KABANATA: 08

1.2K 47 11
                                    

"Let's staaaart the paaaarty!!!" malakas na sigaw ni Clariz kaya nagsimula na ring mag-ingay ang buong klase.

Napaka-sakit talaga sa tainga nitong babaeng 'to!

"Sabay-sabay natin buksan yung mga gifts natin. Paikot tayo, dali!" ani John saka kami sinenyasan na mag-form ng circle.

Pumwesto kami sa lapag habang nakapa-ikot sa isa't isa. Katabi ko si Ethan sa Kanan at sa kaliwa naman si Clariz.

Simpleng sumulyap ako sa hawak na regalo ni Ethan. Hindi niya pa rin alam na ako ang nagbigay ng mga regalo sa kanya dahil patago namin inilagay sa ibabaw ng lamesa ang mga gifts with our given codenames. Pare-parehas rin kami ng ginamit na gift wrapper para no clues.

Napatingin din ako sa hawak kong regalo. Ano kaya ito? Since the first day of our so-called monito-monitas, I received so much effort from my monito. Ang gaganda lagi ng mga ibinibigay niya sa akin.

Nakuha ko sa 'Something funny' ay dalawang Humor genre books. Tuwang tuwa ako nang matanggap ko 'yon, I really really love reading!

Nakuha ko naman sa' Something Naughty' ay isang Lingerie set from Victoria's Secret. Panay pa nga ang asar sa akin ni Clariz nung nabuksan ko 'yon. Halos mamula ang mukha ko dahil sa hiya pero tuwang tuwa ako dahil gustong gusto ko rin naman talaga iyon.

Sigurado akong lalaki ang nakabunot sa akin dahil ayun ang usapan pero hindi ko sure kung sino mismo ang monito ko.


Ano kayang nasa isip niya para bigyan ako ng ganoong bagay?

"Excited na ako sa matatanggap mo." bulong ni Clariz sa tabi ko.

Mas excited pa siya sa matatanggap ko everytime na nag-oopen kami ng gifts kesa sa matatanggap niya. This will be the last gift na matatanggap namin dahil ngayon ang mismong araw ng party namin sa klase then mamayang gabi buong school ang makakasama namin.

"Open na!" sigaw ni John kaya dali dali naming binuksan ang regalong natanggap namin.

Something useful...

Wow.

"Sana all."

"Sabi ko na maganda nanaman makukuha niya eh."

"Naol, President!!!"

"Waaaah, girl!!! Sana all nga!!" malakas na tili ni Clariz sa tabi ko.

Nakatingin lang ako sa regalong natanggap ko. Napatingin ako sa pwesto ni Sir Daniel at tanging tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.

I knew it.

"Penge isa." akmang kukunin ni Clariz ang isang piraso ng lipsticks pero agad ko itong inilayo sa kanya, "Damot." nakangusong sabi niya.

"Mine, Only." I said making faces but she just mocked me.

It's a Kylie Matte Lipsticks.

I love it!!!

"Cool. I like this, I wonder who gave it." napalingon ako kay Ethan na nasa tabi ko. Binuksan niya na rin ang regalong hawak niya.

It's a Sketch book, and a Sketching pencils. Alam ko kasing mahilig siyang mag-drawing kaya ayun ang naisipan kong ibigay sa kanya.

"Good to know." mahinang sabi ko kaya napatingin siya sa akin na may nanlalaking mata, "Yan ang naisipan kong ibigay sayo since alam kong mahilig kang mag-sketch."

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon