It’s your 9th anniversary pero biglang nagtext sayo ang boyfriend mo saying, “Hey! Let’s break up!”
-----------------
“Good morning, baby!” Masayang bati ko kay Venus, ang Siberian Husky puppy na bigay sa akin ng boyfriend kong si Harvey. “9th anniversary na naming ng daddy mo, baby. ‘Di ko akalain na tatagal kami ng ganito, baby Venus.” Dagdag ko at niyakap si Venus.
*Wifey, you have a text message!
Wifey, you have a text message!*
That’s my ringtone, recorded voice ni hubby ko. Hehe. Tiningnan ko kung sino ang nagtext at nung nakita ko kung sino ay ang lawak ng ngiti ko.
From: Hubby <3
Hey! Let’s break up!
Ang malawak na ngiti ko ay nawala at napalitan ng lungkot at iyak.
“Are you okay, ate?” Tanong ng kapatid kong si Snow pagkaupo ko.
“Y-yeah.” Wala sa mood na sagot ko.
“No you’re not! Look at your eyes, halatang galing ka sa pag-iyak.” Sagot niya.
“Ate, Kuya Harvey called us, break na daw kayo.” Sambit ng kadarating lang na si Winter, kambal ni Snow.
“Sino ang nagbreak?” Tanong ng kapapasok lang sa dining room na sina mommy at daddy.
“Break na ba kayo ng businessman mong boyfriend, Snow?” Tanong ni mommy.
“No, and walang break na magaganap sa amin. Our relationship is getting stronger every day.” Sagot ni Snow.
“That means break na si Winter at ang gangster niyang boyfriend?” Tanong naman ni daddy.
“Dad! How many times do I have to tell you na he is not a gangster, he is a multi-billionaire! And it seems that you have forgotten that we will get married next year, daddy.” Sagot ni Winter.
Ako nga pala si Spring Villafuente, 24 years old, and a famous fashion designer and lawyer. Supposedly ay 9th anniversary namin ngayon ni Harvey, pero wala eh. We were 14 years old back then when he started courting me. My parents and his parents were best of friends kaya noong nalaman nila iyong balita ay sobra sobra ang suporta nila, they kept on telling me na sagutin ko na daw si Harvey. After a year ay sinagot ko siya, tuwang-tuwa ang lahat to the point na nagpaparty pa ang parents namin.
I still remember ‘yung conversation namin ni daddy the day before I give Harvey my sweet ‘yes’.
“Dad, bakit po sobrang gusto mo si Harvey para sa akin?”
“Because I know that he can make you happy, sweetie. And I know how much he loves and respects you.”
“But what if .. let’s say that I answered him and he made me cry?”
“In a relationship, you can’t avoid the fights and misunderstandings, sweetie. Sometimes those arguments make the relationship stronger, and you can learn from it.”
During those years of us being together, we argue a lot, there’s no single day na hindi kami magsumbatan dahil lang sa selos pero at the end of the day ay magbabati din kami. Pero sa lahat ng pag-aaway naming, iisa lang ang pinakaespesyal sa akin.