Hindi pa rin kami nagkikita at nagkakausap ni Wess. 2 days na. Kahit noong gabi ng sayawan, hindi siya pumunta. Galit pa rin ba sya sa akin? Siya pa talaga ang may karapatang magalit?
Sabi ni manang Salud, araw araw daw pumapasok si Wess sa kumpanya. Pero late daw umuuwi. Actually, kailangan ko syang maka-usap, kasi yayayain ko sya sa sayawan.
Sigi na ako na ang magbababa ng pride. Kasi siya ang gusto kong makasayaw, siya ang gusto kong date.
"Uy Ava, late na hindi ka pa ba uuwi?"
"Umm manang wala naman po akong pasok bukas, tutulong na rin po akong maglinis."
"Ay sigi sigi. Tamang tama linisin mo ang kwarto ni Señorito. Alam mo naman iyon ayaw magpapasok ng ibang tao sa kwarto niya."
"Sigi po manang."
Doon ko na din sya hihintayin. Wala pang 15 minutes na naglilinis ako nang narinig ko ang kotse ni Wess. Patuloy pa rin ako sa paglilinis.
"Woah. Adrianne, bakit ka nandito gabi na."
"Naglinis lang ako kwarto mo. Matagal tagal na kasi nung huli akong naglinis"
"Oh ok. Sigi bababa muna ako."
"Uhm, Wess, pwede ba tayong mag-usap?"
"Ok, what do you want Adrianne? May kailangan ka ba?"
"Galit ka pa ba sa akin Wess?"
"If it is about the last time, no hindi na ako galit"
"Kahit na late na, I want to say sorry. Alam kong nagkamali ako. Tama ka naman, nag-over react ako. Natakot kasi ako nung hindi ka sumagot. I'm really sorry kasi nasigawan kita."
Hindi siya sumagot after ng litanya ko. Lumapit ako. I tried to hug him. Well friends naman kami. Pero umiwas siya. Nasaktan ako doon.
"It's ok Ianne. Naintindihan ko. I'm sorry din kung nasigawan kita. Mainit lang ang ulo ko noon. Tsaka pagod kasi ako noon."
Tumalikod na siya sa akin. I chased him and hold his hands.
"Uhm, Wess, magkaibigan pa rin naman tayo right. In any chance, may gaganapin kasing ball after graduation, pwede bang ikaw ang date ko?"
Kakapalan ko na ang mukha ko.
"Uhm Ianne sigurado ka bang ako ang gusto mong date?"
Napangiti ako parang bumalik na ang dating Wess na kilala ko. Nakangiti kasi siya sa akin
"Oo naman. Ikaw lang ang gusto kong date. Tsaka kasi baka nandoon si Rain tapos diba ipinakilala mo akong girpfriend mo?"
"Ianne, something happenes kasi. Mikaella asked me to be his date. Hindi ko sya natanggihan."
Hindi natanggihan? Haha. Ang sakit. Doble dobleng sakit na ang nakuha ko ngayong araw ah.
"Alam mong ikaw ang magiging date ko sa ball. Kaso ikaw naman mismo ang nagsabi na boyfriend kita kay Rain diba? So ineexpect ko na gusto mo rin akong date."
"I'm sorry Ianne alam kong ako ang may kasalanan, pero intindihin mo naman. I fell in love with Mikaella the first time I saw her. I am pursuing her now. Ano na lang ang sasabihin niya kung ikaw ang date ko?"
"Ok sigi naiintindihan ko. Ok lang."
Umiiyak ako. Hindi ko kasi mapigil. Niyakap niya ako. I feel pathetic.
"I'm really sorry Ianne. Promise babawi ako. Wag ka nang umiyak. Hindi lang talaga pwede ngayon."
Dumating na ang araw ng graduation. Si nanay, si manang Salud at si Lerine ang pumunta sa graduation ko. Ang saya saya ni nanay, halatang proud na proud siya sa akin. Ganoon din naman ang itsura nila manang.
BINABASA MO ANG
Next to you
Fiksi Umum"Damn you Ianne. You b*itch. You f*cking, gold-digging whore!" Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sigaw ni Wess "Tama sila, I should've never trusted you. Hindi dapat kita kinaibigan. Ikaw pa Ianne, ikaw pa na...