A Letter for Magenta

44 4 4
                                    

Dear Magenta,

Paano ko ba sisimulan? Hmm... Gusto ko naka-ngiti ka habang binabasa ito Mags. Pero alam ko namang impossible. Kasi for sure, simula pa lang umiiyak kana. I know you very well Mags. At siguro, habang binabasa mo ito, wala na ako.

Anyway, gusto ko lang mag-sorry sayo. Because I didn't say anything to you, pinaglihiman kita. Well, ayoko lang magdusa ka kagaya ko. You know me Mags, I'd rather hurt myself kesa ang ibang tao. Ayoko na ring paasahin ka. Stage 3 going to stage 4 na ang sakit kong brain cancer. Do you think, may pag-asa pa? Kung meron man, katiting na lang. Sa kabila naman ng pagkakaroon ko ng ganitong sakit, still thankful ako. Kahit papaano, naranasan kong mabuhay.

May gusto akong i-share sayo Mags. Naaalala mo nung, na-late ako sa meeting place natin? Dun sa may bench na malapit sa bahay natin. Ang idinahilan ko lang, may pinag-usapan kami saglit ni Mama. Pero ang totoo nyan, inatake ako ng sakit ko. To skip your questions, tinanong na lang kita kung aattend ka ng grad ball. Sabi mo, hindi na. Porket sinabi kong hindi na ako aattend, hindi ka na rin? So, I decided na kakausapin ko si Niko, yung crush mo, na i-date ka. Hindi naman ako nabigo at pumayag sya. At ang ending, masaya ka sa nangyari. Hindi ko makakalimutan ang ngiting iyon, habang nagkikwento ka. Naisip ko na, tama lang na ginawa ko yun. Kasi, last year na natin sa high school, hindi ka pa aattend dahil lang sakin? Nah, hindi ako ganun Mags. You know what, masaya ako kasi masaya ka sa ginawa ko.

Yun na siguro ang huling bagay na magagawa ko para sayo. Hindi ko na kasi kayang magsulat pa at i-share sayo lahat ng bagay na ginagawa ko para sayo. May taning na kasi ako Mags. Nararamdaman ko na kasi na malapit na. Na hanggang dito na lang talaga. Wala ng extention.

Feeling mo siguro iniwanan na lang kita bigla. Hindi Mags... I'm always here for you kahit anuman ang mangyari. Kahit mawala pa ako. Nasa tabi mo lang ako parati.

Mahal na mahal kita Mags... Babantayan kita palagi. Just always smile and be happy. Ayoko magpaalam sayo Mags. Alam mo na, tagabantay mo ako.

Sorry again Mags, for keeping everything from you. I hope, maiintindihan mo. Just don't forget me.

Your bestriend forever,
Humility/Yumi

P.S Happy birthday. Sinadya ko na, sa araw ng birthday mo ito mababasa. My last gift for you. I will miss you Mags...

A Letter for MagentaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon