Sa mga oras na ito ay gusto kong makita ang anak ko. Gusto ko itong yakapin nang mahigit para mapawi lahat ng nakapagpapabigat sa dibdib. Makita't marinig ko lang ang boses nito ay magiging okey na ako. Ngunit pagkarating sa huling baitang ng hagdan ay hindi ko naman inaasahang si Badr-al-Din ang bubungad sa 'kin.
Nakangiti siya habang nilalahad ang kamay sa harap ko. "May I have this dance with you?"
"D-dance?"
Isang malakas na hampas sa tambol ang naging hudyat para akayin ako ni Badr-al-Din papunta sa gitna ng reception hall. Bahagya namang gumilid ang mga bisita para magbigay-daan.
"A-are we really going to dance?" paniniyak ko nang ilagay niya ang kamay sa likod ko. "H-hindi naman natin 'to na-rehearse, 'di ba?"
"Relax. Handle kita," pagkasabi'y gumalaw na ang mga paa niya para mag-Waltz.
Nakakaindak ang paraan nang paggalaw niya kaya kahit nag-aalinlangan sa umpisa ay nagawa ko pa rin masabayan ang bawat hakbang ng paa niya kalaunan.
One, two, three... One, two, three...
It's like moving forward to backward from left to right and then ikot with matching pagliyad. Damang-dama ko ang pagiging maginoo niya habang inaalalayan ako sumayaw. Feel na feel ko rin ang bawat beat sa classical song na tinutugtog ng pianist. We're like a real royal couple dancing in front of our constituents.
"About Jackson..."
"W-Wala kang dapat ipag-alala kay Jackson," paglilinaw ko habang nakatingin sa kanya.
Sa tagpong ito'y pareho kaming titig na titig sa isa't isa habang patuloy sa pagwo-Waltz.
"Katulad nang sinabi ko, tapos na kami."
"I know," pagkasabi'y humakbang siya paatras.
Kumilos naman ako para lumapit sa kanya. "Then, what's about him?"
"I can't marry you."
"Ha?! B-Bakit? B-bukas na ang kasal natin, 'di ba?" napahinto ako sa kinatatayuan.
Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang paghakbang but he's footsteps kept on moving, so I have no choice but to continue dancing para na rin hindi makahalata ang mga taong nanonood sa 'min.
"It's a prank, right?" pagkalapit sa kan'ya'y inalalayan n'ya 'ko sa pagliyad.
"I'm serious. You know I love you that's why I am setting you free," sabi pa niya habang bina-balance ang pag-alalay sa 'kin.
"P-pero kailangan kita."
Nanlalambot akong bumuwelo sa pagtayo saka inayos ang sarili at nagsusumamong tumingin sa mata niya. Wala na akong pakialam sa mga nanonood sa 'min.
"I mean, kailangan kita, Badr-al-Din. Hindi ko kaya ang mawala ka sa 'kin. A-alam mo naman ikaw na lang ang nag-iisa kong pag-asa, 'di ba?"
"Huwag mo 'kong mahalin dahil kailangan mo 'ko, kailanganin mo 'ko dahil mahal mo 'ko. That is the love I deserve."
"P-pero—"
"Ngayong nakabalik na ang Daddy mo ay hindi mo na 'ko kakailanganin para makasama sila," pilit na ngiti niyang tugon kahit pa kitang-kita naman ang pangingilid ng luha sa mga mata. "Mahal na mahal kita Zanabelle pero hindi sapat na mahal kita para maging masaya tayo."
For the second time around, there's another guy who's hurting because of me. Pangalawang tao na nagmahal sa 'kin nang totoo pero pipiliin ang palayain ako para hindi na sila mas lalong masaktan.
It's so painful to see him like this and I don't know what to do. Not until I find myself embracing him while letting his tears fall through my veil. I feel him clenching his fists, not knowing whether to be mad or to give up hope altogether. I hear him silently screaming, suffocating with each breath he's taking by holding onto his pride.
"I'm sorry," naibulong ka na lang.
"You don't have to."
"No. I have to," I claimed so he has no choice but to accept my fault.
Wari'y bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap sa kaniya at nakangiting tumingala para abutin siya ng tingin. I run my fingers through his hair attempting to calm the silent war within his mind.
"I'm sorry for being selfish," sagot ko na sa tagpong ito ay hindi na rin napigilan ang pag-agos ng luha. "Oh my gosh! Pati ako nake-carried away!" sinubukan kong tumingala para mapigilan ang pagtulo ng mga luha pero mas lalo lang ako napaiyak. "Sorry, Badr-al-Din. I'm sorry."
"I should be sorry too. Gusto ko man punasan 'yang luha mo, pero hindi ako ang karapat-dapat at gusto mong gumawa. That should be him."
"You're right... That should be him. But he does not really see my worth. So, it's a tie."
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...