taon ng course ko. Paano kasi, simula nang gumraduate si N.P parang nawalan na ko ng dahilan para pumasok. Laging late. Kahit oras ng duty, wala sa sarili. At pag dating sa klase, daig ko pa nasa outerspace, lumulutang kasi ang isip ko. Ewan ko ba, parang nawalan ako ng gana mag-aral. Nawalan kasi ako ng inspirasyon. Wala na kasi yung nag-iisang bagay na nagbibigay kulay sa buhay eskwela ko. Pero laking pasasalamat ko nalang na nagawa ko pang pumasa at makagraduate. Kung hindi, patay ako malamang sa nanay ko. Hehe
Sa ngayon, nagtatrabaho na ko sa isang Architectural Company. Mag-iisang taon na rin akong nagtatrabaho ditto. Ok naman, malake sweldo. Nabibili ko na lahat ng gusto ko. Hindi katulad nung nag-aaral pa ko. Susme, hindi ko nga alam kung paano ko pagkakasyahin ang baon ko sa araw araw. Gastadora kasi ako.haha. nakakasurvive naman ako, Thanks God! Pero kahit maraming nagbago sakin, meron pa ring kulang. Wala kasi akong love life. Meron naming nanlilgaw sakin. Actually, mahaba na nga ang pumipila. Hehe. Pero hindi kasi typical na lovelife ang hinahanap ko. Baliw na kung baliw pero hanggang ngayon kasi iisa pa rin ang nilalaman ng puso ko….si N.P. Kung ano yung naramdaman ko nung una ko sya nakita, ganun pa din ang nararamdaman ko para sa kanya hanggang ngayon. Kahit hindi ko na sya nakikita, patuloy pa rin ang pagtakbo ng storya ng lovestory naming sa mga daydreams ko. Hindi ako nagsasawang alalahanin ang mga bagay at panahong nagpapaalala sakin sa kanya. Katulad din ng walang sawa kong pagtitig sa painting ni N.P.
Natatandaan ko pa nga. Simula nang makita ko yung painting na yun, hindi ko na tinantanan si Sir Hufana. Nung una, binibiro biro ko lang si Sir na ibigay nalang sakin yung painting tutal ako naman yung nandun. Kaso ayaw pumayag ni Sir. Kailangan daw ng authorization nung gumawa. Naman si sir?! Eh hindi ko na nga makita yung nagpaint nun eh? Walang araw at oras na hindi ako tumigil sa classroom ni sir Hufana para lang tingnan yung painting na yun. Kapag nakikita ko kasi yun, feeling ko andun pa din si N.P., nakaupo lang sa upuan nya. Busy sa pag guhit ng kung ano sa ibabaw ng table nya. Kung anu ano na ngang pangungumbinsi ang ginawa ko para lang ibigay na ni sir yung painting sakin. Sabi ko nga, kahit bilhin ko nalang. May isang taon ko din kinulit ng kinulit si Sir Hufana bago ko nakuha yung painting na yon. Nakita nya sigurong pursigido akong makuha yung painting na yun kaya ibinigay nya na din sakin as gift for my graduation. O diba?? kinarir ko talaga?? Kaya tuloy hanggang ngayon, tigang pa din ako. Sabi ko kasi sa sarili ko, hindi ako magboboyfriend kung hindi lang din si N.P. Kaya nga kahit pilahan pa ko ng mga gwapong papa, sarado ang pintuan ko para tumanggap ng manliligaw. Meron nga akong officemate.. uhhmm. Mas bata sya sakin ng dalawang taon. Pero close naman kame. May pagkamakulit yung batang yun. Nirereto ba naman ako sa kuya nya? Matagal na kong kinukulit nun na makipagdate sa kuya nya. Ang totoo nan, nakukulitan na din daw sa kanya ang kuya nya. Wala daw kasing hilig sa babae yung kuya nya. Bagay na kinakatakot nila ng mama nya. Baka daw kasi bading yung kuya nya kaya ayun, pati ako dinadamay sa problema nila. Ako ba naman ang kinukulit?? Batang to oh, anong palagay nya sakin, gay detector? Balak pa ata akong gawing tester?! Sorry nalang dahil kahit ilang ulit nya pa ulit ulitin na gwapo ang kuya nya, hindi ko pa rin papatulan ang kalokohan nya. Taken na kasi ako. Bawal akong lumandi. Faithful ako sa imaginary boyfriend kong si N.P.
Saturday. Week end. Walang trabaho. Sa office. Nasa bahay lang. Nakakatamad. Naisipan kong magpahangin muna sa SM. Magpapalamig lang. nagtitipid ako eh. Hahaha, pag pasok ng entrance ng mall, naengganyo akong magstarbucks muna. Teka, nagtitipid nga pala ako? Pero sige na nga. Masyado na din naman akong nagiging workaholic, kailangan itreat ko naman ang sarili ko..
Pag pasok ko sa starbucks, ang dameng tao. Halos wala ng bakanteng table. Ayun, meron pa palang nag-iisang bakante. Bongga, nagmadali pa talaga ako, mahirap na baka maunahan? Pakapeng pakape na ko! Umupo na talaga ako kahit hindi pa nalilinis yung table. Kakaalis lang din kasi nung customer na gumamit ng table. Buti nalang at lumapit agad yung isang service crew para linisin yung table ko. Dinampot isa isa yung nasa ibabaw ng table.