KAT'S POV
Pagdating ko sa school parang naiilangan ako.Sino ba naman ang di maiilang?
Ikaw kaya tignan ng mga tao na nakakasalubong mo.Di kasi ako sanay sa ganto.Kasi palagi namang walang pake ang mga tao sa akin dito sa school and now titigan ka pa.Yung iba nga tinitignan pa ako from head to toe.
Ano kayang trip nitong mga taong toh?
Well di naman lahat ng taong nakakasalubong ko ang tumitingin sa akin ano lang mostly girls lang.
Di ko nalang sila pinansin kasi sino ba naman sila para pag-aksayahan ko ng panahon?
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko patungo sa room ko.Nasa labas palang ako ng room nakita ko na si Patricia na nasa loob ng room nagbabasa.
Maaga talaga palagi si Trish na kabaliktaran naman ni Alex.Six thirty palang ng umaga nandito na si Trish sa school.Puro aral lang inaatupag.
Pumasok na ako sa room at binati si Trish.Marami rami na din ang tao sa room.
"Good morning Trish"bati ko kay Patricia.
"Good morning"napakasiglang bati ni Trish sa akin.
"Ang sigla mo ngayon ahh tas ang ganda ng ngiti"pansin ko sa kanya.
"Anong meron teh?"tanong ko.
"Wala"sagot ni Trish ng nakangiti.
Umupo nalang ako sa tabi niya at kumuha ng notebook at ballpen mula sa bag ko.
Maya maya lumapit sa akin si Zipper,ang prince namin sa room.
"Ang unfair mo naman Kat. Si Trish lang ang binati mo."nasasaktang sagot ni Zipper.
Di sa pagiging assuming pero nasesense ko na may gusto si Zipper sa akin.He always do to me the things na ginagawa ng isang taong nag-aadmire.Diba haba ng hair ko.
"Alam mo Zipper ang OA mo"sabi ko kay Zipper.
"Ohhh"biglang singit ni Alex
Di ko namalayan na dumating na pala ang gaga.
"Alam mo Zipper up and down wala kanang pag asa diyan kay Kat"hingal na saad ni Alex.
Mukahang galing pa tumakbo ang gaga.Maswerte toh dahil di pa dumadating teacher namin.
"Dito ka nalang kay Trish"pagrereto ni Alex.
"Anong sa akin?Di ko type yang si Zipper mo bukas noh"pagtatanggi ni Trish.
Natatawa ako sa tawag ng mga pinsan ko Kay Zipper.
"Pinagtitripan niyo naman akong mag pinsan ehh"reklamo ni Zipper at bumalik sa upuan nito.
Pinagtawanan lang namin siya.
Pumasok na ang english teacher namin at nagsimula na klase namin.
AFTER ng apat na subject namin sa morning,pumunta na kami nina Trish at Alex sa canteen para mag lunch.
Pagdating sa canteen bumili na kami ng kakainin namin.Kukuha na sana kami ng kutsara ng may biglang umuna sa amin.
"Oopps sorry girls"pagsasalita ng lalaki sa harap namin at ng tingnan ko kung sino yun,it was Jorge.
"No its okay"sagot ni Alex.
Ngumiti naman si Jorge at tumingin kay Trish.
"Hi Trish,eat well"sabi ni Jorge kay Trish bago umalis dala dala ang kutsara na kinuha nito.
"Grabeng ngiti yan ahhh,abot tenga"pagbibiro ni Alex kay Trish na pinamulahan lalo ni Trish.
"Tumahimik ka nga Lex"saway ni Trish.
YOU ARE READING
Admiring the twins
Teen FictionTotoo nga yung sinabi nila na expect the unexpected.Admiring the twins was a no no for me.Falling for them was never my idea and its kinda out of my reach, but sabi nga nila "You'll never know what's gonna happen." But here I am waiting for destiny...