CHAPTER 02

17 2 0
                                    

TALE's POV

Pag uwi ko sa bahay ay bumungad na naman ang mukha ni inang reyna. Para itong kakain ng tao ng makita ako Ngunit imbes na matakot tinaas ko lang ang aking kanang kilay.

"Taleee, ano na naman itong nabalitaan ko sa school mo?"-singhal niya Ngunit tila nag bingi-bingihan lang ako at akmang aakyat na sa hagdanan.

"Isang hakbang mo pa, babatukan na kita."-ani ni mama ngunit napangisi lang ako.

"Tss', Ano na naman po ba?"-saad ko at hinarap si mama.

"Huwag mo kong sagot-sagutin."-ani niya kaya napataray naman ako ng wala sa lugar.

"Hindi ka pa rin ba magbabago?"-tanong niya Ngunit di ko siya sinagot at nilibot ang tingin sa kabuuhan ng bahay namin.

"Aba't pipi ka ba? Sumagot ka."-sigaw niya at akmang tatapunan ako ng tsinelas niya, buti na lang nakailag ako.

"Ma Ba't ka ba nagagalit e sabi mo hindi kita sagutin."-ani ko at ngumuso.

"Ay oo nga pala noh, sabi ko nga sige magbihis ka na dun  anak at Baka gutom ka na."-ani niya kaya Napangiti naman ako at umakyat na sa itaas.

Yan ang mama ko, siyempre mana ako dun e. Pero mas maganda pa rin ako sa kanya noh. Duh siyempre di ako patatalo sa beauty ni mather dahil kung maganda siya siyempre mas maganda ang bunga.

F.F

"Ma penge 100 paload lang ako sa tindahan."-saad ko at inilahad ang kamay sa harapan ni mama.

Binigay niya naman sa akin ang hiningi ko siyempre ganyan ako ka love ni mama.

"Sige ma."-saad ko at naglakad na.

Habang naglalakad ako may nakita akong isang familiar na tao. And it's very familiar, omoo anong ginagawa ng SSG president dito anak ng tokwa.

Imbes na magpaload nagtago ako sa likod ng puno at tinignan kung ano ang kanyang ginagawa. Woah naka Lamborghini amp, naks mayaman pala siya e. Wait, pero parang familiar ang kasama niya si...si... School principal. Oh my ghosh.

"Bakit kaya sila magkasama?"-bulong ko habang nagtatago pa rin.

"Hayts bahala na nga, basagulera lang ako Di naman ako tsismosa."-ani ko sa sarili ko at naglakad na papuntang tindahan.

"Tao po??"-saad ko at pinindot ang bell dun. Naks maka bell ang yaman.

Bingi ba ang tindira, Tss'.

"Taoooooo po."-sigaw ko may lumabas namang isang babae.

"Ano yun?"-tanong niya.

"Paload nga ako ate, 50."-ani ko at binigay na ang number at saka nag umpisa ng maglakad pauwi.

Nang makarating na ako sa bahay may nakapark na Lamborghini sa harapan nito.

Naks at kailan pa kami nagka kotse ng Lamborghini e ang alam ko Yamaha yung kotse ni Papa.

Tss' Tss maka pasok na nga.

"Oh anak?"-tawag ni mama pagpasok ko palang Ngunit tinaas ko lamang ang kilay at napansin ko rin na may dalawang lalaking nakaupo sa sofa Ngunit nakatalikod sa akin.

"Halika maupo ka."-ani niya kaya lumapit naman ako sa kanya at nakita ko rin sa wakas ang mukha ni Mr. ssg president at Mr.principal.

"Anong ginagawa niyo dito?"-malambot kong tanong.

"Ah wala naman, may sinabi lang kami sa mama mo."-saad ni Mr. Principal Ngunit nanatiling tahimik si Mr. Ssg president.

"Sige po madam mauuna na kami."-saad ni Mr. Principal. Tumango naman si mama at ngumiti, saka tumayo at nag umpisa nang maglakad palabas ng bahay si Mr.Principal at Mr.Ssg president.

"Ma ano pong ginagawa nila dito kanina?"-tanong ko.

"You will know it, soon anak."-saad niya at ngumiti niyakap naman ako nito kaya Hindi ko siya maiwasang yakapin pabalik.

"Alam kung magagalit ka pero matatanggap mo rin."-ani ni mama kaya di ko maiwasang magtaka.

Ano bang pinagsasabi ni inang reyna.

AUTHOR'S NOTE

Tanya Grace Ravich
-Tales mother.

Klenth Phoenix Ravich
-Tales father

BASAGULERA AND THE SSG PRESIDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon