Ayoko na talaga...[OneShot]

798 30 10
                                    

Nasasaktan nanaman ako.

Ako nanaman ba uunawa?

Mali bang hilingin ko na ako naman ang intindihin?

Masama bang Magtampo o magpalambing kahit isang beses lang?

Bakit maski hayaan ko nalang dahil wala din naman patutunguhan kung palalakihin ko pa ung issue eh nasasaktan pa rin ako?

Bakit feeling ko ako nanaman yung masama?

Bakit kahit gaano ko palawakin ung unawa ko, dun pa rin yung hantong ko? Ako pa rin ung kawawa...nasasaktan..

Bakit kasi umasa nanaman ako na okay na.

Bakit ganon? Parang feel ko napag iiwanan ako? Na nag iisa ako?

Porket di na ako kumibo, di na din ako kikibuin?

Pwede din bang magpreno sa pananalita? Tagustagusan.

Pwedeng pahinga muna sa sakit?

Pwedeng teka muna? Ha?

Alam mo yon, ansakit na kasi...

Nahihirapan din naman ako..

Sobra sobra na... As in...

Ambigat na ng nararamdaman ko .. wala pa man din akong mapagsabihan. :'(

Andrama? Bakit?

-------------------------------------------

Flashback....

"So, ano na? Magkwento ka na dalii! " atat na sabi ni grace kay lyn. Habang papalapit sa lugar ko dito sa park na tinatambayan namin lagi. lakas talaga /* ;oses ng ng yyn

"Ay. Pwedeng teka bes? Upo muna tayo? Haha. Atat much. " sabi ni lyn . Tumingin na ako sa gawi nila at kumaway nalng. kanina pa kasi ako dito naghihintay sa kanila habang nagbabasa ng wattpad . Haha.

"Eh, kasi naman. Sige na tara na.Halika na Upo ka na. pffft." Atat tong babaeng to, ano kaya topic nila.

"Ayaw." Sagot ni Lyn na pailing iling pa.

"Lyn..." pagtawag ni grace.

"Ayaw ko." Sagot ni lyn

"Dalii na. Grabe naman to." Pangungulit ni grace kay lyn. Ako? Still wapakels. Haha.

"Baka marinig niya" rinig kong sabi ni lyn kay grace habang ngumunguso sa direction ko. oooopsss. Ba't Ako nasali, aber?? Kunyari walang naririnig sa pinag uusapan dahil tutok na tutok ako sa pagwawattpad.

"Apu, hindi yan kita mong busy. Saka ano naman kung marinig niya?" Sabi naman ni grace

"Baka sabihin niya kay Iya." Sagot ni lyn.

BOOM!!! Haha. Kaya naman pala ayaw niya. Haha. Tungkol pala kay Iya. Psh----

"Sa tingin mo sasabihin niya?" Tanong ni grace. Ako naman si gaga nakinig padin maski nasaktan nanaman sa sinabi nya.
"Eh.... malay mo. Lagi niya nga kasama sa room. " ayan na! Ayoko na. Hindi na ako makikinig. Pinagpatuloy ko nalang ang pagwawattpad ko. Ansaket kase . tagustagusan naman yung pinagsasabi niya sakin. Porket nakakasama at nakakakwentuhan ko na si Iya sa room o sa school compound, hindi na siya magkwekwento ng hinanakit niya kay Iya saken?

Wag naman sanang ganun. Tapos ipapamukha pa sa akin na parang mas kakampihan ko pa si Iya?

Aba! Sino ba ang barkada ko? Siya naman eh. Iya is just a classmate and a friend to me. Siya, barkada ko ng tatlong taon, pang apat na ngayon tapos pagdududahan niya pa ako na gaganunin ko siya?. Masakit. Oo, masakit isipin na sa tatlong taon naming pagiging magkaibigan , may doubts pa siya sa pagsasabi ng secrets saakin. Masakit isipin na mas gugustuhin nalang nya na sabihin sa iba kesa saakin. Masakit din isipin na nadadamay pa ung ibang barkada ko sa hindi nya pagsasabi ng mga kwento dahil lang baka marinig ko. Eh aba, pwede niya naman sigurong sabihin sa akin na 'wait lang ha, may ikwekwento lang ako'. Andali lang naman sabihin non eh, maiintindihan ko naman. Ang hindi ko lang talaga maintindihan eh, bakit sa tatlong taon naming pagkakaibigan eh, ganyan pa rin ang tingin nya sa akin. Hindi ba dapat by this time eh kakaibang kilos ko lang eh alam nya na? Shet. Ansakit sa puso.

