Malabo at liwanag pa lamang ang bumabalot sa paningin ng pakurap-kurap na si Pipe. Kaya nang makaaninag siya ng hubog ng ulo ng isang tao, walang anu-ano ay dinakma niya ang braso nito.
Ikinagitla naman ni Ibe ang biglaang pagsakmal ng isang kamay sa kaniyang pulserasan. Kinutuban na ito at bumilis ang pagkabog ng dibdib.
Huminga ito ng malalim at bumanghay na ng gagawin at sasabihin sa segundong makaharap niya ito.
Gulong-gulo na siya at nagkandahalo-halo na sa kaniyang isipan ang mga salitang nais niyang sambitin kay Pipe na kaniya pang inensayo buhat noong nawalan ito ng malay. Yamang ito rin ang unang pagkakataon na hihingi siya ng tawad sa isang taong ginawan niya ng kapilyuhan.
Humarap na ito ng utay-utay at ipinagbahala na lamang ang susunod na mangyayari. Subali't nagtaka si Ibe dahil wala itong naging reaksyon kundi ang kumurap ng kumurap na tila may inaaninag kaya't pinukaw-pukaw niya ito at tinawag-tawag kasama si Yna na napangiti na lang dahil sa paggising at pagbalik ng malay ng kaibigan.
Kada segundong dumadaan, unti-unti ng lumilinaw ang paningin ni Pipe. Marahan na ding nagiging depinido at malinaw ang lahat pati na rin ang wangis na nakatitig sa taluktok ng kaniyang mukha na tila hinihintay siyang dumilat.
Hindi din nagtagal ay tuluyan na ngang bumalik ang kalinawan ng paningin ni Pipe at nang makita niyang si Ibe ang nakadungaw sa kaniya, mapuwersa niya itong tinulak papalayo na parang walang iniindang sakit.
"I'm so—"
"Get out!" nangangalit na tono ng boses ni Pipe, tinignan ng nanlilisik na mata at sabay itinuro ang pintuan.
Hindi na bago kay Ibe ang tulakan sapagka't nasangkot na rin ito sa iilang basag-ulo at away ngunit sa pagkakataong ito, kakaiba ang kaniyang nararamdaman. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya kung gaano kakirot ang ipagtabuyan. Mababasa sa pamamagitan lamang ng mata ni Ibe ang hiyang nararamdaman.
"I'm really so—" hindi na bale kung anong isipin ni Pipe tungkol sa kaniya sapagkat ang tanging inaalala lamang ni Ibe ngayon ay kung paano siya makakahingi ng tawad sa nagawang kasalanan.
"Get! Out!" bumulusok pa lalo sa galit si Pipe dahil parang nagbibingi-bingihan ito at hindi sumusunod sa kaniya.
"Pipe...Calm down." hinimas-himas ni Yna ang likod ni Pipe upang mapahinahon ito, "Try to listen. Let him speak kahit ilang minuto lang." malumanay na suhestiyon ni Yna.
"NO!" mariing tugon at paninindigan ni Pipe.
"Listen to me first." mahinay na mungkahi ni Ibe.
"Bigyan mo ako ng isang tamang dahilan sa ginawa mong kabobohan." panandaliang natahimik ang silid nang hindi nakakibo si Ibe, "Di'ba wala!" inigtingan pa ang tingin sa kausap, "Tama na! Tama na, Ibe!" nagsimula ng mag-salungat ang mga kilay ni Pipe samantalang taimtim at hindi pa rin umiimik si Ibe, "Simula ng dumating ka sa buhay ko...gumulo na lahat—Ginulo mo ang buhay ko!" nagsisimula ng sumibol ang luha sa dalawang mata ni Pipe, "Muntik na akong mawalan ng scholarship dahil sayo! Tapos ngayon...muntikan na akong mamatay ng dahil pa rin sayo!" namumuo na ang luha sa tagiliran ng mata ni Pipe, "Ayaw ko na ng kayabangan mo. Ayaw ko na ng mga isip-batang laro mo. At higit sa lahat–––ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo. Kaya Ibe, please! Umalis ka na, lumayo ka na and disappear in my life!" nakasapo pa rin ang namumuong luha sa kaniyang mga mata na sa iilang kurap lang ay papatak na ngunit heto siya, pitis na pitis pa din ang tingin sa seryosong mata ni Ibe, "Now, leave." mabining mando ni Pipe ngunit pinanglilisikan pa din ng mata si Ibe.
