Enjoy reading!
Hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang nangyari sa amin ni Aiden kagabi. He did not stop last night until he was tired. Hinayaan ko siya.
Because I know in myself that I also like what happened. Kahit na pinagsisisihan ko na 'to ngayon.
Nakatingin lang ako sa kanya. Sinasamantala ang ang bawat minuto na tulog siya. Gusto kong maniwala. Gustong-gusto ko. Pero naroon pa rin ang takot. Takot ka baka isang araw malalaman ko na ginamit niya muli ako. Na niloko niya ulit ako.
At hindi ko alam kung makakaya ko pa. Agad kong pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi.
Bakit kasi kung kailan ako nagmamahal ng totoo 'tsaka naman ako lolokohin. Hindi ba pwedeng puro na lang saya?
"Good morning," napaiwas ako ng tingin nang nagmulat ang kanyang mga mata.
"Pauuwiin mo na ba ako?" Tanong ko. Napabuntong hininga siya.
"No. Dito ka lang." Sagot niya. Agad siyang bumangon. Samantalang ako ay nakahiga pa rin at tinitingnan siya habang pinupulot ang mga damit namin.
"Ilang taon kitang pinakawalan. That's enough. Nagsasayang lang tayo ng taon." Sabi niya. Nagsasayang ng taon? Naririnig niya ba ang mga sinasabi niya? Sino ba sa amin ang nagloko noon? Sino sa amin ang nagsayang ng ilang taon?
Dahil sa galit ko ay napabangon ako mula sa pagkakahiga. Binalot ko ang aking sarili sa kumot habang nakaupo sa kama.
"Sino ba sa atin ang nagsayang ng taon, Aiden? Sino ba sa atin ang nagloko?" Galit kong tanong.
"Kaya nga bumabawi ako ngayon, Anthonette. Hindi mo ba naiintindihan? I want to fix our relationship. Bilang mag-asawa. I want to prove to you now that I will never do that again." Sagot niya. Bibigyan ko ba siya ng isa pang pagkakataon? Susugal ba ulit ako? Handa na ba ako ulit?
"Hayaan mong iparamdam ko sa 'yo na mahal kita. More than anything I have, Anthonette. "He added.
"Just please, don't leave me again." Mahina niyang sabi.
I didn't answer. I don't know what to say. Naguguluhan ako. Agad akong tumayo at hinila ang kumot papunta sa banyo. Napasandal ako sa gilid habang hawak ang kumot na bumabalot sa aking katawan.
There is nothing wrong if I give him another chance. Kahit anong gawin ko ay asawa ko siya. Kasal kami. Magsisinungaling lang ako sa sarili ko kapag sinabi kong hindi ko na siya mahal.
Pagkatapos kong maghugas ng katawan ay agad akong lumabas ng banyo. Mabuti na lang at wala si Aiden sa kwarto. Dahil wala akong dalang tuwalya sa loob. Hubad akong pumasok sa walk-in closet. Agad akong naghanap ng pwede kong maisuot.
When I came out, I stopped because I saw him sitting on the bed while looking at me.
Pagkaraan ay nagpatuloy ako sa paglalakad."Hindi ka na magtuturo." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Hindi na ako magtuturo?
"Bakit mo pinapakialaman ang trabaho ko?" Galit kong tanong.
"Because I will not allow you to go back there. Dahil magkikita lang kayo ng lalaki mo." Mas lalo akong nagalit sa huli niyang sinabi.
Si Diether ba ang tinutukoy niya?
"Wala akong lalaki, Aiden. Sino ba sa atin ang nagloko? Hindi ba ikaw? You have another woman." Galit kong sagot. Tumahimik siya. Hindi na muling nagsalita.
Then I immediately walked out of the room. Dahil kung magtagal pa ako roon ay mas lalo lang akong magagalit sa kanya.
I was just at home all day. Hindi ako pinapayagan ni Aiden na lumabas man lang. Ano ako rito? Isang preso? Tapos siya ay umalis. Iniwan ako rito mag-isa.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
RomanceSa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang...