Miracle's POV
"Miracle uso umupo! Liyong liyo na ko sa'yo! Kanina ka pa paikot-ikot diyan!" reklamo ni fressy.
Nandito kami ngayon sa park. Pinagtatalunan namin kung sino ba yung katabi ni lasenggo sa picture na nakita ko sa bar. Ang labo kasi ng mukha ng babae. Pero yung mukha ni lasenggo, SOBRANG LINAW!
"Fressy ano ka ba! Sobrang curious lang ako! Kahit naman sino na makakita ng ganung picture eh macucurious din!"
"Well, hindi ka mucurious kung hindi ka interesado"
Totoo naman kasi eh! Kung hindi nga lang mayabang si lasenggo ako na lang magtatanong kung sino ba yung katabi niya! Kaso huwag na! Baka bigyan niya pa ng malisya yung pagtatanong ko. Punong-puno pa man din yun ng hangin!
"Geez. I feel horrible" sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.
"Baka naman kasi si Trixie 'to? What do you think?" Sabay turo ko sa picture ng babae.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo Miracle na hindi yan si Trixie! Tingnan mo naman mabuti! Sexy yung nandiyan hindi payatot!" Napatawa ko sa sinabi ni fressy. Parang ipinapahiwatig niya na hindi sexy si Trixie! Oh poor Trixie! :(
"Pati alam mo para hindi ka maguluhan tanungin mo na si Zymon para hindi ka paikot-ikot diyan! Eh di nasagot niya na yung katanungan diyan sa isip mo! Pati ba naman kasi yan iniintindi mo pa! Malay mo naman, pinsan niya---o kamag anak niya!?" Pagdudugtong niya sa sinabi niya.
Hindi ko pinansin ang huling sentence na ipinahayag niya. Bakit nga ba sobrang curious ako dito? And besides, wala naman akong pake elam kay lasenggo?!
Ughh! Para bang may isang bagay na nagu-udyok sa akin upang gawin ang bagay na 'yon. Siguro naman hindi kamag anak ni lasenggo yung babaeng katabi niya sa litratong hawak ko kasi ang dating nila dito is...... mag girlfriend/boyfriend?!
"Alam mo naisip ko na din naman yun eh. Kaso hindi ko pa siya kayang harapin. Ayoko pa siyang makita o makausap. Siya kasi yung may kasalanan kung bakit ganun na yung tingin ng schoolmates natin sa akin" Paliwanag ko habang sinusuri ang picture. Parang may mali eh..... Yung katawan nung girl is parang kay----T. Whooops! Imposible. Ay ano ba! Ano ba tong pinagiisip ko!?
"Alam mo Miracle huwag mo nang titigan yang picture. Kung pumupunta na lang tayo kay lasenggo eh di sana, hindi na tayo nagaaksaya pa ng oras kakaisip sa ewan na katabi ng mokong na yun!" Nagulantang ako sa sinabi ni Fressy. Malalim ang iniisip ko hanggang sa ikabuturan ng utak ko! Para bang kilala ko ang babaeng katabi ni lasenggo kaso hindi ko maasure.
"Tingin mo ba sasabihin niya yun?" Tanong ko habang inaayos ang sarili.
"Oo naman! Ikaw pa! Malakas ka sa kanya ah!" Natatawa niyang sabi sa'kin. Akalain mo yun nagawa niya pang magbiro!
"Alam mo Twinkle nakakainis ka! Huwag mo nga kong ipagpilitan sa bakulaw na yun! Hinding hindi ako magkakagusto sa kaniya!"
Saad ko bago maglakad palayo. Naramdaman ko na sumusunod siya sa'kin.
"Fressy itatanong pa ba natin kay Zymon kung sino yang babae na nasa picture?"
Hindi ko siya pinansin at patuloy parin ako sa paglalakad ko. Pero patuloy parin ang pagsunod niya sakin!
"Fressy sorry na oh :( Fressy pansinin mo naman ako." For sure nakapout si Twinkle habang sinasabi yan. Sarap niyang paglaruan. Patuloy parin ako sa paglalakad.
Lakad....
Lakad...
Lakad...
"Waaaaaaah! Rapist! Fressy help me!" Narinig ko ang pagsigaw ni fressy kaya naman dali-dali akong tumakbo para tulungan siya. Pero nagulat ako kung sino ang nakita ko kundi si..... Anong ginagawa ng bakulaw na yan dito?
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, My Rival...
Teen FictionIt was too hard to live in a life that was full of hatreds and anger. Hindi mo mararamdaman ang tunay na kasiyahan. Because you spent all your time hating the person that was once betrayed you. Forgive? Too hard. Forget? I can't. Because of that on...