Ikadalawampung Yugto: Cut!

65 3 3
                                    

Sam's POV
        May game kami ngayon. I invited Celest to attend a party. Sabi niya di siya makakapunta pero nagmakaawa ako. Sabi ko wala akong dalang kotse at nakainom na ako. Naglambing ako na walang maghahatid sa akin pauwi. At ayun pumayag na siya. This is it. Show time. She doesn't know a thing.

        ...Itong si Sam gagawin pa akong driver. Pero sige na nga. Mahalaga siya sa akin alangan naman pagmanehohin ko siya ng lasing. At isa pa nandoon ang barkada niya maipapakita namin na may relasyon kami. Ang party ay gaganapin sa isang bahay ng member ng cheerleading team. Nakababa na ako. Hinanap ko si Sam at heto tulala ako sa nakikita ko. Nakikipaghalikan siya sa mga babae. Oo, MGA. A girl is kissing him while he is kissing a different girl. Ito na ba ang sinasabi niya. Ang sakit ah. Totoong totoo. "Babe, your sweetie is already here." sabi ng lintang nakapulupot kay Sam. "Hi Sweetie." bati niya sa  akin sabay kindat. I was trying to find the right words to say pero parang nanghihina ako eh. "Sam, anong ibig sabihin nito?" nanginginig kong sabi. "I am having fun. Loosen up Sweetie. Wanna join us?" sabi ni Sam. Wala ba talaga siyang puso. "So, niloloko mo ako all this time?" 'yan na lang ang nasabi ko. "Niloloko? Sweetie, who says I get serious? You know what you are no fun at all. Gusto lang naman maka-try ng tulad mo." sagot niya. Seryosong-seryoso niyang sinabi at nakatingin pa sa mga mata ko. Nangingilid na ang luha sa aking mga mata pero ayokong magtapos ng ganito ito.  Lakas loob kong hinawakan ng dahan-dahan ang kanyang pisngi. Hinayaan ko sa unang pagkakataon na manggaling sa puso ko ang mga sasabihin ko. "I thought we had something special, Sam. Akala ko may nararamdaman ka para sa akin. I'm so sorry if I can never be the perfect girl for you. We are too different from each other. But I hope you keep this in mind, I love every single day we spend with each other. I love the way you tease me and make me laugh to bits. Lastly,-" sinasabi ko ito habang hawak-hawak pa rin ang pisngi niya. Rinig ng lahat pati ng barkada niya ang sinasabi ko. "Lastly-" ulit ko, lumapit ako sa kanya at binulong "Lastly, I love the way we played this game. We ended it with a bang. Congratulations." I smiled bitterly at him. "Please let me hug you for the last time." huli kong sinabi. Tumingkyad ako at binaba ko ang ulo niya pagkatapos hinalikan ko siya sa noon. Tumalikod na ako habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.

Sam's POV
        Syet! What just happened there? Bakit ang sakit? Bakit parang tinamaan ako sa lahat ng sinabi niya? Why does it pain me to see her leave broken? Bakit parang lahat ng sinabi niya totoo? Bakit parang ang sakit sakit talaga para sa kanya?  Madami man akong tanong hindi ako nagpatinag niyakap ko lang ang mga babaeng kasama ko ngayon.

Jet's POV
        Di nga nanalo si Sam. He really won. He was able to make Celest fall for him. I underestimated Sam. But something is fishy.

Nicco's POV
        Trouble ito. Bubungangaan na naman ako ni Talya. Panigurado gegerahin ako ni Alex. This is bad.


        ...Bakit ang sakit-sakit ng puso ko? Naalala ko lang lahat ng kabutihan niya sa akin. Kung paano niya ako tinarato bilang reyna.  Kung paano niya ipinaramdam sa akin na espesyal ako. Bakit nga ba nadala ako? Hindi dapat ako nasasaktan eh. Tama bang pumasok ako sa deal na ito. Akala ko makakaganti ako pero bakit parang nagback-fire lang. Parang ako pa ung natalo?

Comments?

The Perfect Girl for the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon