CHAPTER 6
Makalipas ang isang buwan na pagsasama nila bilang live in partner, hinihintay pa rin ni Manuel ang salitang 'mahal kita' mula kay Shaira.
"Shaira, sana maka-kilala rin ako ng lalaking tulad ni Manuel. Iyong ililigtas din ako sa bus. Tapos ang gwapo rin, kamukha ni Superman!" kinikilig na bulong ni Sam habang nasa loob sila ng opisina. Pinagmasdan lang nila si Manuel na nagtatrabaho dahil inilipat ito pansamantala sa Salary and Benefits Division.
"Huwag ka ngang maingay!" asik ni Shaira.
"May kapatid, pinsan or any family na maganda rin ang lahi?" pangungulit ni Sam kay Shaira.
"Wala akong idea, wala siyang kinukwento sa akin."
"Really? Paano ka na in love sa kanya nang wala kang alam alam sa buhay niya?"
"Minsan talaga kahit hindi mo na alamin ang tunay sa likod ng pagkatao niya, kung naramdaman mong mahal mo siya wala ng tanong. Kahit na hindi ko pa siya sinabihan na mahal ko siya," sagot ni Shaira.
Patuloy na nagtawanan ang magkaibigan at napansin nilang nakatingin si Manuel. Casual ang turingan nilang dalawa sa trabaho. Napaka galing magtago ng dalawa pero minsan si Sam ang pahamak sa kanilang tatlo. Napagkamalan na rin baliko ang pagkalalaki ni Manuel dahil si Shaira at Sam ang tanging kasama niya.
"Babe bakla ka raw?" tanong ni Shaira habang kumakain ng ice cream ang tatlo.
"Kahit ano pa ang itawag nila, ang alam ko kasi mahal kita," aniya ni Manuel.
"Puta? Ano third wheel na lang ba ako? Hanap mo naman ako ng bebe, Manuel!" reklamo ni Sam.
"Sumakay ka ng G-Liner baka sakaling 'yong nang hold-up kay Shaira ang makakatuluyan mo," sarkastikong sinabi ni Manuel kay Sam.
Kinagabihan
Walang kasing saya si Shaira dahil sa lahat ng gig niya, suportado ang nobyo, ganoon din siya sa pag-drag racing ni Manuel.
"Kailan mo ako ipapakilala sa parents mo?" out of the blue question from Shaira.
Nakatambay ang dalawa sa labas ng sasakyan habang nagaganap ang drag racing. Sinundan ni Shaira ang kamay ni Manuel at tinuro ang bituin.
"That Three Bright Stars."
Naalis ang paningin ni Shaira sa bituin at nilingon niya ang malungkot na mga mata ni Manuel.
"That's my mom and dad. Ulila ako at bumangon mag-isa sa pait ng buhay."
"Bakit tatlo ang tinuturo mong bituin?"
"Ang tawag diyan, Winter Triangle or Three Bright Stars. Ang isa ikaw 'yon."
"Bakit ako? Buhay pa naman ako."
"Ako ang madilim na ulap habang kayo ng magulang ko ang nag silbing liwanag at gabay sa akin."
Hindi na iwasan ni Shaira na mapangiti at pakiramdam niya'y nabuhay ang katawan lupa.
"Kahit napaka dilim ng ulap, nagliliwanag dahil sa tatlong bituin na iyan."
"Bakit sila nawala?"
"Because of cancer. They made me realized that we should value our life, that every second is very important. We need to care less about nonsense things, Shaira. Especially if these will cause us sadness. Naging pabayang anak ako, naloko ako sa computer games, karera at pagmamahal sa unang babae na kinabaliwan ko. Hindi ko pinahahalagahan ang pinaghirapan ng magulang ko. I felt useless hinayaan ko silang mamatay nang hindi ko man lang sila binisita sa Amerika. Pinili kong maging ganito. Ang babaeng kinabaliwan ko, iniwan din ako. I think, 'yon ang karma ko dahil hindi ako naging mabuting anak. Nakakainggit kapag nakakakita ako ng kumpletong pamilya. Noon na sa akin ang lahat, pero bulag ako at hinayaan ko lang sila dahil alam ko lagi lang silang nandiyan. Hanggang sa isang iglap binawi lahat sa akin," lumuha si Manuel at yumuko.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...