Alizanabelle's POV
Mahimbing na natutulog si Ace sa kaniyang kama.
Tatlong araw ko na rin pinagmamasdan ang napakalalim na talukap sa kan'yang mga mata. Para siyang si Sleeping Beauty on a boy version. Ilang beses ko na nga sinubukan halikan ang namumutla niyang labi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.
Hindi naman kami sina Romeo and Juliet pero bakit ganito? Ilang Apple pa ba ang kailangan kong balatan bago niya malasahan ang True Love's kiss?
Hindi ko lubos maisip na cellphone lamang niya ang makasasagot sa napakarami kong katanungan. Actually, ilang beses ko na nga napanood dito ang confession niya. Halos na-memorize ko na rin ang pagkakasunod-sunod ng framing at mga dialogue.
Mapapanood sa ginawa niyang video ang animation film ng voice records ko. Grabe! Ang galing talaga niya mag-edit. Tugmang-tugma ang pagkaka-animate niya sa mga naka-record. Ang galing ko rin pala mag-voice over!
"Nagsimula iyon noong pangalawang beses ako ipagtabuyan ni Jackson sa harap ng mga magulang niya. Noong gabi na gusto ko kamuhian ang mundo. Noong gabi na hinahabol ako ni Mommy sakay ng kotse. Noong gabi na plinano ko magpasagasa sa taxi kung saan nakasakay si Badr-al-Din. Noong gabing iyon, ang unang beses na nakita ko si Ace...
Ang gabi kung kailan nabalot nang dugo ang harap ng Castellar Medical Hospital. Namatay ang Papa niya, ang Mommy ko, at ang mga nadamay na motorista sa harap ng hospital na pagmamay-ari nila Jackson nang dahil sa kagagawan ko."
Pagkakita niya sa 'kin sa birthday party ay muling nanumbalik sa isip niya ang madugong aksidente kaya nagdesisyon siyang samantalahin ang kahinaan ko para paibigin at paghigantihan.
Noong unang beses na napagkasunduan namin magkita sa sementeryo ay desidido na siya magseryoso sa 'kin kung hindi lamang siya hinarangan ni Bela para i-manipulate. Nalaman kong matagal na pala niya alam ang tungkol sa pagkakaroon ko ng anak at ang masalimuot kong nakaraan. Naging malinaw rin sa 'kin ang pagpapanggap ng relasyon nila para pagselosin ako at maging ang pagbabait-baitan sa 'kin ng kapatid ko.
"Inaamin ko na masyado ko hinusgahan ang pagkatao ni Aliz. Hindi ko man lang siya hinayaang magpakilala at magbago. Naging manhid ako sa posibilidad na mapamahal sa kaniya. Napakaduwag ko para pagtaguan itong nararamdaman ko. At ang tanga-tanga ko kasi nagawa kong saktan ang kagaya niya na posible palang mahalin ang isang katulad ko— ang katulad ko na binabalot ng lihim na galit." paliwanag ni Ace sa video.
Nalaman kong pumunta pa rin siya sa tagpuan namin kahit na alam niyang hindi na ako maaabutan. Sinadya niya magpa-late para maaga makahingi ng tawad kay Mommy sa mga susunod niyang gagawin sa 'ming magkapatid.
Nalaman kong matagal na pala niya dini-disregard ang panlalabo ng mga mata. Sa tuwing naka-schedule siya magpa-check-up ay palagi siyang hindi nakapupunta gawa nang mga unexpected reason na may kinalaman sa 'kin.
Nalaman kong kinompronta niya si Jackson para makipag-areglo sa 'min ni Badr-al-Din. Hiniling niyang gumawa ito nang paraan upang buoin ang pamilya namin alang-alang kay Stella. Nalaman kong hinamon niya nang suntukan si Badr-al-Din matapos nito i-cancel ang kasal.
Nalaman kong sinundan niya rin ako sa sementeryo noong inaway ko siya sa harap ng pamilya niya. Sumunod siya hanggang sa mansion. Hindi siya umalis sa tapat ng gate namin hangga't hindi niya nasisigurado na magiging okey ako. Siya rin ang unang nakaalam ng tungkol sa nangyari kay Ariel.
Madalas pala siya nakasunod sa 'kin. Bawat segundo... Bawat minuto... Bawat oras... Araw-araw. Ultimo sa maliliit na paraan ay palagi siyang nandiyan kahit simple o palihim na paraan... kahit hindi ko kailanganin.
Habang pinanonood ko ang video ay mas lalo ko siyang nakilala. Sobrang dami pala namin pagkakapareho. At noon pa man ay napakalalim na pala nang pagtingin niya para sa 'kin. Nakaiiyak lang isipin na nag-aagaw buhay ngayon ang kaisa-isang lalake na halos ilaan ang buhay para sa 'kin.
"I love you, Aliz."
"A-Ace?" nagulat na lamang ako nang bigla siyang magsalita.
I love you too ang dapat kong isagot pero mukhang namamalik-mata yata ako.
Hindi ito si Ace dahil ang Ace na iniiyakan ko ay kasalukuyan pa rin nakahiga sa kama. Natutulog. Walang malay. He has wires from different machine na nakakabit sa katawan.
Pero sino itong nakatayo sa tapat ng kama niya? Magkamukhang-magkamuha sila at parehong nakasuot ng kulay puting hospital gown.
Nakangiti ito sa 'kin habang inilalahad ang mga kamay.
"Saan tayo pupunta?" I wonder.
Hindi ko alam kung saan ngunit bigla na lamang kumilos ang kamay ko para tugunan ang paanyayang iyon.
"You don't belong here," sabi pa nito. "You should go home."
Nakaramdam ako nang pag-aalinlangan kaya sinubukan kong pumikit at huminga nang malalim sa pagbabakasakaling matauhan sa nangyayari, subalit isang napakaingay na tunog mula sa makinang nakakabit kay Ace ang nagpamulat sa 'kin.
Hindi na ako nagkaroon nang pagkakataon para hanapin ang lalaki kanina dahil mangiyak-ngiyak na lamang ako habang pinagmamasdan ang tuwid na guhit sa Ventilator Machine.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...