Pauilt-ulit na naririnig ni Alizanabelle ang pangalan niya.
Sinusubukan niyang hanapin ang pinanggagalingan ng mga boses ngunit wala siya ibang nakikita kung 'di ang malawak na paligid mula sa makulay na kawalan.
"Zanabelle, nasaan ka ba?"
"Zanabelle?"
A-anong nangyayari?
"Iyon siya!"
"Uy Zanabelle, gising! Gising!"
Nasaan ako?
"Zanabelle, naririnig mo ba kami?"
"Hye-jin, tumawag ka ng ambulansya. Nagpakamatay na yata siya!"
"No, Aneesa! S-she can't do that."
B-bakit nila sinasabi 'to? Nasaan ako? Ano ba talaga ang nangyayari?
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata kung saan nakasisilaw na sikat ng araw ang unang bumungad sa kaniya. Paunti-unti rin niyang naaninagan sina Hye-jin at Aneesa.
Biglang lalaki ang mga mata niya pagkakitang nakasuot ng school uniform ang dalawa ngunit mas nakapagtataka kung bakit pati siya ay ganoon din ang suot. Sunod niyang ibabaling ang tingin sa paligid kaya tuluyan na siya maguguluhan kung paano sila napunta sa rooftop ng school nila.
"W-what are we doing here?" dali-dali siyang mapapatayo mula sa sinasalampakang sahig.
"Ikaw, what are you doing here?" pagbabalik ng tanong ni Aneesa.
"For God's sake! Zanabelle, tatlong araw ka na namin hinahanap tapos dito ka lang pala nagtatago!" dugtong naman ni Hye-jin.
"Tatlong araw?" mas lalo siyang maguguluhan. "What do you mean?"
"Kung hindi mo lang po nababalitaan, tatlong araw ka na po nawawala!" pagdidiin pa nito. "Halos mabaliw na 'yong mommy mo kaka-contact kay Jackson kasi nga kayo 'tong huling magkasama bago ka nawala. Malay ba namin kung nagtanan na kayo!"
"T-teka nga, pakibagalan. Hindi ko ma-gets, eh. You mentioned, 'mommy' right?"
"Yeah! Your mom, tita Aurora."
"P-pero, patay na si mommy."
"Naku, girl! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" pagkokomento ni Aneesa, "Hindi mo lang alam pero daig pa sa three days ang pangungulila sa 'yo ng mommy mo noong nawawala ka. Sana naman, ma-appreciate mo rin kahit paano ang presence niya!"
"But—"
"Naku! Aneesa, pakisampal nga 'yang best friend mo. Mukhang nananaginip pa yata!" pagkasabi'y napasapok sa noo si Hye-jin.
"Look at me Zanabelle," giit naman ni Aneesa na wari'y tinititigan siya sa mga mata habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi. "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Jackson? Naibigay mo ba 'yong voice recorder?"
"Break na kami, 'di ba?"
"BREAK?!"
"Teka, bakit parang gulat na gulat kayo?" nakakunot ang noo niyang tanong. "'Di ba matagal nang tapos ang issue sa 'min?"
"Paanong matagal, eh noong nakaraang linggo lang ay napakasaya ninyo? 'Di ba nagpasama ka pa nga sa 'kin sa paghahanap nang star thingy na voice recorder?" paglilinaw ni Hye-jin.
"That was four years ago."
Mabilis siya nitong binatukan sa ulo.
"Four years ago in your face! For your more information, January 21, 2012 pa lang po at kakatapos lang ng mid-term exams natin. Tignan mo nga nakasuot pa tayo ng school uniform!" napailing ito. "Gusto mo ba talaga pabilisin ang panahon?"
"W-what do you mean?" pagtataka niya at dali-dali siyang dudungaw sa ibaba ng rooftop habang nililibot nang tingin ang paligid. "P-paano ako nakabalik dito?"
Doon ay nakikita niya ang maaliwalas na landscape ng University of Santo Tomas kung saan abala ang mga estudyante sa kung ano-anong school activities. Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita rin niya kung paano kino-construct ang ilan sa mga building na dapat ay established na.
Habang umiihip ang malakas na hanging humahawi sa maiksi niyang palda at mahabang buhok ay may kung anong blurry na eksena ang unti-unting pumapasok sa kaniyang imagination.
"You shouldn't have kissed me like that!"
"How...how would you like to be kissed?"
"I'm s-sorry. I didn't mean too. Please, give me a break to breathe and make it up on my mind. Bye Ace."
"Uy! Zanabelle, are you okay?" pagtataka ni Aneesa. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.
Napailing lamang siya.
"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong naman ni Hye-jin.
Napailing uli siya.
"C' mon Zanabelle, paano ka namin matutulungan kung ayaw mo naman magsalita?" sabi ni Kress na napakamot na lamang sa ulo.
"E-ewan," maikling tugon niya saka paulit-ulit na umiiling hanggang mapahawak sa ulo. "Masyadong weird ang lahat."
Muntikan na siya mapahandusay sa sahig pero mabuti na lamang ay naroon si Aneesa para sumalo sa kaniya. Niyakap siya nito.
"Kalma lang girl. Pati ako nate-tense sa 'yo, eh!"
Mula sa hindi kalayuan ay napailing na lamang rin si Hye-jin. "Well I guess, you had a bad nightmare." kongklusyon nito saka lumapit sa kanila. "Kung sakali man namatay or mamatay ang Mommy, you should be thankful because everything is just a nightmare. It may be a threat."
Napatingin siya rito. "A threat? Do you mean to my future?" muli siyang napailing dahil kung ano-ano na namang boses ang nakikita at naririnig ng imagination niya.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...