The Wake-Up Call

39 9 15
                                    



Sana ginalingan ko ang pakikipaglaro para hindi ako ang naging taya. Sana hindi na ako nagdalawang isip sa pagsugal. Sana hindi ko na lang in-accept ang friend request niya. Sana wala akong cellphone para hindi ko siya naka-text. Sana hindi na lang ako pumunta sa party para hindi ko siya nakilala.

Sana hindi na lang ako nakitira dito. Sana hindi ako pinagtabuyan ni Lola. Sana hindi na lang umalis si Dad. Sana hindi na lang namatay si Mom. Sana hindi ako nagrebelde. Sana nag-aral na lang ako...

Kung puwede lang ibalik ang mga oras bago ito naging sana na lang...

"Ano 'to, Déjà vu?"

"Magkaiba 'yon, Hye-jin. Ano ka ba?!"

Muling umihip ang hangin na tumangay sa mga alikabok at mga nalalagas na dahon mula sa puno. At sa paghupa noon ay buong tindig na tatayo si Alizanabelle para pahirin ang mga natuyong luha.

"I want to see my mom," deklara niya't mangunguna sa paglalakad.

Hanggang sa parking lot ay mananatili lamang na nakasunod ang mga kaibigan.

"How about Jackson? Moved on ka na kaagad, gano'n?" paglilinaw ni Hye-jin.

"Matagal na," tanging nasabi niya habang hinahanap kung saan ipinarada ang kotse.

"But this is the reality. In real life, three days pa lang kayong break!" paliwanag naman ni Aneesa.

"Tama ka." pagkasabi'y hihinto siya sa paglalakad at nginitian ang mga ito. "Dahil ako mismo ang gagawa nang sarili kong kapalaran. Mapigilan ko man o hindi ang mga mangyayari, ang mahalaga ay alam ko kung paano itatama ang mali," desesiyon niya habang nakangiti. "This is my second chance. And this time, I'll be better!"

Ngunit ang tagpong ito ay masisira nang nakabubulahaw na busina mula sa humaharurot na motorisklo.

"MISS! TABI!" sigaw ng driver.

Wari'y ililihis nito ang daan para hindi siya masagasaan. Sa kagustuhan nito na iligtas siya ay kamuntikan pa ito ma-out of balance sa pagmamaneho at halos tumilapon ang sinasakyan sa sobrang lakas ng impact.

"Miss, ayos ka lang?" pag-aalala ng driver pagkababa sa motor. Hinubad nito ang hellmet saka tumakbo palapit kay Alizanabelle. "May masakit ba sa 'yo?"

"I-ikaw?" halos lumaki ang mga mata niya sa hindi inaasahang makita.

"Anyway, tatlong araw ka kasi nawala so you guys never had a chance to meet formally. He is Justine Ace Castillo, ang magre-retrieve sa corrupted files natin," pagpapaliwanag ni Hye-jin, "And Ace, she is Alizanabelle, our long lost Writer."

"A-Ace?"

"It's nice to finally meet you, Aliz—"

Ilalahad sana ni Justine Ace ang kamay para makipag-shake hands pero mabilis niya itong yayakapin.

"Masaya ako makitang buhay ka pa! I'm sorry Ace. I am sorry for being such a mess."

"T-teka nga... Miss, okey ka lang ba talaga?" pagtataka nito habang unti-unting kumakalas sa yakap niya. "H-hindi ka naman nabagok pero bakit ang weird mo pa rin?"

"I'm just simply happy to see you alive," abot hanggang tainga niyang ngiti.

"Naku! Ace, pagpasensiyahan mo na 'tong kaibigan namin, ha. Alam mo naman ang imagination ng mga Writer, sa sobrang lawak, 'di mo na ma-reach!" pagdadahilan pa ni Hye-jin habang hinahatak ang braso ni Alizanabelle palayo kay Ace.

"'Di ba, kakausapin mo pa 'yong Mommy mo? Tara na, baka maunahan ka pa ni Kamatayan!"

"We're going. Tomorrow na lang natin pag-usapan 'yong tungkol sa Flashdrive, ha. Bye, Ace!" pagpapaalam naman ni Aneesa habang binubuksan ang pinto ng pulang kotse.

"T-teka!"

Susubukan ni Justine Ace na pigilan ang magkakaibigan pero kaagad na pinaharurot ni Aneesa ang sasakyan.

"Ibabalik ko lang sana ang nahulog ninyo—" pahabol nitong pahayag habang hawak ang napulot na laruang 'star', pero usok ng tambutso lamang ang sumagot.

"Bukas na nga lang," ismid nito't pinagmasdan maigi ang hawak. "A-Aliz," pagkabasa nito sa salitang nakaukit sa star. "Alice in Wonderland?"











The end

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon