"Hi! Ako si Jake!"
Karamihan ng babae, unang napapansin yung mukha ng isang lalaki. Kung chinito ba, maputi o matangos ang ilong. Ang iba, sa katawan nila. Kung macho ba, kung ilan ang abs, six-pack o yung apat lang.
Pero pag nakilala nila ng mabuti, mas naiinlove sila sa ugali, yung creativity o kaya yung galing sa math o science. Yung iba naman, sa talent. Yung sa pagsayaw o sa pagkanta.
at sa pagkanta nya ako nahumaling.
Alam nyo yung boses na hindi nyo madescribe? Yung as in matutulala ka nalang at maiinlove sa boses nya. Yung tipong nakakapagrelax sayo. Yung tipong pampatulog mo. Yung tipong parang sandalan mo.
Tas sabayan pa ng malambing nyang katangian. Nakakalusaw. Feeling mo lumulutang ka. Cloud nine kumbaga.
Nakilala ko siya nun sa likod ng building namin. Kumakanta sya ng Drunk ni Ed Sheeran habang nakatungo at yakap yakap yung dalawang binti nya. Alam mo yun, yung parang batang nagmumukmok sa gilid.
"I know I'll never hold you like I used to." ♪♪
Bigla nyang tinaas yung mukha nya pero nakapikit parin. pero kahit ganun, nakita ko kung anong itsura nya.
"Hmm, gwapo. not bad."
Yan ang pumasok sa isip ko ng nakita ko sya. Pero nagulat ako ng narinig ko ang boses nya.
"Maybe I'll get drunk again. I'll be drunk again." ♪♪
Shocks. Nakakainlove.
Tas napatingin sya sakin. Pareho kaming nagulat.
Paano ba naman kasi, nahuli ko syang umiiyak habang kumakanta.
"Uhm. S-sorry. Naistorbo ata kita."
Biglang nagbago ang expression nya at pinunasan yung luha nya. Ngumiti sya sakin.
"Hi! Ako nga pala si Jake!"
Nagusap kami dun at parang komportable na ko sa kanya. Broken pala sya nun. Napagusapan din namin yung idol namin si Ed Sheeran. Palagi kaming naguusap dun sa lugar na yun at dun din kami nagkikita tuwing may break o tapos na ang klase namin. Naging close kaming magkaibigan. At di naglaon, naging magkasintahan.
Masaya na kami nun e. Ang saya saya namin. Kahit na minsan, nagkakaproblema, pero normal naman yun sa magkasintahan. Palagi nya akong kinakantahan nun. Kahit magkausap lang kami sa phone. Nagsave nga rin sya ng record ng kanta nya sa phone ko. Kahit yung Drunk ni Ed Sheeran, sinama nya.
Umabot kami ng 4th anniversary. Mag 5th anniversary na sana kaso...
"Hi! Ako si Jake! Busy ako ngayon pero don't worry, tatawagan nalang kita. Talk to you later! Beep."
"Hi! Ako si Jake! Busy ako ngayon pero don't worry, tatawagan nalang kita. Talk to you later! Beep."
"Hi! Ako si Jake! Busy ako ngayon pero don't worry, tatawagan nalang kita. Talk to you later! Beep."
pinatugtog ko nalang yung Drunk na kinanta nya sa phone ko. Andito ako ngayon sa hintayan namin, sa likod ng building ko. Nagbabakasaling dumating sya.
Binasa ko yung hawak hawak kong papel. Kesa naman tawagan ko yung phone nya, Alam ko naman na hindi na sya sasagot.
Hindi ko napigilan at lumabas yung luha ko. Bakit? Bakit kailangan pang mangyari yun? Kung kelan ang saya saya namin, ang saya saya ko na, tsaka pa mangyayari to. Nakakaasar. Nakakabadtrip na tadhana.
Namimiss ko na sya. Namimiss ko na pakinggan yung boses nya.
"You don't hold me anymore..." ♪♪
Binasa ko yung headline na nakasulat sa papel na hawak ko.
"A 21 year old young man died in a car accident."
patuloy paring tumutugtog yung kanta na kinanta nya habang patuloy din ang pag-agos ng luha ko.
Bakit? Bakit...
Napapikit nalang ako sa sobrang sakit.
"All by myself, I'm here again, all by myself." ♪♪
Bigla akong napatingin sa gilid ko ng may narinig akong kaluskos.
"Ay sorry, naistorbo ata kita."
Pinunasan ko bigla ang luha ko.
"I'm just drunk again, I'll be drunk again. I'll be drunk again."♪♪
"Hi. Ako nga pala si Jake!" sabi ng lalaki sabay abot ng kamay nya.
Nagulat ako, dahil sa kapangalan nya yung boyfriend ko at
Kaboses nya ito.
"To feel a little love... " ♪♪
~
[A/N:] Nainspire ako dun sa depressing comic 3 ng cyanide and happiness e.So ayun, enjoy reading.