Chapter 19: Chancellor

142 11 3
                                    

MARJUN'S POV

"Melli....Guzman..." Pag basa ko sa isang student file. The Surname ring a bell. Parang nabasa at narinig ko na sa kung saan. "Guzman..."

Maliban sa kalapit na spelling siya ng Surname ko na Gonza, sigurado akong narinig ko na sa kung saan.

"Bakit ang seryoso mo?" Tanong ni Thirdy sa tabi ko na nilalaro ang bola sa kamay niya.

"Guzman..."

"Ha?"

"Did it ring a bell?" Tanong ko sa kaniya.

"Parang..." Natigil siya sa ginagawa at nilapitan ako. "Melli Guzman...? Oh! She's the girl from Junior high!"

"What?" Takang tanong ko.

"Iyong kasama ni Ayesha doon sa lagoon."

"Oh! I remember!" Siya iyong babaeng junior high school na naabutan naming nakikipag usap kay Ayesha sa lagoon.

"What's with her? Bakit mo tinitignan?" Muling tanong ni Thirdy.

"Parang narinig ko na kasi sa kung saan yung Surname niya." Sabi ko at tinapik ang name niya sa laptop ko para tignan kung kailan siya nag-enroll dito.

"Nag i-investigate ka pa din?"

"Yup, tapos na ako sa investigation sa Senior high at si Jurris lang ang nahuli ko. Sa nangyari kay Jhana Moran, naisip kong baka masyado akong nag focus sa mga transferee at hindi sa buong students." Seryoso ko ng tinitigan ang laptop ko at maski si Thirdy ay hindi na din magsa-salita ng makitang walang Melli Guzman ang lumalabas sa BBU student information site, ang website kung saan mga admins, teachers at mga officers ang allowed mag bukas dahil pribado iyon. "....Na baka ay kinukuha lang nila ang identity ng ibang students."

"Melli Guzman...I'll keep an eye on her." Seryoso niyang sabi at tumango ako.

Parehas naman kaming napatingin ni Thirdy sa pinto ng bigla iyong malakas na bumukas. Niluha no'n si Kenneth at sa likod niya ay si Dylan.

"Oh ho~~ someone is in trouble." Bulong ko.

"What can i help, Kenneth?" Tanong ni Dylan.

"What can you help?" Sarkastikong paguulit ni Kenneth. "Makakatulong ka kapag sinabi mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Ken.

"What?" Naguguluhan na tanong ni Dylan.

"Ano pang nalalaman mo sa Supreme Owl Group?"

Nabitawan ko ang hawak na file ni Melli at napatitig sa likod ni Dylan.

"Why? Do they really exist?" Seryoso ding tanong ni Dylan at hindi nakasagot si Kenneth. Binigyan niya lang ito ng matatalim na titig.

"And if they really exist..." Sa isang iglap ay mabilis akong nasa tabi ni Dylan at inilagay ang braso ko sa balikat niya "what will you do?" Seryoso kong tanong at hindi siya naka-imik.

"Wala akong balak na masama sa University, i was just curious."

"Curiosity will kill you, Dylan Jameson. Kung ano man iyang kwentong nalalaman mo, siguraduhin mong walang ibang makakaalam." Seryoso kong sabi.

A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now