Chapter 8- Gone too soon

732 61 23
                                    


Chapter 8

Tawang tawa ang dalawa na nakasandal sa labas ng kotse habang kumakain. 

"Tinapon mo 'yong dalawang libo mo para sa pag multa natin sa speed limit?" masayang sinabi ni Manuel. 

"Sa’yo ko natutunan 'yan. Sumubok at sulitin ang bawat oras," sagot ni Shaira. 

"Thank you for making me feel alive every day,

Shai," wika ni Manuel pagkatapos kumagat sa pagkain ni Shaira.

"Lion share ka talaga! Inubos mo na naman ang pagkain ko!"

Inabot na ng madaling araw ang dalawa nang makauwi kung kaya't pareho silang inaantok sa trabaho. 

Kinabukasan

"Shaira." 

Nakita niyang lumapit ang lalaki sa kanya at mukhang malungkot. 

"Bakit?"

"Ililipat na ako ng department." 

"Ha? Bakit?" pagtataka ni Shaira. 

"Shai, syempre kalat na na mag-on kayo ni Manuel!" pagsingit ni Sam. 

"Saan ka lilipat?" 

"Admin, sa ibaba lang naman. Open your email everyday," kumindat si Manuel kay Shaira.

"Aba'y paghihiwalay muna natin ang love birds!" giit ni Cynthia pati ang mga katrabaho nito. 

Habang nagliligpit si Manuel, naka nguso si Shaira habang pinagmamasdan ang nobyong inaayos ang gamit. 

"Ito idikit mo sa computer mo. Natuwa ako sa inyong dalawa noong araw na iyan,” giit ni Sat at inabot kay Shair ang stollen shot picture nila.

"Miss ko na siya." 

“Oa ka? Magkasama kayo sa bahay haler?”

“Live in na kayo?” bulalas ni Cynthia sa dalawang naguusap. 

Hindi nakakibo si Shaira at yumuko na lang sa kahihiyan. Kung dati na palagi siyang tutok sa trabaho, ngayon na masaya silang nakahanap na ng pag-ibig si Shaira. Malaki rin ang tulong ni Manuel kay Shaira, kahit papaano ay natuto rin siyang makihalubilo sa ibang katrabaho.

Matapos ang pagta-trabaho nila, balik sa bahay ang dalawa.

"Manuel date na tayo." 

"Shai inaantok ako." 

"Date na tayo kahit naka pantulog lang." 

"Babe, buka

Padabog na humiga si Shaira at tinalikuran ang lalaki dahil nakakaramdam siya ng gutom. Ilang segundong tahimik ang dalawa pagkatapos ay biglang kumakalam ang sikmura ni Shaira. Napabuntong hininga si Manuel at minulat ang mga mata. 

"Hay, tara na nga," saad ni Manuel at bumangon para kunin ang susi. 

"Sabi na,hindi mo ako matitiis!" 

Maliksing sumakay ng sasakyan si Shaira at si Manuel na walang kibo. Nag-sila ng nakapantulog. Hindi pizza ang nais bilhin ni manuel kung hindi ang 24 hours tapsilogan. Habang naghihintay si Shaira, hindi niya maiwasan na tumingin kay Manuel. Magulo ang buhok at parang takas ng kama.

"Bakit ka nakatingin?" masungit na tanong ni Manuel. 

"Why do birds suddenly appear, Manuel?” nakakalokong ngiti ni Shaira habag pumipito.

"Pag uwi bibigyan kita ng Ibon na hindi mo malilimutan." 

Ilang sandali at dumating ang kanilang order.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon