Bela's POV
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa nakanselang kasal nina Alizanabelle at Badr-al-Din pero sigurado akong hindi si Jackson ang dahilan no'n.
Ngayon nga'y kaunti na lamang ang naiwan na bisita sa mansion at pauwi na rin ang mga Castillo nang maisipan kong pigilan sa pag-alis si Justine Ace. Pagkalapit ko sa kaniya ay kami ang sunod na naging center of attraction.
"Do you have a sec.?"
Umakto naman na siya nang paghubad sa nakasuot na helmet at sunod na binalingan ng tingin si Felix na nakaangkas sa motor niya. "Tito, sumakay ka na lang sa kotse ni Charles. Mauna na kayo umuwi."
Mukhang naunawaan naman nila ang ibig kong sabihin. Mabuti na lang hindi slow thinker ang tito Felix niya dahil kaagad din nitong hinubad ang nasuot na helmet at walang angal na bumaba sa motor. Inabot nito sa 'kin ang sinuot na helmet at kaagad din lumakad palayo.
"I'm just asking for a moment, parang expected mong matatagalan ang pag-uusap natin, ha!"
"Nakakabitin kasi 'yong mga alak dito. Parang gusto ko pa uminom," paliwanag muna niya saka muling sumakay sa motor. Sinimulan niyang paandarin ang makina. "Tara!"
Kibit ang balikat naman akong sumakay at inayos ang pagsusuot sa helmet. Bago kami umalis ay nakita ko sa side mirror na nakatingin mula sa hindi kalayuan si Alizanabelle. Nagkatitigan pa nga kami, eh.
Ang totoo, hindi naman talaga kami close ni Justine Ace. Actually ito pa nga yata ang unang beses na hindi kami nagtalo bago may napagkasunduang desisyon.
Ilang sandali lamang ay nakarating kami sa pinakamalapit na Padiz Point Bar. Naupo kami sa tapat ng counter's area at um-order siya ng napakaraming shot glasses. Kung ano-anong klase ng hard alcohol ang iniinom niya samantalang ako ay patungga-tungga lang sa hawak na beer in can.
Mahigit isang oras na rin kaming nandito. Tahimik lamang kami't walang pansinan habang pinapakinggan ang dagundong ng live bands at mga mashed up soundtracks sa dance floor.
"I want her back," mayamaya'y sambit niya.
Napatingin ako sa kaniya kaya kaagad rin nag-sync in sa 'kin kung ano at sino ang tinutukoy niya.
"Kahit may anak siya sa pagkadalaga?" tanong ko na lamang.
"Kahit ilan pa."
"Kahit siya ang dahilan kung bakit namatay ang Papa mo?"
"Napatawad ko na siya."
"Paano kung hindi 'yon ang gusto niyang mangyari?"
"Manliligaw uli ako," paninidigan niya at muling tinungga ang baso. "Kung kinakailangan ko siyang ligawan araw-araw ay gagawin ko."
"How sure are you na sasagutin ka na niya this time?" I asked to test his determination.
"Those words in her recorder say how much she loved me since then."
Huh? Medyo weird.
Inabot niya sa 'kin ang glow in the dark star-thingy na kinuha mula sa bulsa ng jacket niya. "Pakibalik na lang kay Aliz pagkauwi mo mamaya."
Curiosity ang nagtulak sa 'kin para kilatisin ang hawak na kung anong star while visualizing each edge into a form of something like Flashdrive. Diniinan ko ang pagkakahawak dito kaya ikinagulat ko ang biglang pag-blink ng LED nito kasabay ang malakas na buzz sound. Malinaw na may kung ano-anong letters na nag-appear sa micro screen nito na hindi ko napansin kanina... Parang may nagsasalita sa device kaso hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...