"Can you liste—"
"I said lea—–" hindi kaginsa-ginsang nanginig ang buong katawan ni Pipe.
Sa kaniyang muling pagkahiga, kaayon nito ang pagpatak ng luha niya na dumaosdus sa kaniyang mukha.
Kasabay din ng pangangaligkig ni Pipe ay siya ding pagdating ng dalawa pang kaibigan nito na si Micah at Keith na may dalang hapunan.
Sukdulan ang pagkabigla ng dalawa sa nadatnan kaya't nabitawan at naihulog nila ang dalang hapunan na kanila sanang pagsasaluhan sa gabing iyon.
Tumakbo agad si Micah papalit sa lamesa na nasa gilid ng kama ni Pipe at kagyat na niyang tinawagan ang doktor sa telepono upang humingi ng tulong. Nataranta naman si Yna at pilit na pinapakalma si Pipe. Samantala, si Ibe naman ang agad na nakita ni Keith at napagbuntungan ng galit. Susungaban niya na sana ito ng mabigat na kamao ngunit—
"Tumigil nga kayo!" pumagitna si Yna upang awatin ang dalawa.
"Pasalamat ka!" pagtitimping gigil ni Keith.
Wala pang minuto ay nakarating na ang nagmamadaling doktor.
"Ma'am, Sir? Labas po muna tayo." sambit ng nars habang tarantang-taranta at hindi mapakali ang magkakaibigan pati na rin si Ibe na hindi magkandamaliw sa pag-aalala.
Nangurus si Ibe at sumamo't dumalangin sa Panginoon. Ito ang mabuting gawi at kalakasan ni Ibe na bihira mo lang makikita sa ibang nakararangya sa buhay. Ang pananalangin. Dahil magbuhat noong pagkabata niya, bibihira lamang niyang makasama ang mga magulang dahil masyado silang abala sa pagpapalago ng negosyo na nagiging dahilan ng kaniyang pag-iisa at pagkalumbay. Ang Panginoong Diyos ang kaniyang nagiging kaibigan, magulang, sandigan at takbuhan sa tuwing namamanglaw at naghahanap ng makaka-usap.
Nang makita ng magkakatukayo si Ibe, ipinagsantabi muna nila ang imbot na nararamdaman at sinabayan na lamang nila ito sa pagdarasal dahil sa kasalukuyang nangyayari, yaon lamang ang kanilang maaring magawa at maitulong.
Samantala sa loob ng ICU, patuloy pa rin ang paglaban ng doktor upang mapagtagumpayan na madugtungan ang hininga at buhay ni Pipe.
"50 Joules!" mando niya sa kasamang mediko, "Pump!"
Kumakalabog ang kama dahil sa malakas na pagbagsak ng likuran at katawan ni Pipe.
Ginanapan ulit ng matindi at mabilis na Chest Compression ang gitnang dibdib ng pasyente. Kailangang maka-tatlumpung bomba ang mediko sa tantiyang isangdaan kada minuto. Full chest recoils allows the heart's chamber to re-fill with blood in between each compression.
Ngunit habang bumibilis ang pagbobomba, ganoon din kabilis ang pagbagal at pagbawas ng pulso ni Pipe.
Pagkalingon ng doktor sa Vital Sign Monitor, unti-unti ng nagbabadya ang kurba ng linya hanggang sa—
~Inggg! Inggg! Inggg!~ tunog ng aparato.
Nagpatuloy pa rin at dinoblehan ang bilis sa pagdiin ng dibdib ng pasyente ngunit sa patuloy na paglaban ng mediko, tumyak na ang doktor na hindi na lumalaban ang katawan ni Pipe.
"That's enough." wika ng doktor na nagpatigil sa pagbobomba ng kasamang mediko.
Naging mistulang liblib at tagong lugar ang silid dahil sa katahimikan at ang tanging naririnig lamang ay ang hindi tumitigil na alingawngaw ng kasangkapan.
Tumingin na ang doktor sa kaniyang relos at nagpahayag na—
"Time of Death, Seve—" naudlot sa hindi inaasahang pangyayari.
JEDZUUUHMATIC
BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...