Justine Ace's POV
Habang palapit ako sa sementeryo ay mas lalong tumitindi ang pagnanasa ko makita si Aliz...
Subalit nang makarating sa kalagitnaan ng pagmamaneho ay muli ko na naman naranasan ang panlalabo ng paningin. Dulot nang pag-ulan ay hindi ko gaanong maaninagan ang mga rumaragasang sasakyan, lalo na ang pag-o-over take ng taxi sa gasoline station. Iiwasan ko sana ngunit sa pag-iwas kong iyon ay isang kotse naman ang nawalan ng preno at ito ang kumaladkad sa 'kin...
Napakabilis nang mga sumunod na pangyayari basta namalayan ko na lang nakahandusay na 'ko sa sahig. Kung kani-kaninong boses ang mga naririnig ko at parang bigla na lamang sumulpot si Papa sa harap ko.
Kasagsagan ang bagyo nang atakihin si Papa ng Ulcer kaya kahit wala pa akong Driver's license ay pinagmaneho ko siya ng motor para lamang makarating sa hospital.
Palibhasa madulas ang kalsada kaya kailangan ko bagalan ang pagpapatakbo at kung mamalasin ay inabot pa ako ng 'stop' sa pinakahuling stop light bago makatawid sa area ng Castellar Medical Hospital.
Mula sa kabilang sidewalk ay nakita ko ang susuray-suray na babaeng may hawak na bote ng alak at sa likod nito'y isang itim na kotse ang nakabuntot.
Nang mag-go sa stop light ay paaandarin ko na sana ang motor ngunit biglang tumawid ang babae at kitang-kita ko kung paano ito kamuntikan mabundol nang pa-u-turn na taxi pero sa halip ay mabilis na humarang ang itim na kotse kaya doon bumangga ang taxi.
Sa sobrang lakas ng impact ay tumilapon ang taxi samantalang nagpaikot-ikot naman ang kotse sa gitna ng kalsada hanggang mapadpad sa direksyon namin at laking gulat ko na lang nang bigla kaming kaladkarin.
Masyado naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari... Pagkadilat ko ay puro apoy na sa paligid. Nagsisigawan ang mga tao.
Si papa ang una kong hinanap at nang makita ko siya'y halos maligo na siya sa dugo. Sinubukan ko siya gisingin pero ayaw niyang dumilat.
Nakarinig ako nang malakas na pagsabog mula sa kung saan. Kasunod no'n ang pagpupumilit na lumubosob sa apoy ng babae kanina at sa tagpong ito'y pinipigilan na ito ng isang lalake.
"Aliz, pabayaan mo na ang mga pulis sa paghahanap sa mommy mo. Umalis na tayo rito."
"Badr-al-Din, bitawan mo ako! Mommy! Mommy! Mommy sumagot ka! Mommy!"
Bela's POV
"Who would have thought that our happily ever after is gonna be this epic?" Alizanabelle wonders on a blank expression.
Kanina lang ay halos magwala siya habang nagpupumilit na makapasok sa loob ng Operating Room kung saan kasalukuyang inooperahan si Justine Ace.
"Ilang beses n'ya pa ba 'ko i-indian-in sa meeting place namin?"
"Sis, isipin mo na para lang 'yan paggawa ng novel," wari'y hinawakan ko siya sa kamay. "Let's say, you're now reaching the climax and facing the twists of this chapter. Take a look at the brighter side of your plot that always has an effective resolution," me trying to calm her.
"I hope so," she sobs.
"Don't lose hope, Sis," pagkasabi'y binigyan ko rin siya nang isang napakalaking ngiti as a sign that everything is gonna be alright, "Bilang Writer ng sarili mong buhay, kailangan mo rin maniwala na hindi lamang sa mga libro nag-e-exist ang happy ending. You guys can live happily ever after too."
Napaismid lamang siya sa mga sinabi kong iyon.
"Excuse me." sabat naman ni Felix pagkalapit sa 'min, "Zanabelle, i-ikaw na sana ang bahala rito." inabot nito ang pinapanoorang cellphone kanina saka mabilis na lumayo.
Bumalik ito sa mga kamag-anak na katulad namin ay sobrang nag-aalala sa tapat ng Operating Room.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Dla nastolatkówWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...