Hindi lang sa ganitong eksena ako nakaramdam ng ganito, ung iba pinapalampas ko nalang pero meron pang isa ....

"Maeg!" Tawag ni lyn sa classroom habang ako may ginagawa.

"...." ako naman deadma kasi nga busy ako.

"Maeg! " Rinig ko na pero deadma ult

"...." sinisigurado ko pa rin kung ako talaga

"Maeg!! " yan lilingon na ako .

"Oh?" Tanong ko na, kasi bastos na kung di ko pa papansinin.

"Peram ng notebook mo." Ay shet. Akala ko naman kuny ano, kaya pala kilala ulit ako. So ayun pinahiram ko na lang.

Ayan! saka lang ako kikibuin, tatawagin o kakausapin kapag may itatanong o may kailangan. Pagkatapos non wala na, stranger nalang ako. Tapos Porket hindi ko na kinibo , hindi na din ako kikibuin. Masama bang hintayin ko naman na sya ang unang kumibo sa akin tuwing magkikita kami? Kapag magsasalubong kami, kung hindi ako babatiin ng kasama nya hindi na din nya ako papansinin.

At eto talaga ang pinakamasaklap...

Na ung mas masaya pa daw siya sa friends nya sa loob ng room kesa samin na barkada niya. Na mas lagi daw siyang tumatawa at napapangiti tuwing nasa loob ng room. Shetness lang diba. Hindi man lang nya inisip na nasasaktan ako, kaming barkada niya sa binitawan nyang ganung salita. Aba! Nararamdaman na nga namin ma parang ayaw niyang kasama niya kami tapos magsasabi pa siya ng ganyan. Wag ganon. Masaket. Double kill na yon. Preno naman sana.

----------------

Hayyyy.... ano bang dapat ang gawin ko? Hindi ko na talaga alam, kung susuko na ba ako? Pero hindi nmn pwedeng isuko ko nalang ng ganun yung pagkakaibigan namin. Maski naman nababalewala ako lagi eh, mali pa rin na ganun din ang gawin ko. Pero kasi kung ganon at ganon na lagi ang gagawin nya , eh aba , maski mahirap, iiwas nalang ako.

Ayoko na talaga, give up na ako. Nasasaktan na ako ng sobra sobra, hindi nalang ako iimik baka hindi ako makapreno at sasabog nalang ung hinanakit ko tapos baka may masabi pa akong hindi maganda. Sawang sawa na ako sa trato nya saakin. Sobrang sobra na, tatanungin ko kung may problema ba, ayaw nya naman sabihin tapos malaman laman ko sa iba na may hinanakit siya, edi syempre iba ang impact non sakin, parang ang sama sama kong tao. I'm doing my best para hindi sa ganitong paraan mag end ang friendship namin pero wala eh, mukhang ayaw niya na talaga sa akin, as a friend. Masakit kasi ung feeling na she's treating me as a stranger everytime we see each other. Onti nalang madedepress na ako, ayaw kong mangyari yon kasi baka mabaliw pa ako . Hindi na nya ako pinapahalagahan sa pakikitungo palang sakin. Tagos tagos na ung sakit na nararamdaman ko this past few months. Iniignore ko na nga ung ibang trato nya saking di maganda eh, pero wala ganon pa din. Tama na siguro. I took too much effort pero siya mismo walang ginagawa o binibigay na onting effort. Siguro Goodbye friendship na...

-fin

***********************************

andrama ng OneShot ko na'to. Haha.

Thank you in advance sa mga nagbasa.

Feedbacks please.. Thank you ult.

Lovelots. :*

♥Den♥

Ayoko na talaga... [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon